Chapter 1.

893 53 9
                                    

Ellen's POV.

*kriiing.kriiing*

Sabay sabay kaming nagsitayuan ng tumunog na yung bell. Nagulat pa nga si ms. dahil hindi pa sya nagdi-dismiss. Haiz! Asa pa ba sya? Walang ganun noh! -_- bastusan na ngayon!

Habang naglalakad ako sa hallway ay may naramdaman akong tumabi sakin.

"Alone?" Sinamaan ko lang ng tingin to.

"Pake mo bang itlog ka? Umalis ka nga dito! Peste!" sabi ko saka ko na binilisan ang paglalakad ko para maunahan sya pero ang bilis nya ding maglakad.

"Bakit masamang dumaan dito? Itlog ka ng itlog! Para kang tanga!" Sabi nya pa.

Binagalan ko yung paglalakad ko dahil hinihingal na ako.

"E ANONG GUSTO MO! CHIKININI!" Sigaw ko.

"Argh! Ingay! Nakalunok ka ba ng sampung megaphone? Lakas ng boses mo ha!" Iritang sabi nya habang iritang kinukuskos din yung tenga nya.

Yung line nya. Parang naalala ko si Darren. Asan na kaya sya ngayon? Ano na kayang ginagawa nya?

Argh! Naalala ko na naman sya. Naiiyak na naman ako.

Hindi na sya nagte-text. Di nya sinasagot yung mga tawag ko. Wala na talaga sya.

"Layuan mo ko. Sasaktan mo din naman ako e. Iiwan mo din naman ako!" Sabi ko saka ko na naramdaman yung pagtulo ng mga luha kong kanina pa nagbabadyang bumagsak.

E kasi diko mapigilan. Pag naiisip ko sya automatic ng naiiyak ako huhu.

"Hoy! Wag kang umiyak dito baka sasabihin nila pinapaiyak kita. Hindi ko ugaling magpa-iyak ng babae huy!" Natatarantang sabi nya saka nya ako hinila papasok sa isang room na walang katao-tao. Sinarado nya yung pinto.

"UNGAAA! GINAYA MO YUNG SINABI NYA SAKIN DATI! NAALALA KO NA NAMAN YUNG ASAWA KO HUHUHUHU KASI E NOH!" Iyak ko na naman.

Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan nya pa dun mag-aral! May school naman dito! Sila pa may ari! Bakit kelangan nya pang lumayo? Bakit kelangan nya pa akong iwan?

Okay lang naman kahit si ate yung gusto nya eh! Mahal nya! Ang hindi ko lang kaya e yung hindi ko sya nakikita.

"HUWAAA! HUHUHU INIWAN NYA AKO ITLOG! SABI NYA HINDI NYA DAW AKO MAHAL. TANGA DAW AKO, UTO UTO. PURO DAW AKO LANDI. ITLOG ANG SAKIT NUN SA PART KO HUHUHU UNGAA!" Pagkekwento ko kay Itlog habang umiiyak pa rin.

"Pwede kang mag kwento at umiyak ng hindi sumisigaw. Alam mo ba yun?" Sabi nya saka napakamot sa ulo nya.


Wala sa bokabularyo kong maging tahimik. WALA KANG PAKELAM!



"E KASI ITLOG HUHUHU SABI NYA SAKIN MAHAL NYA AKO E! UNGAAA ARAW ARAW KAMING MAGKASAMA KAYA IMPOSBLENG HINDI SYA MAGKA-GUSTO SAKIN HUHUHUHU SA GANDA KONG TO?..." Sabay turo sa muka ko.

"...TAPOS MAKIKITA KO SYANG NAKIKIPAG-HALIKAN SA ATE KO. ANG SAKIT HUHUHU WALA NA! WALA NA! NAAALALA KO NA NAMAN! IKAW KASI E! UNGAAA!" Iyak lang ako ng iyak habang tinuturo sya.

Napatingin ako sa kanya dahil tahimik lang sya at parang gulat pa na nag-iisip.

"Si Darren? Nakikipag halikan TALAGA? E hindi nga lumalapit sa babae yun e! HAHAHA!" Sabi nya saka na tumawa.



So muka akong sinungaling ganun?


"TIGNAN MO ITLOG! INULIT MO PA! HUHUHU SAKA ANONG TINGIN MO SAKIN? HINDI BA AKO BABAE?! HA ITLOG? E NILALAPITAN NYA KAYA AKO! LAGI NGA KAMING MAGKASAMA E! WAAAAH SABI NYA PA NGA MAHAL NYA AKO ITLOG E. HUHUHU NAGKISS KAYA KAMI HUHU! TAPOS BIGLANG SABI NYA WALA DAW KAMI? E KINISS NYA AKO! ITLOG! PANAGUTAN NYA YUN!"

The Boy Next Door Again? (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon