You can't be serious

37 1 0
                                    



Julia's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kahapon sa canteen. Bweset na kwago! Yung pagiging slave ko lang naman ang deal namin ha! Hindi ang maging girlfriend niya "kuno"
Nakakainis! Sumusobra sobra na siya! Alam mo yung feeling na bweset na bweset ka na nga kahit makita mo lang siya tapos ngayon magiging boyfriend pa? ANO SIYA HELLO?! (Sus. If i know bet mo siya) Hindi no! Wag ka nga jan konsensya! Hindi kita kailangan! Hayss

Tapos eto pa yung mga die hard fangirls niya.

Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, kanina pa ko nakahandusay dito sa school. Ke bago-bago ko pa dito may mga haters na ako! At dahil yun sa kwagong yun! At isa pa ha, sinabi pa niyang girlfriend niya raw ako sa harap nung isang babaeng maganda parang artista tapos ni Quen at.. nung... girlfriend... nya... siguro?..

Hays yung kasama niya. Nung nakita ko siya sa labas nung unang araw.
Maganda talaga. Nakakawala ng self confidence pag nakita mo siya. Pero yung isang babae yung parang artista, maganda rin! Sige flashback nalang natin yung nangyare kahapon para mas masaya

Flashback

Matapos kong nabili yung inorder ko para kay kwago, dumeretso na agad ako kung saan yung table niya. Mabilis akong naglalakad at nung nakita ko na siya

"Andito na yung pagkain mo!" Ako. At nilagay ko sa harapan niya ang pagkain. Inirapan ko lang siya at nung nakita kong pinaglakihan niya ko ng mata, sisigaw pa sana ako ng bigla niya kong hinila dahilan ng napaupo ako sa tabi niya.

"ANO BA'T?-"

"Girlfriend ko. Si Julia."

And i was like WHUT? Nabibingi lang ba ako? O, naloloka lang? Ay hindi ANO RAW? GIRLFRIEND? NIYA? AKO? Baliw talaga tong kwagong to ah!

Agad naman akong tumingin sa kanya at nung magsasalita na sana ako, tinakpan niya lang naman ang bibig ko. Kinurot niya din ang cheeks ko tapos linapit niya ako sa kanya. May pa akbay-akbay pa siyang nalalaman ha! Pinaglakihan niya ako ng mata yung parang "tumamihik-ka-muna-sabay-ka-na-lang-look" sumunod na lang ako kasi parang ang seryoso niya talaga eh.

Lahat kami gulat sa sinabi ng kwagong yun except pala sa babaeng mukhang artista na sobrang straight at shiny ang buhok. Hindi siya gulat kasi GALIT! Kitang-kita sa mukha niya talaga. Pulang-pula na siya at parang papatayin ako sa tingin. Nakikita kong lumalabas ang usok sa ilong at tenga niya. Anong problema nya? Di kaya?-

"YOU GOTTA BE KIDDING ME DANIEL!?"

"WHO IS SHE?!"

"YOU CAN'T BE SERIOUS"

Nagsink in na talaga sa utak ko na nandito si Quen. And yes, siya yung huling nagsalita. Klarong-klaro sa mukha ang di makapaniwalang look. Lahat sila ay nakatingin lang kay Kwago. At si Kwago naman relax na relax lang na naka-akbay saken. Ako naman dito, di alam kung magsasalita ba ako o hahampasin tong Kwagong kumag na katabi ko. Nang umangat ako ng tingin, nahuli kong tinititigan na pala ako ni Quen. He was about to say something to me nang nagsalita at tumayo ang Kwago.

"Okay guys. First, Im not kidding Zharm. Second, she is Julia Cole. And as for you Quen, Yes I'm serious. This girl beside me is my girlfriend." Sabay tingin sa akin at ngisi. Does he really think na masaya tong ginagawa niya? Put-

"Is it true?" Quen. Di ko alam kong ako ba ang tinatanong niya pero sakin siya nakatingin eh. So that means ako talaga diba? Bumubukas ang bibig ko pero walang lumalabas na salita. Di ko alam kung anong isasagot ko! Nakng!

You're My Long Lost Sisisister? >,< (JulNiel/JulQuen FF.)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant