Epilogue

12 1 0
                                    

Alex's POV

"Pare, lumabag ka sa batas."

"Pumili ka, sugo o parusa?"

Kapag parusa ang pipiliin ko, maaring saktan nila ako o kung sino sa pamilya ko.

"Sugo" Confident na sabi ko.

"Ligawan mo si Courtney Harper, dapat maging kayo...for TWO YEARS."

"!@#$%Two years?" Sa totoo, nagulat ako. Hindi ko type si Courtney.

"Kapag hindi mo 'yan nagawa...parusa ang katapat."

"Game."


Courtney's POV

Valentines day, malungkot ako at walang nagpaparamdam...

"Going out to night, changes in to something red." May narinig akong kumakanta, wait. Harana ba 'yon? Mapasilip nga naman.

Xander? Si Xander, gumigitara at kumakanta!

"It will never change me and you."I know this song! Paborito ko 'to! Night Changes by 1D!

Maya maya lumabas sa eksena si Alex, may flower at chocolate.

Ahh gets ko na. Siguro pinakiusapan ni Alex si Xander na tumugtog sa gitara at kumanta. So si Alex ang may pakana nito! Pero, bakit papayag si Xander eh manliligaw ko rin s'ya?

Happy thoughts muna...

Like...kinikilig ako! Haba ng hair ko, ngayon ko lang na-realize. Ikaw naman kaya ligawan ng heart rob sa campus.


Xander's POV

What the fudge? Anong ginagawa dito ni Alex? Hindi n'ya bang nakikita na naghaharana ako? At may dala pa s'yang flowers at chocolate!

Kalma Xander.

I took a deep breath at tiningnan si Tea. Okay lang, masaya ako't nakikita ko si Tea na parang kinikilig. Kaya ayos lang naman saaken na kasabay ko si Alex-- what? Kasabay ko si Alex manligaw? Kelan pa nagkaroon si Alex ng interes kay Tea?

Ok, unahan mo na s'ya.

Magsasalita na sana ako nang magsalita si Alex.

"Courtney Harper, pwede bang mag-apply bilang boyfriend?" Alam kong hindi papayag si Tea kasi halos hindi naman n'ya kilala si Alex kaya kalmado lang ako at nakangiti pa.

"Yes Alexander Rodriguez!" Diba?-- WHAT?

"Ha?" Nalilito kong sabi kay Tea at Alex.

Padabog akong umalis sa bahay nila.


Courtney's POV

Anong problema ni Xander at padabog s'yang umalis? Like...duh! Nagitira lang naman s'ya?

"I love you Courtney." O_O Hindi madali sabihin ang three words na 'yun sa taong hindi mo mahal...kaya ibig bang sabihin mahal talaga ako ni Alex?

"I love--" Hindi ko na pinatuloy. Gaya ng sinabi ko kanina...

I like Xander pero si Alex ang nagharana at nag-effort. Nalilito naman ako kasi ang pagkaka-alam ko si Xander ang nanliligaw saakin. Si Alex pala, baka pinapabigay lang ni Alex ang mga rose na binibigay na Xander kasi baka nahihiya si Alex. Right? Right.

Kaya 'to.

Pero...bakit gusto ko makasama si Xander ngayong gabi ng Valentines day?

Is it because I like him?

I have Alex now...makuntento ka nalang Courtney.


Laugh tripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon