Chapter 27

430 50 4
                                    

Kinabukasan tinawagan ko na si Shane para magdate na kami. Bukas kasi papunta na ko ng Manila paa isubmit yung pictures sa Agency. Sabi ni Shane sunduin ko na lang daw siya sa bahay nila. Kaya ayon sinundo ko pero hindi na ko pumasok sa bahay nila. Maya maya lumabas din naman si Shane. At sumakay sa sasakyan ko.

“Ate ganda, ano alis na tayo?”

“Oo naman. Saan mo gustong pumunta?”

“CWC tayo Ate. Fresh Air dun eh.”

“Sige.”

 

Nagdrive na ko papuntang CWC. Pagdating dun, may bagong restaurant. Kaya dun kami kumain ni Shane. Habang kumakain kami tanong siya ng tanong at nagkwekwento.

“Ate Mae? May boyfriend ka na?”

“Oo, meron na.”

“Sino? Para mabugbog ni Kuya. Joke lang.”

“sus, ikaw talaga. Si Jasper. Pilot siya.”

“Ah. Parang si Kuya kaso si Kuya kasi sa Aviation.”

“Ah.”

“mahal mo pa si Kuya?”

“Hindi. May boyfriend na ko.”

“Hindi mo lang alam Ate Mae kung gaano kalungkot si Kuya nung pumunta ka ng ibang bansa. Tapos pinagpalit ka sa pangit na babae. Kung ako yun hindi kita pagpapalit. Pero hindi rin sila nagtagal te. Napahiya pa nga yung babae eh. Basta malalaman mo din yun one day.”

“Ay nako. Hindi ko na malalaman yun, at wala akong balak alamin. Kaya kumain ka na.”

Kumain na nga si Shane. After naming kumain nag-ikot ikot kami sa CWC at nagpicture at nagSM din kami. Binilihan ko siya ng mga gusto niya. Gabi na kami nakauwi. Tuwang tuwa si Shane. May picture kami sa camera niya at sa phone ko. Pagkahatid ko kay Shane. Umuwi na din ako.

Kinabukasan naman inayos ko na yung mga gamit ko papuntang Manila. 8am alis ko. Pagdating ko sa Manila sinundo ako ng driver namin dumiretso naman ako sa agency naming para isubmit yung mga pictures. Okay naman daw yung mga pictures pasado naman sakanila. Very good pa nga ko eh. Bata lang? hahahaha! Marami pa kong inasikaso sa agency namin. Nakalabas na ko 9pm na ng gabi. Lowbat pa ko. Hindi ko tuloy matawagan yung driver ko. Kaya paglabas ko ng building sumakay na lang ako ng taxi. Malayo na kami. Tapos napapansin ko na parang hindi yun yung way papunta ng bahay ko.

 

“Manong, sa quezon city po ah?”

“opo ma’am papunta na ho tayo.”

Pero hindi talaga yun yung way papuntang QC. Kinakabahan na talaga ko. Lowbat pa yung phone ko. Pano ko hihingi ng tulong paggumawa to ng kagag*han. Maya maya nagtanong siya ng kung ano ano. Tapos nilock niya lahat ng door ng car. Kinakabahan na talaga ko. Tapos nagdrive siya papunta sa mga walang taong lugar yung puro damuhan. Tapos lumipat siya dun sa likod na kinauupuan ko. Tapos hinawakan niya yung legs ko. Sinisipa ko siya. Pero hindi parang walang epekto yung sipa ko. Sinara niya yung pinto ng car at nilock pa. Tuloy tuloy pa din siya sa pambabastos sakin. Buti na lang nasiko ko yung lock ng door ng car tapos sinipa at sinuntok ko yung driver. Napaatras lang siya. Sinipa ko siya sa mukha at nauntog sa may window. Sinipa ko ulit at napalakas ata yung sipa ko at nagcrack yung window. Bubuksan ko na yung door pero hinila niya ko pero naka-open nan g kaunti yung door. Sinampal at tinulak ko siya kaya pagsipa ko sa door bumukas agad ito. At nakalabas ako ng sasakyan. Buti na lang may dumaan na Honda jazz at huminto sakin at sumakay agad ako. Hindi ko na inisip kung sino yung nasa loob basta ang gusto ko lang ay ang makatakas. Nilingon ko na yung driver.

I love you forever, to infinity and beyond. <3 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon