Cassey's POV
Bihis nako para pumasok na sa school, pababa nako sa kusina.. Nakita ko si mama na nakatulala sa tapat ng pagkain na nakahanda sa lamesa.. Hayss. Alam ko na kung bakit...
"Ma.." Malungkot kong sabi at umupo sa tabi ni mama. "Ma, di nanaman po ba umuwi si Papa?"
Bigla naman tumulo ang luha ni mama kaya niyakap ko siya, napahagulgol nalang din ako sa iyak.
"Kaya naman natin tong dalawa ma eh.. Kahit wala si papa.." Mangiyak ngiyak na sabi ko
Ganyan naman si tatay, kung di uuwi ng lasing madalas di na talaga umuuwi..
Umiiyak lang si mama habang yakap ako."Ma. Bat di mo pa po kasi hiwalayan si papa? Nandito naman po ako eh..." nanginginig yung boses ko habang umiiyak..
"Anak.. Mahal na mahal ko ang tatay mo.." Mangiyak ngiyak na sabi ni mama
Hay.. bilib ako kay mama eh, kahit walang kwenta si papa mahal niya parin to. Di niya magawang iwanan.. Kaya simula noon sabi ko sa sarili ko, aalagaan ko si mama.. Paparamdam ko sakanyang di siya nag iisa....
Kaya siguro ganto narin ako kay Jasper.. Dahil ayoko ring maiwan katulad ng ginagawa ni Papa kay mama...
*************************
Nandito kami sa cafeteria ng mga kaibigan ko, sina Cindy Mccay at Jonas Wayne. Bestfriend ko si Cindy since grade 3, til now na college kami. Si Jonas naman kaklase namin simula 1st year college. 3rd year college na kami ngayon.
"Bes, bat nga kasi umalis kakaagad nung nakaaran tas absent kapa kahapon?" I know bestfriend ko si Cindy, pero di ko talaga pwede sabihin sakanya yung ginawa at pinuntahan ko nung isang araw at kahapon..
Nung naalala ko yung nangyare samin ni Jasper.. Napangiti nalang ako...
"Cindy, kita mo yun? Ngumingiti si Cassey!" Sabi ni jonas "Aba! Mukhang alam ko nayan Cassey ah, aruuuy. May date ka kahapon noh?! Pinag palit mo nako agad baby!?"
Binatukan ni Cindy si Jonas "ARAY! Bat namamatok ka?!"
"Eh para kang sira! Bat mag kakadate yan si Cassey eh wala nga boyfriend yan! Unless..."
Napatitig sila saking dalawa na parang nag aantay ng sasabihin.
Napatigil nalang ako sa kinakaen kong sandwich "Sira kayong dalawa! Para kamo kayong baliw" sabi ko nalang na inaavoid yung tanong nila..
"Eh bakit wala ka nga?" Tanong ni cindy
"Ah.. Eh.. Ano kasi..." Utal utal na sabi ko..
"Ano nga?!" Sabay nilang sigaw sakin..
"Aish! Bat niyo ba kasi kelangan akong sigawan? Sabay pa kayo.." Pagkamot ko sa ulo ko.. "Ano kasi.. Nagka-diarrhea ako, kaya di pumasok.. Hehe" ayoko talagang mag sinungaling.. Pero sorry..
"Ha? Bat di mo sakin sinabe Cassey? Sana inalagaan sana kita nun. Ano okay kana ba?"
Umirap si Cindy "Pwede ba Jonas! Magtigil ka nga dyan!"
"Bakit? Gusto ko lang naman alagaan si Cassey ah"
Natatawa lang ako sakanila, lagi kasi nag aaway yung dalawang yan. "Oh tama na yan, nag babangayan nanaman kayo. Para kayong mag asawa"
BINABASA MO ANG
The Player's Game
Ficción GeneralWhat if you fall inlove with your friend that your fully aware that he's a playboy? He rejected you but you can't accept it, and you were willing to do everything in exchange for his love. Ang kapalit na labag sa kalooban mo pero hindi mo siya kayan...