Prologue

2.2K 88 7
                                    

Hello, huwag muna ma-excite, parang teaser lang ito. 😂 This story is dedicated to my bessy hi, UlanIsAlsoRain!😘

PROLOGUE

Pinagmasdan ko ang lalaki sa harapan ko. Kung titignan mo siya sa isang tingin, iisipin mong isa siyang sanggano. Pero kung tititigan mong mabuti. Makikita ang kakisigan at pagiging magandang lalaki niya.

Hindi ko alam kung bakit  siya natutuwang dungisan ang balat niya. May hikaw siyang itim sa kaliwang tenga, sa kanang bahagi ng ilong, ilalim ng kanyang labi, at kung ilalabas niya ang dila mayroon ding bilog na hikaw. Marami at malalaki rin ang kanyang mga tattoo.

"Ano ba ang nahihita niyo sa mga tattoo na iyan?" Hindi ko alam na nasabi ko pala iyon ng malakas.

"Satisfaction." Walang abog na sagot niya sabay hithit sa sigarilyong hawak niya.

"Satisfaction?! E masakit kaya magpalagay ng tattoo," nanlalaki ang mga matang sagot ko.

"Sanayan lang yan." Tipid na sagot niya pagkabuga ng usok.

"E ilan naman  yang tattoo mo sa katawan mo?" Curious kong tanong.

Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. "Bilangin natin." Parang nang-uuyam siya sa sinabi niya.

Grabe di alam?" Sabi ko, kasi bakit kailangan pang bilangin?

"Of course I know it, ipapakita ko lang sa 'yo ang proof." Tapos kumindat siya.

"One" turo sa may kaliwa braso niya. "Two." Inangat niya ang kaliwang braso niya at may nakasulat sa biceps niya. "Three." On his right forearm "Four." Tinuro niya 'yong parang ahas na nakapulupot sa kaliwang binti niya. Nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang ginawa hinubad niya ang damit niya at tumalikod. "Five." May parang pakpak na may characters dun sa likod niya, sa baba lang ng shoulders. "Six" sa spine niya may parang wand o espada.

Humarap siya at napaawang ang bibig ko. Feeling ko umiinit na ang mukha ko. Ngayon lang kasi may lalaking topless sa harap ko bukod siyempre kay Papsi ko, mga kuya ko at sa mga batang inaasikaso ko sa orphanage. "Seven." Sa kanang dibdib niya, may parang Chinese characters. "Eight." Sa may tadyang kung saan hinugot si Eba, meron doong parang mukha ng manikang babae.

"Nine." Tumingin muna siya sa akin.

"Parang wala na namang tattoo ah." Kumento ko dahil mukhang napasadahan niya nang lahat, pero isinabit niya ang hinlalaki niya sa waistband ng suot niyang shorts. Mabilis na nanlaki ang mata ko.

"Utang na loob h'wag kang maghubad dito." Mabilis na tinakpan ko ang mga mata ko. "Okay na, siyam ba? Tama? Kahit hindi mo na ipakita." Oh my god, my virgin eyes. Narinig ko pa siyang tumawa.

"Yeah, nine. Iniisip ko pa nga 'yong pang sampu, kung saan magandang ilagay." Sabi niya pa na tumatawa.

Napaantanda ako ng krus, hindi ko alam kung saan niya balak ipalagay ang pang sampu.

"Tama na Rodrigo!" Narinig ko ang malakas na paghalakhak niya kahit nakapikit ako.

"Ang inosente mo talaga Birheng Maria!" Natatawa pa ring tuya niya sa akin.

Itutuloy...

~~~
Author's Note:

So hi, guys! This will be the third installment. Yes magdadagdag na naman ako. Pero priority ko talaga ang dalawa. 😂 Huwag tayo lahat mapressure. 🤣

Rodrigo's Kryptonite, everyone 💕

~Leyn 💙

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rodrigo's Kryptonite : ZBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon