Chapter 3

637 59 3
                                    

Kayne’s POV

Tumingin ako sa may aisle. Ba’t nawala yun? San ba yun nagpunta? Ba’t wala dun si Ms. Cute? Pagtingin ko kay Kuya Ejay andun siya malapit dun. Ano ba naman tong babaeng to? Bigla na lang sumusulpot. Coincidence ba to o sinasadya namin. Tuwing magtetake kami ng picture halos lagi kaming magkalapit. Ano ba yan nadidistract ako? Ang dami ko ng picture ni Ms. Cute sa phone ko.

Buti natapos na yung mga gagawin. Konti na lang, picture taking na lang sa relatives nila. Tinawag na yung relatives nung lalaki na kinakasal. Nakita kong tumayo siya at naglakad papuntang harapan. Biglang nagsalita si Kuya Ejay.

“Ang ganda nun oh! Mukang simple nga lang at masungit.”

Ano ba naman to si Kuya Ejay ang ingay. Narinig siguro ni Ms. Cute. Lakas ng pagkasabi eh. Nakakahiya talaga. Pero totoo maganda talaga siya.

Inaayos na namin yung mga gamit. Sinakay na namin yung mga gamit sa van. Papunta kami ng Catellana Resort dun yung reception sabi ni papa. Tamang-tama gutom na ko. Habang nasa van kami. Kinakausap ako ni Kuya Ejay.

“Kayne, ganda talaga nung chick na yun. Tingnan mo yung picture niya dito.”

“Ay nako! Sayo na din nanggaling mukhang masungit diba?”

“Oo pero makikipagkilala pa din ako.”

“Tss. Bahala ka. Ikaw naman mapapahiya eh.”

“Kahit masungit siya, maganda pa din siya.”

Nakakainis naman to. Sa dami-dami ng babae dun kanina bakit si Ms. Cute pa? pwede naman yung kasama niya. Sana di siya pansinin. Pano pagpinansin siya? May itsura din kasi si Kuya Ejay. Bahala na nga lang. Di muna ko bababa ng van. Nakakapagod tumayo sa church. Pahinga muna ko dito. Iniisip ko pa din kung pano pipigilan si Kuya Ejay. Bababa na lang ako pagpapasok na sa main hall. Ano kaya pangalan ni Ms. Cute? Alam ko na hahanapin ko na lang FB ng Tito niya. Tatanong ko na lang kay Papa name nung groom.

“Kayne, bumaba ka na punta na tayo sa reception area.”

“Sige, wait.”

Kinukuha ko yung DSLR nung biglang nagsalita si Kuya Ejay.

“Medyo masungit nga siya”

“Sino?”

“Yung sinasabi kong maganda”

“Ah talaga.”

 

Siguro sinungitan siya? Di kasi nakikinig sakin. Pero makikipagkilala din ako. Baka ako may pag-asa siya wala. Hahahaha! >:)

Pumasok na kami ng reception. Marami ng tao. May sariling table yung team namin. Ayon medyo mahaba yung program na ginawa nung wedding organizer. Pero pinakain din naman kami maya maya. Buffet style yung arrangement. Nakita ko si Kuya Ejay andun siya sa may mga kinukuhaan ng pagkain. Andun din si Ms. Cute. Tapos pinipicturan niya. Two times ata. So gumagawa talaga ng moves si Kuya Ejay. Kainis naman. Baka maunahan niya ko.

Nagpagame yung wedding organizer. Tapos SM certificate worth 50,000 yung price.

“Yung age 16 to 40 tumayo.” Sabi nung wedding organizer.

Nagtayuan yung iba. Nakita ko si Ms. Cute di siya tumayo. Anong age niya? fourteen? Fifteen? Pero matangkad siya kung fifteen pa lang siya. Gusto ko na talaga malaman name at age niya. Kung saan na rin siya nakatira.

Tumagal ng 30 mins yung game. Tapos sumayaw na yung bride and groom para lagyan ng pera. Nakita kong tumayo si Ms. Cute. Binuksan niya yung wallet niya kumuha ng 200 dollars ata yun. Tapos nilagay sa bride. Bumalik na siya sa table nila. Nagpaalam ako na magrerest room kasi nakita ko siyang nakatingin sakin.

“Kuya Ejay, cr lang ako.”

“Sige ako na bahala dito.”

Lumabas na ko ng reception area. Tapos paglingon ko nakita ko siya. Nagtago ako tapos pumunta ng CR. After 2 minutes. Lumabas na ko. Nakita ko siya parang may hinahanap. Naglakas loob akong lapitan siya.

“Sino hinahanap mo?”

“Ha? Eh…wala.. yun..”

Paalis na sana siya. Pero hinarang ko. Aalis na siya agad. Di ko pa nga siya nakikilala eh. Sungit nga!

“Sino nga hinahanap mo? Baka nakita ko?”

“wala yung twin cousin ko.”

“Nasa loob sila diba? By the way, I’m Kayne.”

“I’m Rosealie.”

“Nice name. Nice to meet you.”

“Sige pasok na ko, baka hinahanap na ko.”

Umalis na siya. Rosealie pala ha? Mahahanap din kita sa facebook. Sana Makita ko ulit siya mamaya. Hindi na ko makapagconcentrate sa pagpipicture ko dahil kay Rosealie. Tss. Ano ba yun? Ito ba epekto niya? Yes buti nakilala ko siya. Buti na lang lumabas ako.

Nag-aalisan na yung mga tao. Hindi ko na din Makita si Rosealie. Pumunta ako sa may kuhaan ng juice. Buti na lang di ko na hawak yung juice. May biglang bumunggo sakin eh. Anak ng! sino ba yun?!

“Uy sorry di kita nakita. Sorry talaga.” Sabi ko. Babae kasi eh. Baka maganda.

“It’s okay.”

“Rosealie?! Sorry talaga ha. Layo kasi ng tingin ko eh.”

“Yup J okay lang, sorry din.”

“Rosealie, bilisan mo na malakas na yung ulan sa labas.” Sabi nung babae, mom niya siguro.

Umalis na siya. Mukhang pauwi na sila. Hayss. Di ko na siya makikita. Akala ko pa naman magstay pa. Edi sana nakapagusap pa kami.

After an hour, umuwi na din kami.

I love you forever, to infinity and beyond. <3 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon