Angelica Ramos

21 1 0
                                    

"Diba binalaan na kita sa una pa lang?" Sabi ko sa kanya
"Na hindi ko to seseryosohin at wala akong pakialam kung masaktan ka. And at first ikaw tong nagsabi sa akin na  iboyfriend kita. At pwede ba Sam tantanan mo na ko?"
"Pero ma--". Hindi ko na siya pinatapos at
" Pero di kita minahal Sam. Pinaunlakan ko lang ang gusto mo".
"Angelica sana makahanap ka ng lalaki na makakatapat mo. At sisiguraduhin kong masasaktan ka din."
"Huwag mo nga akong takutin, kasi hindi iyon mangyayari. At nga pala, hindi ka marunong humalik. Mag practice ka pa ng kahit isang taon pa." Sabi ko at iniwan na siya.

Dumiretso ako sa may library at naghanap ng upuan. Inisip ko na lang si Dad ngayon. Uuwi kasi siya sa bahay ngayon. Gwapo yung ungas na yun. Parang matalik na kaibigan ang turing ko sa dad ko.

"Diba siya yung si Angelica? Say nung babaeng naka ponytail ang buhok.
"Oo siya yan. Balita ko nga may brineak na naman yang lalaki kanina, si Sam yung gwapo sa may Health Department." Say naman nung babaeng parang nerd. Mukhang matalino pero chismosa naman.
Sanay na ako sa mga ganitong pinag uusapan, kaya naman binabalewala ko na lang ang mga ito kaysa naman sa pagtuunan ko ng pansin ang walang kwenta bagay na iyan.

Nairita lang ako sa mga tao sa library. Hindi ba pwedeng iyong mga buhay nila yung asikasuhin kaysa buhay ng iba. Dahil sa inis ko hinanap ko na lang si Trisha. At dahil dakilang lakwatsera itong kaibigan ko siya pa ta yung nakahanap sa akin

"Angelica, buti nakita na kita alam mo ba may nakita ako sa may Engineering Department. Gwapo siya. Pero ang pinagtataka ko lang bat kaya ngayon ko lang iyon nakita sa campus?" Sabi ni Trisha na halatang excited.
"Punta tayo dun mamaya huh? At kung pwede ba iboyfriend mo siya?" Sabi niya
"What? Ayoko nga. Alam mo ba na yung last na pinakilala mo sa akin ang baho ng hininga niya?" Sabi ko.
"Promise Angelica, di ka magsisisi dito sa gwapong to." Sabi niya.

Tingnan niyo nga lang naman itong mabait kong bestfriend, mas inuna pa yung pagsabi sa mga nakita niyang boys kaysa sa pagkamusta man lang sa akin.

Wala akong pinagkakatiwalaan ni isa sa buhay ko except kina Daddy at Trisha. Maingat kasi talaga ako sa mga taong kakaibiganin mo. Marami kasi ngayon ang mga taong manggagamit at plastik at ayaw ko na ganun.

Nagkwento pa ng nagkwento si Trisha. Eh puro naman iyong lalaki daw na nakita niya sa department nila kanina. Gwapo da iyon at matankad. Eh ano naman ngayon? Kabre-break lang namin daw nung boyfriend ko. Oo siya yung first boyfriend ko. Ang tanga ko nga eh kasi ang ganda ganda ko pero sa isang pangit na lalaki ko naranasan ang unang pag-iibiagn. Anyway, dahil may klase pa ako nagpaalam agad ako kay Trisha.

Good afternoon guys.
Vote and leave comments if you want to

LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon