Bisikleta

802 27 3
                                    

Ang pagmamahal mo sa akin ay parang isang bagong bisikleta.

Sa una, porket bago at walang kalawang, mamahalin mo. Parang tayo, akala ko sa umpisa, ako lang ang mahal mo. Akala ko ako lang. Akala ko espesyal ako. Akala ko lang pala iyon.

Pero teka, hindi pa tayo tapos. Syempre dahil bago ang laruan mo, gagamitin mo. Gagamitin mo ng paulit-ulit. Aapak-apakan mo, papaikutin mo, ipapasunod mo sa mga kagustuhan mo. Dahil ang nasa-isip mo ay pag mamay-ari mo ako. Na isa akong bagay na maaari mong paglaruan kung hanggang kailan mo gusto. Syempre akong si tanga, akala ko, paraan mo lang ito para iparamdam sa akin na mahal mo ako, 'yun pala isa kang bastardong itinuturing akong isa sa mga laruang koleksyon mo. Isang laruang, pwede mong maipagmalaki sa iba. Isang laruan para ipa-bida. Isang laruang kailangan mo, para makasunod ka sa uso.

At syempre kapag sawa at pagod ka na, ihihinto mo ang paglalaro mo. Ibre-break mo. Iiwanan mo. O minsan kapag masyado kang mabait, ibibigay mo sa iba.

Ganun ka naman e. Kapag bagot na, maghahanap  na agad ng bago. Kapag napag sawaan mo na ay iiwan at isasantabi mo na lang na parang walang nangyari.

Kagaya na lang ng ginawa mo sa akin. Matapos mong iparamdam na mahal at kailangan mo ako, matapos mong gamitin ng paulit-ulit, iiwanan at kakalimutan mo din pala ako. Ipagpapalit mo sa iba dahil nagkaroon na ako ng lamat at kalawang. Ipagpapalit mo na sa mas bago at hindi depektibo.

Pero ngayon ayoko na. Ayoko na maging katulad ng isang  bisikleta.

Dahil hindi na ako ang dating tangang babaeng pwede mong iwanan kapag sawa ka na, at babalikan lang kapag naisip mo na nag-iisa ka.

Hindi na ako ang dating babaeng iyon.

Kaya wag ka ng umasang may babalikan kapang hayop ka.

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now