Habang ako ay nakaupo sa aking kwarto
Ako'y napapaisip, kung may silbi pa ba ang lahat ng ito
Para na kasing wala,
Para na kasing nagsasayang na lang palagi ng luha
Hindi ko naman alam kung ano ang mali sa akin,
Hindi ko naman din sigurado kung may tama pa bang natitira o natangay na lahat ng hangin
Masyadong madami na din kasi ang nangyayari
Naguguluhan na din ako at hindi na ma wari,
Kung bakit nagkaganito
Kung bakit nagkagayon
Kung bakit nasasaktan ako
At kung bakit gusto ko ng sumuko...
...kung bakit gusto ko ng sumuko.
Para kasi ayoko na
Gusto ko na kumawala
Gusto ko ng makahinga
Pangarap ko ng mamahinga
Suko na, ang kaluluwa ko ay napapagod na
Suko na, ang damdamin ko ay wasak na wasak na
Suko na, gusto ko ng makatakas na
Ayoko na, ayoko na, ayoko na.
