Track 01

41 1 0
                                    

A/N: This story was originally entitled One Sided Love. Pero I've decided to change it kasi the plot of the story was kinda boring so dinelete ko lahat ng chapters para magsimula ulit. I wanted to have a definite plot not just simply narrating yung mga events.

Anyway, this is based on a true story but the names of the characters involved are changed for privacy purposes. I'm gonna make this a short story only but I'm not sure how long this would take. I'm not gonna divide the story into chapters but tracks. It's like a music library :)

Here's my first update. Hope y'all like it !! :)

____________________________________________________________

I remember, it was a very hot day. The same routine. Nasa gym and as always, hinihintay ko yung mga kaibigan ko para sabay-sabay na kaming umuwi. Ako lang mag-isa naghihintay hanggang pumatak sa alas dos ang orasan. Higit isang oras na rin akong nakaupo at sumasakit na ang pwet ko. At higit isang oras na rin akong pabalik-balik ng tingin sa buong gym para lang may mapag-libangan ako.

Maraming tao. Lahat tumatambay. May magkakaibigan na nagtatawanan, mag-classmates na gumagawa ng projects na siguro mula sa kanilang minor subjects na feeling major, mga PDA na mag-bf at gf na sana lang ay mahuli ng guard at madala sa Office of Students Affair, mga loner tulad ko at isang taong magiging parte pala ng buong semester ko.

Well, kilala ko na siya. Not by name but by face. Kasabay ko siya sa first year orientation noon at kaklase ko pa siya sa isang subject ko every Saturday last sem. Noon pa lang may paghanga na ako sa taong 'to. Unang beses ko pa lang siyang nakita, crush ko na siya. Pano ba kasi? Gwapo. Korean yung dating. Eh sa K-pop fan na tulad ko, di talaga maiiwasan na ma-attract ka sa isang tulad niya. But after some time, nawala yun. Hindi ko rin kasi naman siya nakikita araw-araw and besides that time, I was head over heels sa isang kaklase ko noon, si Kirk. Unfortunately, lumipat si Kirk ng school this sem kaya move on na lang ako.

" Tiff!!!!!!"

Nandyan pala sila. Bumaba na ako sa bleacher at pinuntahan sila.

" Kanina ka pa? Kawawa ka naman.., " salubong ni Kathy.

" Isn't it obvious? Galing kaya kayo dito kanina. Malamang kanina pa ako., "

" Tara, uwi na tayo may pupuntahan pa ako. Si Candy, mamaya na daw siya uuwi kasi may practice sila for their PE. ," sabi ni Shane.

" Ha? Oh sige.. Tara para makatulog rin ako. Inantok akong kakaintay sa inyo. "

" Sorry, Tiff... Libre na lang kitang lolllipop. ," sabi ni Kath with puppy eyes.

" Yuck, wag ka ngang ganyan, di bagay sa'yo. Tara Shane! Iwanan natin to dito.. "

" HAHAHAHAHAHAHAHA " At ayun, nagtawanan lang kami palabas ng gym.

*ONE WEEK AFTER

Since that day na nakita ko siya, the following days nagiging aware na ako sa presence niya. Last week, dalawang beses ko pa ulit siyang nakita. Sa corridor papunta sa room ni Shane at sa gym ulit.

Naalala ko, wala akong pasok sa last subject ko nun kaya pinuntahan ko si Shane sa room nila para sabihing sa gym lang ako maghihintay. I was on my way to the gym when I saw him sa labas ng isang room di kalayuan sa room ni Shane. I wasn't really expecting to see him because first time ko siyang makita that time and at that place. Kaming dalawa lang sa corridor nun kaya medyo awkward for me Nakayuko ako habang naglalakad. Pero tinitingnan ko siya through may peripheral view. Nung napadaan na ako sa kanya, sakto namang naglakad siya pabalik sa room. Ang lapit-lapit niya talaga sa akin nun. Sa kabilang side naman, may lumabas sa door at sinabing, oie, then they smiled with each other. Pero there 's something in the atmosphere that time. Unexplainable by words but nararamdaman ko na it's nothing normal. Oh well..

A Song for Ma BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon