Chapter 6.

350 16 17
                                    

Juan Karlos POV.

Tapos na yung klase.

Pero ako? Eto taga-bitbit ng gamit ni donya. Mahal na reyna Ellenita.

Naglalakad lang kami sa hallway at naka-sunod lang ako sa kanya.

Saan na naman ba kami pupunta?

"Bebi ko!!!" Tawag ko sa kanya.

Huminto sya sa paglalakad at nilingon ako.

Kumunot yung noo nya at salubong yung kilay nya.

"Pwede bang wag mong isigaw yung kadiring endearment wanna be mo! Dami kayang tao!" Iritang sabi nya.

Arte ha! Pasalamat ka nga tinatawag ka na 'bebi ko' ng isang gwapong nilalang na tulad ko. Hehe :D

Lumapit sya sakin saka nya ako hinila.

Instant alalay ah! Ginawa pa akong aso.

Syenpre nagpahila na lang ako. Baka batukan ako e. TAMA NA! Kota na ako ngayong araw. Hahaha!

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"Wala pa naman tayong klase so music room muna tayo..." Napatango tango na lang ako sa sinabi nya.

Buti naman. Kala ko papalibre na naman e. Hahaha!

Kung alam ko lang talaga na ganito ugali nito ay naku! Dibale na! Hindi ko na sya tutulungan pang makalimot.

Kaya lang wala na eh! Nangyari na. Tama nga sila. Nasa huli ang pagsisisi.

Pasalamat sya.... Maganda sya. Haha!

Nakaramdam ako ng lamig ng aircon kaya bumalik ako sa wisyo ko.

Tinignan ko yung paligid ko. Tahimik.

Buti naman kami lang dalawa. Hahaha date na to noh!

Date sa music room. Haha bawal PDA dito e.

Naramdaman kong binitawan na ako ni Ellen saka sya naglakad papunta sa flat form. Saka nya kinuha yung gitara sa istante.

"Nag-gigitara ka?" Tanong ko saka din lumapit sa kanya.

"Oo! Ikaw?" Umupo sya kaya umupo din ako sa tabi nya.

"Hindi mo man naitatanong pero mas magaling pa ako kay Justine Bieber!" Taas noong sabi ko.

"Lul! Baka Justine Beeper. Ikaw nga!" Sabi nya saka marahas na binigay sakin yung gitara.

Tumawa lang ako saka kinalabit yung gitara sabay tingin sa mga mata nya.

"Baka mainlove ka?" Sabi ko bago ko simulan. Napangiwi naman sya.

"Yak ha! ASA KA!"

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Ellen's POV.

"Sus! Kunwari ka pa!" Nag-make face lang ako habang sya naman ay tawa ng tawa.

Mandiri nga sya -_-

"Sige na kanta na!" Gigil na sabi ko at akmang babatukan sya pero umilag sya.

"Woah! Pang-walo mo na yan! Kala mo di ko bilang!?"

"Kanta na kasi!"

"Taeng tae? Wait! Ehem ehem..." Nilinis nya yung throat nya.

Teka? Dejavu? Parang nangyari na to ha?

"Tagal!"

Kinalabit nya na yung gitara. Nakatingin lang sya sa gitara habang tinutugtog ito.

The Boy Next Door Again? (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon