Chapter 12

443 51 9
                                    

January 29—Sunday

*Bzt*

Calling.. 094781*****

“Hello?” sabi ko

“Rosealie, mama to ni Kayne.” Napa-upo tuloy ako sa kama ko. Kakagising ko pa lang eh. Hindi sana ko magigising kung hindi siya tumawag.

“Opo Tita. Pupunta po ako dyan maya maya lang po. Kakagising ko lang po eh.”

“sorry nagising ba kita? Papasundo kita dyan kay Kayne. Sige bye. See you.”

“okay lang po bye po.”

Tinatamad pa ko bumangon. Pagod pa din kasi ako sa photoshoot. Pero kailangan ko bumangon iniinvite ako ng future mom ko. Joke lang. hahaha! Nagbreakfast muna ko tapos naligo. Exact nagbibihis ako. Dumating na si Kayne sa bahay. Di na siya pinagbubukasan ngayon ng gate at pinto may susi na siya eh. After ko magbihis pumunta na kami sakanila. Sumakay kami sa jazz niya after a minute andun na kami sa bahay nila.

“Ano ba mas gusto mong itawag namin sayo? Rosealie o Mae?” sabi ni Tita Alane

“Mae na lang po. Mas sanay po akong tawagin ng ganun.”

“Sige. Mae, ito yung panganay ko si Andreya, si Kayne yung pangalawa, si Shane naman yung bunso ko, 2 years old pa lang yan.” Pinakilala ako ni Tita sa mga kapatid n Kayne ang ganda ng ate niya mas mukhang Korean kesa chinese eh. Ang gwapo naman nung bunso nila. Ang bata pa pero labas na agad yung kagwapuhan.

“Nice to meet you po sainyo :)

“Totoo nga yung sabi ni Kayne, mabait ka daw. Pwede mo kong tawaging Ate Andreya.” Sabi nung ate niya.

“Sige na simulan na natin yung paggawa ng carbonara. Para makakain na tayo. Kayne, alagaan mo muna si Shane.” Sabi ni Tita Alane

Pumunta na kami ng kusina nina Ate Andreya. Nagpakulo kami ng tubig na may asin. Tapos nilagay namin yung pasta and then next naming niluto yung sauce. Kung ano-ano tinatanong sakin ni Tita Alane at Ate Andreya. Matatapos na kami sa pagluluto. Kaso pinapunta na ko ni Tita Alane kay Kayne eh. Naabutan kong nakikipaglaro si Kayne kay Shane. Ang cute nilang tingnan. Mahilig pala siya sa bata.

“Kayne,ang cute naman ni Shane.”

“Syempre, mana sakin.”  Tapos pinabuhat niya sakin si Shane. Tapos nilalaro ni Shane yung Face ko. Ang cute talaga ng batang to.

“Mae, tingnan mo yung mga picture mo kahapon.” Sabi ni Kayne.

Tiningnan ko yung mga picture tapos naka-upo si Shane sa legs ko.

“Itaw! Danda mo.” Sabi ni Shane. Tapos tinutusok tusok yung mukha ko.

“ay nako Mae. Binubola ka lang nyan ni Shane. Pero maganda ka talaga kahapon.”

“Akala ko ba binubola lang ako ni Shane ba’t sabi mo maganda ako?”

“may sinabi ba ko? Wala ah.”  Tapos tumalikod na siya. Gulo talaga ng lalaking to. Tiningnan ko naman yung mga picture namin ni Kayne.

I love you forever, to infinity and beyond. <3 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon