Your slavery starts now..

129 5 3
                                    

Julia's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Sino ba tong tumatawag? ke aga-aga eh! Tiningnan ko ang wallclock ko, 5:30 pa lang ng umaga. Nambwe-bweset ba talaga tong taong tumatawag nato?! Kinuha ko agad ang phone ko at sinagot ko ang tawag.

"Goodmorning Ms. Yabang." sabi ng tao sa kabilang linya. Sino pa? edi si KWAGO! Sino pa bang tumatawag sakin ng Ms. Yabang? Siya lang naman. Letch

"ANONG GOOD SA MORNING HA?! BWESET KA!" ako. Nasa volume 100 ako niyan. Trust me, ayoko talaga ng ginigising ako ng maaga.

"Chill! Baka nakalimutan mo, YOUR SLAVERY STARTS NOW?" kwago.

"WALA AKONG PAKE! MAMAYA NA AKO MAGSISIMULA PAG NAGKITA NA TAYO!" at binaba ko na agad ang phone. Bweset! Alam ko namang ngayong araw na akong magsisimula na maging slave niya pero ang aga-aga pa eh! Sinira niya beauty sleep ko! Di pa naman tuloy ako agad nakakabalik sa tulog ko kapag nagising ako. tsk

At onga, tama ang basa niyo na magiging slave ako ng kwagong yun. Bweset nga eh. Akala ko ako mananalo pero sa kasamaang palad, ang laki ng lamang ng kwago na yun. 103-128 ang scores. Pero totoo namang magaling ako sa basketball eh nagkompyansa lang talaga ako. Nakalimutan kong varsity player pala yung kwagong hambog na yun. Hayss. Di ko nga alam kung bakit pumayag pa ko sa hamon na yun e. (Assumera ka kasing ikaw mananalo.) oo na! kala ko naman kasi nagmamayabang lang yun at hinahamon pa ako. tss (Mas mayabang ka. Ang confident mo pa ngang manalo eh.) oo na! kaya nga sorry eh! sorry na konsensya ko. tsk

Bweset na kwago talaga yun! 9am pa lang magsisimula klase ko eh, anong gagawin ko ngayon? hays. Kinuha ko nalang ang phone ko at tiningnan inbox ko. Marami na rin pala akong texts ha. Di ko pa pala nabasa. May ilang unregistered number at iba galing kina kath, mel at chong?! Himala yatang nagtext yun? Mabasa nga.

(sms)

from: Chong <3

Hi juls! ;)

received: 9:43pm

haluh? anong nakain nun at nag-hi? Akala ko wala na nga yung phone eh. Meron pa pala. Matapos kasi nung swimming competition nila last march, wala na kaming communication ni chong. Tinetext ko siya actually pero siya ang di nagrereply. Kaya ganun na lang ako kagulat na nagtext siya. Almost 3months di yun no! Tsaka alam kong dahil dun sa girlfriend nyang si Trish kung bakit di na siya nagtetext sakin. Pagdudahan ba naman kaming may relasyon? hayss. Kung pwede nga lang sana eh. Pero wala eh, inlove si chong sa kanya. Ginive-up nga niya yung basketball para lumipat sa swimming kasi nandun si Trish. Matagal ko nang alam na may crush si Chong kay Trish pero di ko inasahang magiging sila pala. Kababata ko si Chong, bago pa man naging bestfriends ko sina Mel at Kath. Malapit lang bahay namin nun pero lumipat sila. Di naman naging hadlang yung pagiging malayo ng bahay namin ang pagiging bestfriends namin pero nung naging sila ni Trish, ginive-up niya lahat. Parang kinalimutan na nga niya ako. Siya ang first love ko, oo. Puppy love lang raw tawag dun pero ganun parin eh, walang pinagkaiba ang sakit na naramdaman ko ng naging sila ni Trish at ipinagpalit niya ang friendship namin. Nung araw ng competition niya, nanood ako. Syempre susuportahan ko ang taong mahal ko, ang bestfriend ko. Kasama ko sila kath nun. Kasabay pa nga non ang laro ng basketball eh pero mas pinili kong manood ng swimming. Nanalo si Chong. Ang saya ko nun! Tumakbo agad ako papunta kay Chong nang hinarangan ako ni Trish. Pinagsabihan niya ako ng mga masasamang salita. Kesyo ahas daw ako, inaagaw ko raw si Chong sa kanya pero alam kong di naman yun totoo. Oo mahal ko siya pero wala namang akong balak sirain ang kung anong merong relasyon siya. At kahit sabihin ko pang mahal ko siya, pipiliin niya pa rin si Trish. Dumating si Chong at tinanong niya kung anong nangyari, ang bweset na Reese na yun, sinabing inaaway ko raw siya. Sinabi ko kay Chong na ang girlfriend naman talaga niya ang nang-aaway sakin pero di siya nakinig. Kinampihan niya ang girlfriend niyang palaka at iniwan ako. Dahil na rin sa pagiging martyr ko, tinext ko siya at nagexplain kung anong talagang nangyari. Tinawagan ko nga siya pero ayaw niyang sagutin. Ang sakit. Ang sakit sakit non. Akala ko bestfriend ko siya. Tumigil lang ako sa pagtetext sa kanya nong may natanggap akong text galing sa girlfriend niya. Eh, ayoko na naman ng gulo eh. Umiwas nalang din ako. Mabuti na nga rin pala na lumipat ako ng school, atleast naman di ko sila nakikitang naglalandian at naghaharutan. So ayun, alam niyo na kung anong namagitan samin ni Chong ha. Kaya nga kahapon, nagsinungaling akong may lakad kami ni kwago kahit wala naman kasi ang awkward kung magkasama pa kami ni Chong. Para ngang walang nangyari ha? Parang hindi kami nagka-gap at nangyaya pa ng coffee. Like duh? iniwan mo ko sa ere at nasaktan ako oy! Hindi basta basta natatanggal ang sakit na nadarama ng puso ko dahil lang lilibrehin niya ako ng kape! Kainis lang. Pero aaminin ko, miss ko na si Chong. Pero masakit pa rin eh. Di ko pa kayang humarap sa kanya at magpanggap na di ako nasaktan sa ginawa niya. Kung gusto niya mang maging friends kami uli, well it takes time. Salamat na rin at dumating si kwago kahapon dahil kung hindi, baka bumalik na naman ang pagiging JULIA THE MARTYR ko. Pero yun nga lang, magiging alipin din ako ng kwago na yun. P*tcha lang. tsk

You're My Long Lost Sisisister? &gt;,&lt; (JulNiel/JulQuen FF.)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant