[Dite's POV]
Inilibot ko yung tingin ko sa malapalasyong bahay na yun.
Kay Cristof Martinez talaga ang mansyon na ito?
Parang bigla akong nanigas..
Parang ayoko na pala makipagkilala sakanya.Bakit?
Parang bombang sasabog sa isip ko lahat ng tanong
Bakit nya kame iniwan, kung alam nya bang nag-eexist ang isang Sofia Aphrodite sa mundo.. kung alam man nya bakit di nya ako hinanap.
"Kamag-anak po ba kayo ni sir? Pa sin ko kase kamukhang kamukha nyo sya pati yung panganay nyang lalaki e." Tanong nang guard habang sinisipat ako..
What panganay na lalaki?
Bakit ka ba nagtataka Dite?!!! Ang tagal nya na kayong iniwan ng nanay mo nakakapagtaka pa ba yun?
Biglang umahon lahat ng sakit at galit sa puso ko..
Tuloy tuloy na bumagsak yung luha ko..
Naalala ko yung mga panahon na sobrang kailangan ko ng ama .. ng karamay.. nung panahon na naghihingalo si nanay. Nung halos mabaliw ako kakahanap ng pera para maituloy ang pagpapagamot sakanya..
This is unfair..
Yung taong sya dapat yung karamay ko ng mga panahong yun malamang nandito sa mansyon nya kasama yung pamilyanya habang masayang nagbobonding.
Ang sama sama mo Cristof!
Napaatras ako..
Diko pa sya kayang harapin.Nagmadali akong tumalikod para umalis na..
"Miss teka parating na yun si sir hintayin mo nalang muna.." pahabol ng guard..
Hindi ko na sya pinansin..
May sampong metro ang layo ko sa mansyon nag makasalubong ko sa kabilang way ng daan yung itim na sasakyan. Nakabukas yung bintana nito..
My heart skips its beats for a second.. dahil kitang kitang ko yung nagdadrive..
It must be Cristof Martinez.
Masaya itong nkikipagkwentuhan sa babaeng tantya ko ay halos kaedad ko din.
Narinig ko na tinawag nyang daddy si papa.
So kapatid ko din sya ha?
Lalong parang dinurog yung puso ko.
ang sakit... ang saya nilang tingnan..
Napansin ko na napalingon sa gawi ko si Cristof.
Nabakas ko yung pagkabigla sa mukha nya..
Nagmamadali itong bumaba sa sasakyan nya .Nag-panic ako kaya pinara ko kagad yung taxi na papunta sa way ko.
Nagmamadali kong pinasok yung mga gamit ko..
"Miss san po tayo?" Sabi ng driver..
" sa pinakamalapit pong hotel na pwede kong tuluyan." Sabi ko..
Nakita ko sa salamin ng sasakyan na nakatingin padin sa kinaroroonan ko si papa.
Bakit parang kilala nya ako???
Posible kaya after all this years .. alam nyang may isa syang anak .
Lalo akong nakaramdam ng galit.
Sino si Veronica?
Sino si Lizeth?
At sino yung babaeng tumawag sakanya na daddy?Yung bahay na mala palasyo,.
Si mama na naghihingalo sa ospital..Lahat nag flash back..
Lahat ng sakit.. ang sakit sakit. Sobrang sakit..
Pakiramdam ko isa ako nilalang sa mundo na walang pinanggalingan.. si nanay lang tangi kong kakampi pero wala na sya.Mama sana nandito ka..
Gulong gulo isip ko. Sobrang sakit..
Sana nandito ka para ibsan yung sakit na dumudurog sa puso ko..Nakarating ako sa hotel malapit lang sa subdivision.
Kumuha ako ng kwarto at nagpahinga sandali.Mamaya didiretso ako sa bangko para ideposito yung pera na dala ko na ibinigay ni mama..
Isang milyon din ito..
Siguro pag nadeposito ko na ito mag eenroll na ko bukas sa unibersidad na nadaanan ko malapit sa subdivision.Bukas magsisimula na ang babgong buhay ko dito sa maynila.
Kelangan ko makahanap ng appartment na matitirhan. Hindi ako pwedeng gumastos ng gumastos.. lalo na at mag aaral palang ako at wala pa akong trabaho.
Pinikit ko ang mata ko at hinayaan magpahinga ang isip ko na pagod na pagod sa pag absorb sa mga nakita at nalaman ko ngayong araw.
______
Hello guys. Ngayon lang ulit nakapag update nabusy sa career. Huhu.
Sana support nyo ko.
