Chapter 1.1

5 0 0
                                    

[Dite's POV]

Hindi padin ako makaget over sa bastos (pero super gwapo) na lalaki na yun.

Pero wala naman akong choice kundi ituloy na yung paghahanap sa address na binigay ni mama dito sa malawak na subdivision na ito kahit ang dugyot na ng hitsura ko dahil natalsikan ako ng putik ni mamang bastos nung pinabarurut nya yung sasakyan nya.

Teka, San kaya itong 3429 na to.?

3427..

Ayun!

3429
Chineck ko ulit yung papel.
Tama ba? Teka baka nagkakamali si mama..

Pero hindi e. Sinigurado nya na tama ito bago sya mawala..

Wow... Ang laki? Dito nakatira ang tatay ko. Ano kaya ang trabaho nya sa mansyon na to.?

Parang palasyo sa paningin ko yung laki ng bahay e.

Madaming tanong sa utak ko..

Kaya bago mawala si mama sinigurado ko na kaylangan makuha ko yung pangalan at address ni tatay.

Wala naman ko balak manggulo.
Gusto ko lang talaga sya makilala.

Marami along gusting itanong sakanya..
Bakit nya kami pinabayaan ni mama?
Panu nya ako nagawang iwan?
Mahal nya ba si mama?

Mahal nya ba ako? Or even ni alam nya bang nag-eexist ako sa mundo?

Simula bata pa ako wala sinasabi si mama kahit anong pangungulit ang gawin ko sakanya.

Nagtatampo na nga ako pero kahit nung umiyak ako taging yakap at patawad lang yung sinasabi nya.

Pero nung isang buwan..

Nung araw na yun..

Pag naalala ko yung sinabi ni nanay nung araw na naghihingalo sya sa paglaban sa sakit nyang brain tumor. Sinabi nya saken na..

Flashback

"Anak , patawarin mo ako kung iiwan kita na napakaraming tanong sa isip mo..

"Mama wag ka naman po magsalita ng ganyan..

"Anak, hanapin mo sya,, sya na ang bahala magsabi sayo ng mga bagay na dapat matagal ko nang naikwento..

"Sino po ba mama? Ano po ba yun? Pwede wag nyo na po munang isipin yun? Magpagaling muna po kayo..

"3429.. Isulat mo anak,. 3429..

3429 Carmen paradise village..

Cristof Martinez.. Sya ang tatay mo..

Kitang kita ko ang hirap sa mga sinabi ni mama.. At yun na ang mga huling salita na narinig ko sakanya..

End of Flashback

Napapunas ako sa luhang pumatak sa mga Mata ko.

Di ko maiwasan na mapaiyak tuwing maalala ko yun. Matapos yung 40 days ni mama nagpasya na along hanapin si papa.

Kung wala na sya sa address na ito bahala na..

Dito nalang din siguro ako sa maynila. Tutal may iniwan namang pera sa akin si mama bago sya mawala.

Di ko din alam San nya nakuha yung ganung kalaking pera. Pero kanino ko pa ba malalaman e wala na sya para tanungin ko diba?

Baka napanalunan nya sa lotto dati? Hindi kaya?
Sana ipinangpaggamot nya nalang Ito. Naiinis ako bakit di nya ginamit ito.
Sana kasama ko pa sya ngayon..

I miss you mama..

Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko sa tapat ng palasyo na to.

"Ah miss , sino po sila? Among kaylangan nyo?" Tanong nung nakaunipormeng pang gwardiya..

"Ah, dito po ba nakatira si Cristof Martinez?"

"Oo , dito po. Sino po ba sila?"
Tanong nito na parang nagtataka sa mukha ako.

The kuya kung pinagiisipan mo ko ng di maganda tsk! Ako pa bang dyosa ang pagiisipan ng ganun?

"Ah, pwede ko po ba syang makausap importante lang po.." Sabi ko nalang.

"Ay , nako miss wala dito si sir e, si Mam Veronica at mam Lizeth lang po ang nandyan." Sagot ni kuya guard at kumamot pa sa batok.

"Sir? Sir nyo po si Cristof Martinez?" Gulat ako sa pagtawag nya Kay tatay ng sir?

Baka naman mataas na katungkulan ni tatay dito kase taal nya nang nagtatrabaho dito e.

"Opo, natural mam sya boss namen e" sabi no manong n parang natatawa saken.

"Ano po?!!! Boss nyo? Ano po ba trabaho nya dito?" Tanong ko.

"Tsk! Kilala nyo po ba talaga hinahanap nyo? Bakit di nyo Alan na kanya tong bahay na to? Sya ang may-ari ." sabi ni manong na tingin ko tamang duda na sa akin.

"Po?!!!!!"

Sobrang shock ako! As in shock na shock! Ganito kayaman ang tatay ko?!!!

To be continue..

*******

Hala! Sorry boring sa part na Ito. Hindi bale babawi ako sa susunod

Please pasupport po. Pasuggest nadin po sa iba salamat.

Love you guys happy reading!

Destiny or Meant to be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon