Matutulala
Iiyak
Matutulala
Iiyak
Paikot-ikot na proseso
Paikot-ikot na gawin
Pero 'yung sakit
'Yung sakit na nanunuot
Nanunuot sa kaibituran ng puso at diwa
Patuloy na nadaragdagan
Patuloy na nag-uumapaw
Matutulala
Iiyak
Matutulala
Iiyak
Hanggang sa hindi na makayanan, at sumuko na lamang.
