Laugh trip

15 1 0
                                    

Courtney's POV

Naglalakad kami ngayon ni Alex sa open field, holding hands. Emeged how sweet, nakatingin pa ang mga estudyanteng nadadaanan namin na nakaupo sa field at parang kinikilig, ako pa kaya? Gan'un talaga ang ginagawa ng mga estudyante kapag vacant sila, tambay.

"Alex, congrats nga pala sa laro n'yo kahapon. Ang galing mo!" Pag-pu-puri ko sakaniya.

"Thanks babe." Sabi n'ya sabay pinch sa nose ko which I find cute.

"Ehem. Excuse me but can I talk to your boyfriend?" Sabi ng babaeng dahilan ng pag-uwi namin ni Xander ng maaga kahapon. Nobody else but Sarah Tan, a famous girl --hindi ka-aya-ayang tawaging 'lady' ang isang tulad n'ya na kung maka-asta, parang maliit na bata. Ang kapal pa naman ng mukha at nag-roll pa ng eyes n'ung sinabi n'ya ang word na 'boyfriend'. Just...wow! Masmakapal parin ang make-up n'ya sa kapal ng mukha n'ya noh. Pfft. Damn her.

I'm expecting na hindi papayag si Alex, duh! Kasama n'ya ako. His girlfriend?

"Can I talk to her babe?" See? I told you hindi- What? Nag-tanong pa s'ya?!

"Bakit, kapag sinabi ko bang hindi, hindi ka sasama sa babaeng 'yan?" Sabay taas ng kilay. Like...what the eff?

"Ahhh..." Hindi makapagsagot? Isa lang naman ata ang sagot n'ya...hindi.

Bago pa man s'ya makapagsalita uli ay umalis na ako sa kinatatayuan ko. Pumuta ako sa tambayan namin ni Xander. Sa parking lot, may daanan doon which leads to a secret garden na kami lang ni Xander ang nakaka-alam.

Na-abutan ko si Xander nakaupo sa isang malaking bato sa secret garden namin.

"Hi Tea!" Masigla n'yang sabi

"Hi Xander." Walang buhay kong sagot

"What's with the sad face? Relationship goals este relationship problems?"

"He-he-he" Sarkastikong tawa "Alam kong sinadya mo ang relationship goals ah." At d'un napa-smile na ako dahil sa mga pinag-sa-sabi ni Xander.

"Halika na nga. Pabayaan mo lang ang kambal ko. Andito naman kasi ako."

"Ha?" May bumusina na kotse sa labas kaya hindi ko narinig ang huling mga sinabi n'ya. May kalayuan naman 'tong secret garden namin sa parking lot, malakas lang talaga ang busina.

"Wala...sabi ko mag-smile ka nalang d'yan. Sayang ng beauty mo."

"Hahahaha! Grabe ang banat mo ngayon ah!" Namumula na nga ata ako sa kakatawa.

Xander's POV

"Wala...sabi ko mag-smile ka nalang d'yan. Sayang ng beauty mo."

"Hahahaha! Grabe ang banat mo ngayon ah!" O_O Anong sinabi ko na ikinatuwa n'ya? At namumula pa s'ya..

"Hoy mukha kang cherry!"

"Hahaha! Huwag ka ngang magpatawa at kinakapusan ako ng hininga! Hahahaha!" Aww...ang cute n'ya. Parang sasabog na sa kakatawa, palibhasa mababaw ang kaligayahan.

"Tara na may klase pa ako. Sabay ka na?"

"Sige, wala naman rin akong kausap dito."

Naglalakad kami ngayon sa open field. Nakita ko si Alex kasama si Sarah, nagtatawanan, nakita ko pang hinawakan ni Sarah ang chest ni Alex.

Tiningnan ko si Courtney, letse. Ayaw kong nakikita s'yang malungkot na parang iiyak dahil sa magaling kong kuya.

Inakbayan ko s'ya.

Laugh tripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon