8. Goodbye?

63 2 5
                                    

PATRICK SO’S POV

“Patrick, you have to understand. Para sa future mo ito. Mas mabuti ng maaga kang mag-aral doon.” Dad said on the phone

“BUT DAD. Pumayag na nga po ako na sa college ay diyan na ako eh, bakit naman po pinaaga niyo pa?!” Sigaw ko

“WAG MO KONG SIGAWAN PATRICK. MY DECISION IS FINAL. Pupunta ka dito as soon as possible. Napa-book ko na ang flight mo!”

“Badtrip na buhay o” I dropped the call and threw my phone away. Bakit ba ang kulit ng matandang yun? Sinabi ko nang ayokong mag-aral doon eh.

Nasa America kasi ang mga magulang ko. Pero kahit na ganun, ay sila parin ang nasusunod. Simula palang nung una, sila na nagmamanipula ng buhay ko. Kung anong gagawin ko, kung saan ako mag-aaral, kung saan ako pupunta, at LAHAT NA.

Pumayag nalang ako na sumunod sakanila doon, pagkatapos ko ng highschool. Pero ngayon ay bigla na lamang tumawag si Dad at pinapapunta na ko doon. Ayoko. Pero hindi pwede. Kailangan kong sumunod sakanila eh.

Isang bagay lang naman ang ayokong iwanan dito sa Pilipinas. Ang mga kaibigan ko. Lalong lalo na si Chalice, ang bestfriend ko. Paano na to?

CHALICE NA’S POV

Nandito kami ngayon ng barkada sa condo ni Patrick. Oo, condo. Nasa America kasi ang mga magulang niya, kaya mag-isa lang siya. Tinawagan kami ni Patrick dahil mayroon daw siyang mahalagang sasabihin.

“Oy..” Ayan na si Patrick..

Nagbatian kaming lahat.. Ilang minuto din ang lumipas at ipinaliwanag na ni Patrick ang rason kung bakit niya kami tinipon..

Nabigla naman kaming lahat sa sinabi niya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ng lahat ngayon.

“ANO?!”

“PARE NAMAN. IIWAN MO NALANG KAMI?!”

“PATRICK. BAKIT NAPA-AGA NAMAN?”

Sabay sabay na litanya ng buong barkada.

Lahat sila ay nagwawala at kinakausap si Patrick habang ako, tahimik lang...

“Eto ang gusto ng tatay ko eh. May magagawa pa ba ko?” Patrick said firmly

“Kailan mo pa nabalakang umalis? Bakit ngayon mo lang sinabi samin?!” Litanya ni Chynna, ang pinakamatanda sa  barkada namin.

“Tumawag lang ang tatay ko. Hindi ko naman akalain na ganito ako kaaga kukunin. Alam niyo naman, dati pa, gusto na nila akong tumira doon diba?”  Ani Patrick

Wala nang masabi ang barkada. Natahimik narin sila, tulad ko. Nakayuko parin ako sa isang gilid.. Hindi alam ang gagawin.

------------------

PATRICK SO’S POV

Nasabi ko na sa barkada ang desisyon ng Dad ko.

Kanina’y nagkagulo at nagsigawan sila dahil sa nalaman pero ngayon, tahimik nalang..

Sobrang tahimik.. Lalo na si Chalice. L

Hindi nagtagal, nagkayayaan nang umuwi ang barkada.

Pero nagpaiwan si Chalice. Wala parin siyang imik kahit naka-alis na ang iba.

“Chalice..” Tawag ko sakanya.. Naka-upo parin siya sa couch.. Naka-yuko.

“…” Lumuhod ako sa harap niya..

Little Miss Misfit ▲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon