The Beginning

2 0 0
                                    

Darating kasi si Daddy ngayon,at para sa akin ang pagdating ni daddy ay once in a blue moon lang. Siya lang kasi yung nagiisang kamag anak ko ngayong nabubuhay ako. Mahal na mahal ko siya. Ipinaramdam niya yung pagkukulang ng yumaong kong ina. Nagtratrabaho siya bilang isang secretary sa isang malaking kompanya. Oo nakukuha ko lahat ng gusto ko dahil mahal na mahal ako ni Dad.

"ate Susan, si Dad?" tanong ko sa isa naming kasambahy dito sa bahay.

"wala pa po maam , baka alas siyete na iyon darating alam mo naman po iyong Daddy niyo maraming ginagawa ngayon dahil daw nagkaproblema sa kompanya"

"ganun po ba? sige po shower lang ako para sakto pagdating ni Daddy.

Alam kong namiss din ako ng Daddy ko. Everyday kaming nagkikita pero alam niyo yung feeling na hanaphanapin mo yung taong nagpapasaya sayo buong araw? Ganoon ko siya kamahal. Natapos din akong maligo nung may narining akong busina ng sasakyan sa labas. Alam ko nang si Daddy yun kasi siya lang naman ang may sasakyan dito sa bahay except iyong sumundo sa akin na driver kanina.

"Angel?" tawag sa akin ni Dad.

"Nandiyan na po" sigaw ko habang pababa akong tumatakbo sa hagdan ng bahay.

Pero naalis agad iyong excitement ko  ng nakita kong may kasamang babae si Dad. Alam ko na ang susudunod na mangyayari dito. Ipapakilala ni Dad itong babaeng ito sa harapan ko bilang girlfriend niya tapos ano? Ganito kasi yung mga eksenang nababasa ko sa libro, ipapakilala nung tatay yung babae sa anak bilang bagong asawa nito.

"Angel, si Olivia bagong nanay mo"

Napabuntong hininga ako ng sabihin iyon ni Dad, lahat ng naisip ko na posibilidad nangyari nga.

"Ayaw ko!" may galit sa tono kong sinabi sa kanya.

"Hindi mo pa siya nakikilala anak, mabait ang tita Olivia mo".

"Dad, oo sinasabi kong na sana nakapiling ko ang Mommy, pero di ko hininging humanap ka ng Mommy!" sigaw kong sabi. Ngayon lang ako nagalit ng ganito kaya naman agad akong tumakbo pataas dahil hindi ko alam kong kakayanin ko pa ba ang ibang sasabihin ni Daddy. Tinawag pa niya ang aking pangalan pero alam ko talagan hindi ko iyon kakayanin kaya nagmatigas na naman ako.

Nagmukmok ako dito sa kwarto ng ilang minuto ng may kumatok sa pintuan. Alam kong si Dad iyon pero kailangan ko siyang harapin at ipaliwag niya sa akin lahat ng ito. Kanina kasi noong nandito ako at umiiyak nagisip isip na din ako. Ngayon lang may pinakilala si Dad na babae dito sa bahay na ito, it means na talagang pinahilom niya muna ang sugat na dala ng pagkamatay ni Mommy 16 years ago. Alam kong kailangan din naman na kailangan ng aking ama ng magaalaga sa kanya. Kaya mahirap mang tanggapin itong babae kakayanin niya sa alang alang sa pinaka mabait na Daddy sa buong mundo.

"Ikaw ba si Angelica?" Tanong nung babae sa akin.

"Opo, kamusta po kayo? Sabi ko.

"Napakagalang mo namang bata ka. Tapos feeling ko, kasing bait mo din tong tatay mo." Sabay smile na sabi niya.

Mabait naman talaga si tatay. As in super bait niya to the point na para na akong spoiled brat. Pero alam ko pa din naman yung limitations ko. Like kung may gusto akong bagay na kailangang kailangan talaga lalo na sa school sasabihin ko. Minsan kasi si daddy din kasi yun g nagbibigay ng mga kung ano anong bagay sa akin.

"Mabait po talaga iyang tatay ko. Yun nga lang po napakakulit. Gustong gusto niya kasi na lahat ng mahal niya sa buhay napapa saya niya." Saad ko.

"Pansin ko nga anak eh. Angelica sana okay lang sayo na ako muna yung magiging nanay mo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mabigay sayo ang isang pagnamahal ng isang ina. Alam ko mahirap na lumaki na walang umaalalay sayo na ina lalo na't babae ka. Kailangang kailangan mo ng mga payo sa mga boys. Hahahaha." Tawa niya.

"Oo naman po. As long as nagmamahalan kayo ni daddy okay lang sa akin. Besides sapat na yung 16 years na ako lang yung inaasikaso ni daddy, siguro its time naman na siya naman ang alagaan at asikasuhin ng isang babaeng tulad mo po." Sabi ko.

"Masaya ako na tanggap mo yung relasyon namin ng tita or I should say nanay mo, anak." Sincere na sabi ni daddy.
"Opo naman po, dad."

"Sir, tapos na po ba yung drama niyo? Wala ng init tong sinigan na linuto ko kung di pa po kayo kakain." Pagputol sa drama na sabi ni Ate Susan.

"Hala, si Ate Susan talaga. Mom,Dad kain  po tayo habang mainint pa po yung linuto ni Ate Susan." Saad ko.

Natapos kaming kumain na may ngiti sa aming mga labi. Natupad na din yung hilinh ko sa panginoon na magakaroon ng nanay, at hindi lang basta basta nanay. Isang mabait at maalagang nanay. Sana sa oras na to masaya si mommy. Sana okay lang sa kanya na pwede ng magmahal si dad. Mom, kung nasaan ka man ngayon sana maging masaya ka sa amin ni dad. Alam ko din naman na ito rin yung gusto mo, na maging masaya kami ni dad. Good night mom.


LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon