Chapter 8

83 4 2
                                    

Lara POV

Umaga na pala buti hindi ako na late ng gising. Tinignan ko yung cellphone ko kung may text ba si Lance pero sa kasamaang palad wala parin. Makaligo na lang mamaya ko na lang iisipin yun.

Mahigit kalahating oras ako sa paliligo maaga pa naman kaya nagtagal ako. Tinignan ko ulit yung cellphone ko kung meron na ba siyang text pero wala parin

Bumaba na lang ako para kumain ng Breakfast.

Natapos na ako mag breakfast since maaga pa naman lalakarin ko na lang papuntang school.~

Habang naglalakad ako nakita ko si Cj may kasama girl. Wala parin pinagbago Playboy parin. Masaya naman siya kasama magaan loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Sa dami ng iniisip ko nasa school na ako. Nandito na kaya si Lance? Hay kinakabahan ako mamaya sa presentation namin.

Nakita ko si Jenny kaya sumabay na lang ako sa kanya. Tinatanong niya pa kung nasan si Lance bakit hindi ko daw kasabay. Hindi ko siya sinagot wala ako sa mood. Pano ba naman wala siya pa ay hindi pala sila pala ni Angel.

Matawag na nga lang malapit ng mag bell e.

 Calling YAMKO!<3

The number you have dialed is now on.............

Bakit kaya nakapatay cellphone niya. Alam kuna si Angel na lang tatawagan ko.

Calling Bhest. :)

The number you have dialed is now on.............

Patay rin yung cellphone niya sila pa naman yung una mag prepresentation. 

Nagbell na kaya umupo na kami sa mga upuan namin. Maya maya pumasok yung isa namin classmate. "Wala daw si mam my sakit sa isang araw na lang daw yung presentation. Pwede na daw tayo umuwi." Sabi ng president namin.

Lumapit ako kay Jenny. "Babybest sabay na tayo umuwi." Sabi ko sa kanya.

"Kase babybest nagmamadali ako e may sundo ako pupunta pa ako kay mommy kaya hindi ako makakasabay sayo. Sorry." Hay ang malas naman ata ngayon loner tuloy ako.

Nasa corridor ako ng may tumawag sakin.

"Lara." Si Cj pala.

"bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya medyo wala kasi ako sa mood.

"Tutal wala naman tayo pasok. Wala din naman boyfriend mo. Gala tayo sa Moa?" Tanong niya sakin.

Oo nga naman wala rin naman ako gagawin. "Sige tara." Hinila ko na siya baka magbago pa isip e.

"Hindi ka naman excited kasama ako nuh?" Porke ba hinila excited na akong kasama siya? Nakuh naman.

"Kapal ahh. Hindi na ako sasama." Sabay talikod sa kanya.

"Hindi ka naman mabiro. Tara na treat ko naman ako bahala sayo." Haha na guilty siguro siya. 

Hbang nasa biyahe kami tahimik lang kami. Wala ni isa samin ang gusto magsalita. Kaya binasag ko ang katahimikan. "Uyy Cj diba playboy ka? Baka may makakita satin sa mga girlfriendS mo ah?" Takot ko lang magalusan ang aking skin.

"Wag kang matakot akong bahala sayo." Napanatag naman ako sa sinabi niya.

Nandito na kami sa Moa. Maglalaro muna daw kami. Basketball na nga lang lalaruin ko para naman maging masaya ako kahit wala si Lance.

Siguro mahigit isang oras kami naglalaro. Nagutom na nga ako e. Kaya ako na mismo nag aya kay Cj kumain. "Kain na tayo gutom na ako e." Sabi ko sa kanya sabay pout.

"Wag ka nga mag pout ang panget mo." Ay hindi umubra charm ko.

Sa jollibee daw kami kakain. Ang alam ko pang bata lang yun. Wala naman ako magagawa treat niya yun e.

"Ano gusto mo kainin?" Tanong niya sakin.

"Ikaw na bahala. Pede rin pakibilis gutom na ako e." Haha. E sa totoo naman e gutom na ako.

Nakabalik na siya. Bat ang dami ng order niya? Mauubos niya ba to lahat?

"Kumain kana. Diba gutom ka? Dinamihan ko na baka kulang pa sayo yan." Sabi ni Cj sakin. Ano akala niya sakin Patay gutom? 

Halos isang araw kami nandito sa Moa.Bumili pa nga kami ng Kitchain pareho kami. Nilagay ko sa cellphone ko pati siya dun niya nilagay. Remembrance lang naman tska hindi naman pang couple e.

Maghapon hindi nagtetext si Lance. Ano kaya nangyare dun? Pauwi na kami ni Cj nakakapagod nga kakalakad sa Moa sobra kasi laki e.

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. "Hm cj salamat pala ahh? Nag enjoy ako sa company mo. Ingat ka." Sabi ko sa kanya with smile.

"Wala yun. Thank you din at pinagbigyan mo ako alis na ako."  Sabi niya sabay talikod.

"Wait cj." Lumapit ako sa kanya. Kiniss ko siya sa cheeks wala naman malisya yun e. Sabay takbo sa loob ng bahay. Nakakahiya kasi e.

Umakyat na ako sa kwarto ko matutulog na lang ako. Nakakapagod kasi e. 

Pero nag enjoy naman ako.

to be continue.....

Nagkakadevelopan na ata si Lara at Cj? Bakit hindi macontact si Lance at Angel? Abangan po. :)

VOTE, LEAVE A COMMENT & BE MY FAN.

Thankuuuuu.~

<3KimmyCayabyab

My BestFriend EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon