Xander's POV
"Woooaaaah!" Sigawan ng mga babae sa field, nanonood kasi ng football game. Todo suporta naman ang mga estudyante ng campus namin.
"Goo babe!" Sigaw naman ng katabi kong si Courtney, Courtney Harper, girlfriend ng kambal ko. Sa kasamaang palad, I like her and I should be her boyfriend. Not my brother.
"Tea, mamaos ka d'yan kakasigaw." Tea ang tawag ko sakaniya, maliliit palang kami kaklase ko na s'ya. Ewan ko lang, siguro n'ung maliit kami ang pagpronounce ko ng Courtney, COURTEA. Kaya ayun, Tea ang nagawa kong nickname sakaniya.
"Anything for Alex. Woaah! Go Alex!" Talagang mahal n'ya ang kambal kong si Alexander Rodriguez, Alex for short, three minutes older then me. Pero hindi ko s'ya tinatawag na kuya. Ako naman si Alexander Keith Rodriguez, Xander for short.
Natapos ang laro, panalo ang team nila Alex. Papunta na sana si Alex sa parteng inuupuan namin nang may sumalubong sakaniya na babae, naka-cheerleader outfit, si Sarah Tan, a popular girl, maganda, sexy, pero di ko type. Over kasi ang make-up.
Sarah gave Alex a bottle of water. Naku Alex, baka may gayuma 'yan!
Tiningnan ko si Tea, nalungkot s'ya...selos kasi. This is not the first time na nangyari 'to. Akala ko nga na two-timer si Alex, pero hindi naman daw. "Ok ka lang?" Anong tanong 'yan Xander, kita na hindi ok tapos tatanungin mo pa!
"Ah oo. Ah n-nagtext si m-mama. Kailangan ko nang u-umuwi." Palusot, hindi naman n'ya kasi tiningnan ang phone n'ya.
"Samahan ko na ikaw." Bahala si Alex, mambabae s'ya kung gusto n'ya.
Sumakay kami sa kotse ko, magkapit-bahay lang kami sa isang subdivision.
Pinaharurot ko na ang kotse, nag-drive na rin.
Malungkot parin si Tea, alam ko na. Charm ko lang at karisma. Wahahaha joke ^_^V
"Tea ka ba?"
"Hindi, nickname ko lang 'yun na ginawa mo pero, bakit?" Nagsmile na s'ya n'ung nagtanong s'ya ng bakit kasi alam n'yang mapapangiti ko s'ya.
"Kasi...TEAnamaan na ako ng ganda mo."
"Hahahaha!" She may take it as a 'joke' or 'pick-up line', saakin totoo 'yun.
"Hahaha!" Sasakay na rin ako na parang nakakatawa talaga ang 'joke' ko.
BINABASA MO ANG
Laugh trip
Teen Fiction"Hahahaha!" Kahit na seryoso ako sa sinasabi ko, tinatawanan n'ya lang ako. Katawa-tawa naman talaga ako eh. Mahal ko ang taong mahal ang kakambal ko. Just great. "Hahaha!" Ayan, ako na mismo ang sumasakay sa sarili kong so-called "joke". Gan'yan na...