Chapter 9: Micey and DoggyDoggy's POV este! Mark's POV
Ang sarap ng Tulog ko ng Mag ring ang Phone ko
Okay... Ignore. Ignore. Ignore. Ign-
"Tang*na Hello!?" Sinagot ko na ang Phone at kung mamalas-malasin ka nga naman.
"GOOD MORNING DOGGGGYYY!!!"
Napa Face Palm na lang ako
Aware naman siguro ang babaeng 'to sa kasabihang 'Mag biro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising'
"Oh?" Kalmado ko pa ring sagot
Mahirap na. Baka Away pa ang abutin nito
"Wala lang. Kailan ba naging masama mag Good morning?"
"May sinabi ba akong masama?" Nag hikab naman ako at Kakamot-kamot pa sa mata ko
"Taray! Bagong gising ka ba?"
"Pag sinabi ko bang OO ibababa mo na 'to at hahayaan na akong matulog?"
"Isipin ko... anyway, kaya pala may naaamoy akong imburnal eh. Hininga mo lang pala yun, mag toothbrush ka na nga. Abot dito ung amoy eh Tsaka may toothpaste ako dito baka gusto mo?" Narinig ko pang tumawa siya
Naku!!! Humanda ka talaga sa akin mamaya
"Isisisi mo pa sa akin eh ang lapit ng ilong mo sa bunganga mo tsaka meron akong toothpaste. Bye na!"
Binaba ko na ung phone pero bago ko pa mababa eh narinig ko pa siyang may binulong ata
"Sus, Atleast na in love ka pa rin sa akin dati"
Erase. Erase. Erase
Dahil lang siguro sa antok yun
Imposibleng pati yun ay sabihin niya pa
***
Allaine's POV ( MICEY'S POV )
"Hahahahahahahahaha" Tawa pa rin ako ng Tawa kahit in-end na ni Mark yung tawag
Sakto namang pumasok si Trace sa kwarto ko
"Ano ba yan ate!!!! Tawa ka ng Tawa"
Bulyaw niya sa akin*prrrrrttt* ⬅(A/N: di po yan pito ng mga Pulis ha!)
May naamoy akong mabaho
Napatingin naman sa akin si Trace at biglang napatakip ng ilong niya
In... 3
2...
1...
"ATE!!!!!!" Napatalon naman ako sa sigaw ni Trace at dali-daling nagpunta ng CR
Mukhang may appointment na naman ako kay Kalikasan
Karma ata...
***
Nandito ako sa bleachers sa tabi ng school grounds at hinihintay si Liyah
Mukhang na traffic pa ata
May naaninag naman akong tatlong lalaking kasing pigura ni Adonis, kasing Gwapo ni Logan Lerman at ang lakas ng dating mala Daniel Padilla
"Eh?" Napatanong na lang ako sa sarili ko ng makalapit sila sa akin
BINABASA MO ANG
My EX ( A KathNiel FanFic LoveStory )
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa sinasabi nilang "Second Chance?" si Allaine, HINDI! dahil "Seize the Moment" nga daw. kaya pag di mo inayos, edi kawalan mo na iyon. kasama pa ang "past is past" at "Move- on" yan ang mga hugot niya pero paano pag bumalik ang i...