Chapter 1: The Past
Allaine's POV
"Walang hiya yung lalaking 'yun. Bayaan mo friend, gaganti tayo 'dun" pagco-comfort sa akin ni Liyah
"Hindi okay lang, baka kasalanan ko rin. Teka pupunta na lang ako sa classroom namin ngayon, para mabigay ko na rin yung regalo ko sa kanya kasi nga monthsary namin kahapon diba?"
At kumaripas naman ako ng Takbo papunta sa section ni Mark habang pinupunasan ko yung mga luhang bumagsak kanina.
Noong nakita ko yung picture ni Mark na may kahalikan na ibang babae
Siguro medyo OA lang ako. O baka naman totoo ngang OA talaga ako
Pero Boyfriend ko si Mark. Kaka three month lang namin kahapon
Kaya may karapatan akong mag selos. Or should i say, maging OA
Nakarating na rin ako sa classroom namin Mark. At siyempre dala-dala ko yung Tatlong Red Velvet cupcakes na Bi-nake ko kanina
Ang pinagtataka ko lang bakit walang estudyante dito, ang alam ko kasi mamaya pa ang uwian naming mga 3rd year students
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom nila nang nakita ko si Mark... M-may kahalikan na babae at kung hindi ako nagkakamali siya din yung babaeng nasa litrato na pinakita sa akin ni Liyah kanina
Nakasandal yung babae sa pader habang nakakulong sa dalawang braso ni Mark. At hinahalik halikang pa yung labi nung bruhang Eunice na 'yun
"Babe, aahhh ba't mo naman kinagat yung labi k-" di na natuloy yung paglalandi nung Eunice na 'yun kay Mark
"Tangina Allaine, anong ginawa mo?" Tanong sa akin ni Mark habang pinupunasan yung mukha ni Eunice
Ano 'to mas kinakampihan niya pa yung bitch na yan. That Slut and Certified Whore
"Di pa ba Obvious? Oh i forgot Bobo ka nga pala. Nginud-ngod ko lang naman sa pagmu-mukha ng babaeng 'yan yung Red Velvet Cupcakes na regalo ko SANA sayo para sa monthsary natin kahapon... So Happy Monthsary babe" at binigyan ko pa siya ng isa pang regalo, wanna know kung ano 'yun?
"Shit... Daffuq (The Fuck)" Sinampal ko lang naman siya at ayan hinihimas yung pisngi niya na namula naman agad
"Hoy!!! Lalaki walang Forever, kaya maghihiwalay din kayong dalawa. Desperate Two-timer. And one more thing, hindi mo ikaka guwapo ang pagiging timer mo at ikaka famous ang One-sided relationship natin. GAGO"
Nag walk-out na ako. Unti-unti naman namuo yung mga luha sa mata ko
Sa sobrang bilis kong tumakbo, hindi ko na napasin na may nabunggo pala ako
Niyakap niya lang ako
"Iiyak mo lang Allaine hanggang sa mawala 'yang sakit sa puso mo"
Di ko alam pero, bigla ko na lang siya niyakap at kumawala na lang bigla yung mga luha ko at umiyak sa dibdib niya sandali at tumakbo na rin palabas ng school without looking at his face
Buti na lang nasa labas pa ng school si Liyah at niyakap ko siya
"Anong nangyare sa iyo Allaine, ba't umiiyak ka na naman?" Habang nakayakap pa rin ako sa kanya at Hinahaplos yung likod ko na para bang kino-comfort ako
Kinuwento ko naman sa kanya yung mga nakita at naranasan ko kanina habang nasa classroom ako namin ni Mark
"Liyah, mahirap ba akong mahalin?"
"Hindi friend, katangahan na niya yun at kawalan niya na rin yun"
"Thank you friend dahil lagi ka nandyan"
"Siyempre naman. Bayaan mo na rin yung Mark na yan, bukas na bukas may ipapakilala akong new guy sayo"
"Ikaw na bahala friend. Buti nga may lalaki akong nabangga kanina eh, medyo nabawasan yung sakit nung niyakap ko siya"
"Sino?"
"Di ko alam? Di ko rin kasi nakita yung mukha niya kasi tumakbo na rin ako, pero ang gaan ng loob ko sa kanya kahit hindi ko siya kilala"
"Sayang friend"
"Siguro nga... Siguro nga sayang talaga na hindi ko man lang siya nakilala. Masakit na yung ulo ko lalo na yung PUSO ko kaya uwi na lang tayo"
Sabay na kaming umuwi ni Liyah
~~~
*kringggggg kringggggg*
Nag ring yung alarm clock ko at exactly 6:30 am
Hay!!! Panaginip lang pala yun
Buti na lang, kasi ayoko ko na talagang balikan ang mga oras at panahon na yun
That was my first and one of my Painful break-ups
*tok tok*
"Pasok po" ano ba yan kitang nag e emote ako dito tapos may kakatok
"Good morning Nak"
Si mama naman pala eh! Okay lang
"Morning Ma" habang nag uunat
"O bakit walang good?"
"May napaniginipan lang po kasi ako"
"Tungkol naman saan?"
"Wala p- ay teka lang ma nag text si Liyah"
Umilaw kasi yung phone ko sa side table ko, hudyat na may nag text. Si Liyah pala
From: Liyah
Friend, wakie wakie... Gising na po may pasok pa tayo. Tandaan mo 4th year na tayo. Tsaka move-on na sa MGA nangyari nung 3rd year.
Sus! Nag lecture na naman si Liyah
"Mama, ligo na po ako,
"O sige. Nandoon na sa banyo yung maiinit na tubig"
"Sige po"
Bago pa man ako tumayo, nagdasal muna ako at dumiretso na rin sa cr. Naligo at nagbihis
Bumaba na rin ako sa kusina para mag almusal at humalik na kay mama at papa
"Bye! Ma. Bye! pa" habang nasa pinto palabas sa bahay namin
Tsaka nagpunta na sa school
"What the F*ck" bulong ko sa sarili ko
Nasa gate kasi ng Feddiengfield University yung ISA sa pinaka Gag* at hinayupak na lalaki sa mundo, guess who?
A.) Si Mark
B.) Si Mark
C.) Si Mark
D.) Si Mark
Naku po! Akala ko ba lilipat na ng ibang school itong si Mark
Hindi ko kasi mapigilang na mairita tuwing nakikita ko yung kumag na yan
Simula nung nakita ko siya na may... Eh basta, may ginagawa
Tiniis ko na nga yung last school year na ka schoolmate ko siya wait... Ka klase. Tapos ngayon dito na naman siya mag aaral?
Tuloy-tuloy na lang ako naglakad papasok ng school, Hoping na hindi niya ako mapapansin dahil kausap niya yung mga barkada niya pero...
"Long time no see Allaine" takte hawak niya yung braso ko, specifically sa pulsuhan ko
Nilingon ko lang ito at ngumiti
{ ITUTULOY }
A/N: grabe po ang mga ibang words dito, unapprooriate sa mga readers below 14 years old. Hep! Hep! Binalaan ko na po kayo, puro mura din po kasi yung story na 'to. Kaya BABALAAAA!!! asawa ni BABALUUUU!!! HAHAHA LOL XD
BINABASA MO ANG
My EX ( A KathNiel FanFic LoveStory )
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa sinasabi nilang "Second Chance?" si Allaine, HINDI! dahil "Seize the Moment" nga daw. kaya pag di mo inayos, edi kawalan mo na iyon. kasama pa ang "past is past" at "Move- on" yan ang mga hugot niya pero paano pag bumalik ang i...