Chapter 5: Past is Past
Tristan's POV
Ang sakit ng pagkaka suntok sa akin ni Mark
Nagdugo agad kaya sa Clinic na kami tumuloy ni Liyah
Oo si Liyah ang kasama ko kasi mas pinili ni Allaine na puntahan si Mark para kumprontahin. Medyo nalungkot ako siyempre kasi ang inexpect ko si Allaine ang mag a-alaga sa akin
"Liyah malayo pa ba yung Clinic? Nagmamanhid na kasi tong panga ko eh..."
Nakaakbay ako kay Liyah habang nakapulupot naman sa Bewang ko yung braso niya
"Eto naman... Sandali na lang Ho sir. Malapit na. Kung di lang talaga humingi ng Tulong sa akin si Allaine, dapat di kita tutulungan. Muntik na ho kaya ako mabuko. Bunganga mo kasi eh"
Oo nga pala. Muntikan ko na mabanggit kay Allaine na di talaga Tito ni Liyah si Ninong Anton kundi papa niya ito at Step-Brother niya si Mark
"Sorry nga pala tungkol dun"
"Okay lang yun. By the way ano ba kasi nangyari sa inyo ni Mark?"
Kinuwento ko naman sa kanya lahat.
"Ang OA naman niyang si Mark at medyo Weird. Super caring pa rin ba siya kay Allaine? Eh siya nga yung nangloko eh. O baka naman Trip niya lang talaga si Allaine ngayon. Kasi balita ko di na pinapansin ni Eunice si Mark since last month..."
"Subukan niya lang talaga"
Tinampal naman ako ng babaeng to sa may braso ko
"Kaw ha! Protective pa rin kay EX anyway alis na ako ha. Kanina pa din ako dito sa Clinic eh. Iwan na kita at hahagilapin ko din pala si Allaine. Bye"
Lumabas na si Liyah at naiwan na ako dito sa parang hospital bed dito sa clinic
Liyah's POV
(Hihihi may POV na rin ako. Lubos-lubusin ko na 'to baka di na ulitin ni Madam Author eh... )
Pagkalabas ko ng Clinic, dumiretso na ako papuntang Cr ng boys dahil dun daw nakita ang peste kong step-brother na naghuhugas ng kamay
Kung napapaisip kayo kung bakit di sinasabi o binubuking ni Mark na related kami ay dahil sa kinahihiya niya din daw kami.
Pati na rin yung Mommy niya na nag asawa ulit after mamatay ang Daddy niya dahil sa Cancer. Di daw kasi sinubaybayan ng doktor ang kondisyon ng mommy niya hanggang sa lumala na at huli na para maagapan pa.
At ang isa pa sa pinuputok ng butchi ng lalaking yan ay mag a-asawa na nga lang daw ang mommy niya, may anak pa daw
And that's none other than me...
Si Mommy kasi ay iniwan ako kay Daddy since the first day na umuwi sila ni Daddy from hospital nung pinanganak ako
Pero di naman ako masyadong galit kasi naging maayos naman yung life ko kahit wala siya
Anyway... Nandito pa lang ako sa Hallway papunta sa building namin kung nasaan ang Cr nang may narinig akong mga Pamilyar na Boses na naguusap este nag a-away
"Ano ba kasing Problema mo? Ha? Bakit bigla-bigla kang makikielam... Tapos first day na first day mang bu-buwisit ka?"
"Ewan ko din Allaine kung bakit ganito? Maybe I'm Starting to... Like you AGAIN"
Allaine's POV
"Ewan ko din Allaine kung bakit ganito? Maybe I'm Starting to... Like you AGAIN"
"Like you again..."
"Like you again..."
"Like you again..."
BINABASA MO ANG
My EX ( A KathNiel FanFic LoveStory )
Novela JuvenilNaniniwala ba kayo sa sinasabi nilang "Second Chance?" si Allaine, HINDI! dahil "Seize the Moment" nga daw. kaya pag di mo inayos, edi kawalan mo na iyon. kasama pa ang "past is past" at "Move- on" yan ang mga hugot niya pero paano pag bumalik ang i...