Chapter 24

391 49 5
                                    

9pm na kami nakarating sa hospital. Nakita naming yung pnp na nagdala kay Mae, nakipag-usap ako agad. Kasama na rin si Kayne.

 

“Ano pong nangyari sa kaibigan ko?” sabi ko.

“May nakapagsabi po samin na ang bilis ng takbo ng sasakyan ng kaibigan niyo. Hindi niya siguro alam na may paliko dun at may kasalubong din siyang truck. Nahulog sa mababang bangin yung sasakyan niya at siguro natapakan niya yung accelerator at preno kaya pagkahulog niya ay nabungo pa siya sa mga kawayanan. Andun na siya sa kanyang kwarto itanong niyo na lang dyan sa nurse. Maiwan ko na kayo, mag-iimbestiga pa kami.”

“Salamat po Sir.” Sabi ni Kayne. “Anne, punta na tayo sa room ni Mae.”

Pumunta na nga kami sa room ni Mae. Naiyak ako sa nakita ko. May benda siya sa ulo at paa. Tapos may mga gasgas si Mae at may cast sa left arm niya. Naabutan pa namin yung doctor na tinitingnan si Mae.

 

“Doc, kalian po siya magigising?” tanong ni Kayne.

“Baka mamayang gabi o bukas pa yan magigising.”

“ano pong mga natamong injuries ng best friend ko?” sabi ko.

“May laserations siya or cuts, my broken bone siya sa arm at sa part ng paa niya. May sugat din siya sa ulo dahil sa pagkauntog niya stering wheel.”

“ah ganun po ba? Mga kailan po siya makakalabas? At kailan gagaling yung mga injuries niya?”

“baka next week na pa siya makalabas. Baka after 1 month pa. maiwan ko na kayo hija, alagaan niyo siya.”

“sige po salamat.”

Kami na lang muna ni Kayne ang nagbabantay kay Mae. Nakatulog na si Kayne sa sofa. Pero hindi pa nagigising si Mae, binabantayan ko na lang siya. 11pm na, inaantok na ko pero ayokong matulog kasi binabantayan ko si Mae.

 

*bzzt*

Calling.. Jasper

“Hello?” sabi ko.

“hello anne? Asan si Mae?”

“Naaksidente si Mae, andito kami sa mother seton. Room 208.”

“Sige, pupunta ako.”

“wag na. gabi na.”

“Hindi pupunta ako. Bye.”

“okay bye.”

11:30pm dumating na si Jasper tinanong niya ko kung ano nangyari kay Mae. Kwenento ko yung sinabi nung doctor at yung sinabi nung pnp.  Maya maya nagising si Kayne. Nakipag-usap siya kay Jasper. Ako naman yung natulog. Nagising ako umaga na nakita ko yung dalawa tulog pa si Mae din, hinsi pa nagigising. Nagtext naman si Tita na paalis na sila sa France. Maya maya nagising na si Kayne. May tumatawag sakanya sinagot niya si Lucy pala. Papunta daw dito. After 1 hour, nagpaalam si Kayne na susunduin niya si Lucy.

“Jasper, gising bantayan mo muna si Mae. Bibili lang ako ng pagkain natin. Text mo na lang ako.”

“Sige.”

I love you forever, to infinity and beyond. <3 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon