4. HALA KA CHALICE!

77 0 0
                                    

PATRICK SO'S POV

"Tagal naman ni Chalisa!!!" Litanya ko sa sarili ko. Ang tagal naman nung babaeng yun aba. Magdadalawang oras na akong naghihintay dito! Nakalabas na naman ang mga kaklase niya ah?

Oo nga pala. Ako si Patrick So. Ang bestfriend ng inyong panget na bida. Tss akalain niyo diba? Pano ko naging bespren yung panget na yun. Sama ko ba? Pake nyo ba. Sanay na yun. Haha 

Nandito ako ngayon sa gate ng BU, kanina pa ko dito. Si Chalice naman eh bantagal! 

*************************

 CHALICE NA'S POV

"DALIAN MO DYAN CHALICE NA! TULOG TULOG KA PA AH." Sigaw ng nakakarinding proctor. Huhu kasalanan ko bang sa sobrang sabaw na ng utak ko dito sa exam na to, eh nakatulog ako? Tss. 

"OPO OPO!!" Nagsagot naman ako ng mabilis. Kaya ko naman to eh, sus! Sisiw lang. Nakatulog lang ako dahil sa sorang boring at nakakaantok naman talaga ang araw na to.

Matapos ang napakahabang exam na yun, ibinigay ko na kay Miss yung answer sheet ko at lumabas. Napa-urong naman ako nung nakita ko si Kevin. Nagtago ako dun sa sulok at aantayin ko nalang siyang makaalis. Bakit? Kasi ayokong magpakita sakaniya.Bakit? HINDI KO ALAM!! Basta ayoko. 

"Kevin, let's go?"  Sabi ng isang babaeng kararating lamang at lumapit kay Kevin. Sino to? Girlfriend? Tss. Nakahanap agad ng girlfriend dito, eh first day palang? Grabe. Ayun, umalis na sila.

Nagtungo naman ako sa gate at nakita si Patrick. SHEMS!! I forgot! Huhu lagot ako dito. Kanina pa kaya siya nagaantay? Nang makita ako ni Patrick, lumapit siya sakin ng naka-poker face at..

"ARAY KO SONGET ANG SAKIT NUN AH!!" Hinampas ba naman ang noo ko? Langya 

"Ang tagal mo taba! Alam mo bang two hours na ko dito?!!!" Sigaw niya. Oh noes, bv si songet. Sosonget lalo. HAHAHA

"Sorry na songet. Wag ka na magalit. =))" Sabi ko with matching beautiful eyes.

"Panget mo uy! tigilan mo nga!  Tara na! Gutom na ko!" Hinila na niya ko palabas.

Nagtungo kami sa sakayan ng jeep at pumunta sa pinakamalapit na Mr. Kimbob. KOREAN FOOOOD!!!!!! Paborito namin ni Songet yan. Haha

 "OY Taba. Libre mo ko." Nabigla naman ako kay Patrick. Poker face parin. Tss

"Anong libre? Taghirap ngayon! Di uso yan!" Sabi ko. 

Nakaupo na kami sa table at lumapit saamin ang isang waitress.

"Mam, sir. May I take your order?" Magalang na sabi nung babae. Sus if I know, nagpapacute lang to kay Songet. Haha

"Miss, kung ano sakaniya, ganun din sakin. Libre niya eh." Sabi ni Patrick.

"SONGET!!! Wa ko pera!!" Reklamo ko.

"Eh bat tayo nandito? Tss. Pinaghintay mo nanga ako ng matagal kanina, wala kang utang na loob. Puro ka taba!" Sabi ni Patrick. 

"Sus. Sige na nga huhu mangaasar pa eh!! Miss! Dalawang order po ng Bibimbop! Yung pinakamasarap ah! Tas yung drinks, lemon tea nalang parehas." Natawa naman ang waitress samin. Tss

Little Miss Misfit ▲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon