I know that I don't own you, and perhaps I never will, so my anger when your with her, I have no right to feel. -Lang Leav
Basa ko sa unang linya sa poem ni Lang Leav na Just Friends. Alam ko naman eh at naiintindihan ko. Kaibigan mo ko at bilang isang kaibigan ay di rin ibig sabihin na sisibol ito sa mas pa. Mas na ako na yung nagpapatibok na puso mo at ang lalakad sa altar papunta sayo. Malayo yun. Sobrang layo.Napapagod na din ako kakapaalala sayo lahat ng memorya mo satin lalo na dahil siya ang tumatakbo sa utak mo at pinipintig ng puso mo. Ang swerte niya. Sobra.
Matagal na din nung huli tayong nagkita. Ang mahirap? Kasi hanggang ngayon parang kahapon pa lang din ang lahat. Yung pagbili ko ng flowers na ibibigay mo sa kanya, pagpili ng teddy bear na maaring magustuhan niya, paghahanda ng sweetest date ever niyo, pagsuot ng mascot para mapatawad ka na niya at iba pa para mapasaya mo siya at makita ang mga ngiti sayong mata. Lalo na nung sinagot ka niya, ang araw ng pagtanggap mo ng matatamis niyang OO na nagpabasag ng puso ko. Nakita ko din ang hirap mo nung nagsisimula ka palang sa lahat at sa gitna ng relasyon niyo sa parteng may mga hamon kayong nararanasan. Andun kasi ako sa tabi mo.
Eksakto nga siguro ang quotation na "I had you at your worst. She had you at your best" Nasaksihan ko lahat ng paghihirap mo simula't sapul kung paano ka nahulog sa kanya, paggawa mo ng mga paraan para mahalin ka din niya pabalik, at ang iba pang mga bagay simula pagkabata.
Hindi ko alam ba't pa ako bumalik dito. Di ko alam ba't nakatayo ako ngayon sa paborito nating bilihan ng mga libro. It has been 5 years since grumaduate tayo ng kolehiyo at lumuwas ako para maghanap ng trabaho at para mapalayo na din dito sa lugar natin habang ikaw ay tinatantya pa rin ang pagluwas sa kadahilanang ayaw mong magkalayo kayo.
"Cheanne?," rinig kong tawag saken ng isang pamilyar na boses na nagpalingon saken upang malaman kung sino.
"Trina?,"
"Cheanne! Gosh! antagal mo ng di nakauwi dito ah," sabi niya.
"Ahh oo busy lang tsaka sumunod din kasi si Mummy kaya di na nauwi," sagot ko.
"Ahh kaya pala, kailan ka pa nakauwi? Hindi ka man lang nagpasabi," sabi uli nito kasabay ang pagkurba ng mga kilay nito na tila ba ay nalulungkot.
"Nung isang linggo pa, ngayon lang din nakalabas ng bahay. Ang dami din kasing nagbago dito," sabi ko ng may ngiti.
"Oo nga eh ikaw din ang daming nagbago sayo parang hindi ikaw si Cheanne nun," sabi nito at nagpatuloy sa pagsasalita hanggang umabot sa isang salitang muling nagpakabog ng puso ko.
"Nga pala Eanne, ikakasal na kami!," ngiting-ngiti niyang sabi sabay pakita saken nung kamay niyang may engagement ring.
"W-ow! Hahaha oo nga," sabi ko ng pautal utal.
"Hindi ako nakapaghanda ng invitation card mo pero ito nalang muna oh. Punta ka ah?," puno ng kaligayahan niyang sabi na tila ay nananabik na.
"O-oo thank you," sambit ko habang nangigilid ang luha sa mata.
"Aalis na ako. E text mo nalang ako o kaya si Dwayne andyan na yung card naka insert. Thank you Cheanne," sabi niya sabay yakap saken.
"Hinding-hindi kami hahantong sa ganito kung wala ka," sabi niya sa gitna ng mga yakap.
"Ha? hahahaha wala yun," sabi ko. Tsaka siya nagpaalam at umalis. Lutang akong umuwi ng bahay habang tumutulo ang mga luha alam ko na to eh. Akala ko kasi preparado na ako sa lahat na kaya na kitang harapin uli. Akala ko tanggap ko na ang katotohanang hindi na magiging tayo dahil impossible na talagang mangyari yun. Ang tanga ko kasi.
Nagtext ako kay Trina kinagabihan na di ako makakapunta habang pinaplano din ang pagalis sa mismong kasal. Masakit pa pala kasi. Nagkulong ako sa kwarto sa luma naming bahay binabasa ang bawat pamagat ng mga librong naiwan ko dito. Hanggang sa natunton ko ang isa sa paborito kong libro na nagpaiyak nanaman saken uli dahil sa litratong nakasingit dito. Litrato ng dalawang batang nag boblow sa iisang candle, sa iisang cake na may party hats sa ulo. Inikot ko ito at nakito kong may nakasulat sa likuran nito 'Dwayne Aldrich and Cheanne Dale at 10'. Miss na miss na nga siguro kita Den-Den. Dumaan pa ang ilang mga araw at halos hindi ko na mapigilang umalis sa lugar nato kung di lang talaga nandito si Mummy. Nakita ko din pala ang scrapbook na dapat ay ireregalo ko sana sayo 6 years ago na pinuno ko ng litrato nating dalawa at DIY's na pinagtyagaan kong gawin para sa kaarawan natin pero di ko na din ito nabigay dahil di tayo sabay na nag celebrate dahil sa hindi mo pagsipot sa akin, sinorpresa kana kasi ni Trina at hindi mo na siya maiwan. Siya din naman kasi ang dapat na kasama mong magcelebrate dahil siya ang girlfriend mo. Itinago ko nalang ito at napagpasyahang ibigay ito sayo sa susunod nating birthday pero wala din dahil nakaalis na ako. Nakita ko din sa pinakahuling pahina nito ang may disenyo pero walang litratong frame na may katagang 'Happiest Day Ever' na dapat sana ay ikaw ang maglalagay ng litrato. Kailan mo kaya to mapupunan?
BINABASA MO ANG
All Too Well
Roman pour AdolescentsWell, maybe we got lost in translation, maybe I asked for too much, but maybe this thing was a masterpiece 'til you tore it all up. Running scared, I was there, I remember it all too well.