Maingay sa loob ng bar. May nagtatawanan, naglalandian, naghahalikan, nag-iinuman at siyempre hindi mawawala ang paggawa ng kamaligruhan.
Nandito si Victoria ngayon sa stage ng bar sumasayaw. Oo isa siyang dancer ng bar. Madumi na kung madumi. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao. Sa bawat paggiling niya kasabay ng indayog ng musika kumikita siya ng pera. Easy money kasi dito. Kaya naman dito ang bagsak niya.
Kailangan niya kasi ng pera, sobrang desperada na din kasi siya kaya siya pumasok sa ganitong trabaho. Malaki ang kinikita niya dito pero hindi siya masaya. Kahit siya nandidiri sa sarili niya. Pero wala na din siyang paki, sanayan na lang yan.
Bawat paggiling ng katawan niya katumbas ay pera. Tama, yan na lang dapat ang isipin niya.
Sa bawat paggiling ng katawan niya kasabay ng indayog ng musika naiisip niya ang kanyang pamilya.
Sa bawat paggiling niya matutustusan niya na ang pangangailangan ng nanay niya para sa gamot nito.
Sa bawat paggiling niya mababayaran na nila ang bill ng kuryente at tubig.
Sa bawat paggiling niya matutustusan na niya ang tuition fee ng kapatid niya.
Sa bawat paggiling niya may masarap na silang pagkain sa hapag.
At.....
Sa bawat paggiling niya di niya maitatanggi at maikukubli na --------- madumi siya.
Oo madumi siya. Dangal at dignidad? Matagal na siyang wala niyan, simula ng tumungtong siya sa entablado na ito. Kailangan niya na lang tatagan ang loob niya.
Natapos na ang pagsayaw niya sa stage. Diring-diri siya sa sarili niya. Dapat nga masanay na siya. Dalawang taon na rin siya sa ganitong trabaho.
"Hoy Victoria, diyos ko Day ! Ang laki ng binigay ng papables kanina sa iyo. Ang poging papa ! Type ka yata day ! Gusto kang itake-out! 25,000 Day ang bigay! At take note sa sayaw lang yan, hindi pa kasali dyan ang tip niya mamaya sayo pagkatapos mong lumabas kasama siya.Naku day big time" Humahagikhik ang bakla niyang manager habang sinasabi yan.
"Pshhh. Oo na !" sagot niya.
"Oh ano pa hinihintay mo day ? Magbihis ka na! Gora ! Tiyak malaki kikitain mo ngayon. Tiba-tiba ka day ! Puntahan mo na lang siya sa table 4 ! Hinihintay ka nun doon day! Sige na day babush ! Galingan mo ha" sabay kindat ng bakla niyang manager.
Nagmadali siyang magbihis. Buti. naman nakapagbihis na siya. Hindi na masyadong malaswa tingnan ang damit niya. Pero maikli pa rin ito. Ok na yun, atleast hindi na katulad kanina na sobrang kita ang kaluluwa niya . Nagretouch muna siya ng kaunti bago lumabas at tinungo ang table 4.
Breathe in...
Breathe out...
Relax Victoria, Relax.
Bulong niya sa sarili.
Pagdating niya sa table 4 nakita niya na ang papables na sinasabi ng bakla niyang manager.
Napasinghap siya ng nakita niya ang mukha nito.
Gwapo nga ito.
Matangos na ilong.
Mapupungay na mata.
Makinis na mukha.
Machong katawan.
Matipunong tayo.
Matangkad.
Labing mapula na masarap halikan.
At higit sa lahat halatang mayaman ito at halatang may ibubuga.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Victoria" bulong nito sa sarili.
"Hi" bati niya dito. Aba hindi man lang sumagot ng "hello". Nice talking to ah.
"Hi, Ako nga pala si Victoria" ulit pa nito.
"Ok" sagot ng binata. Napipikon na si Victoria dahil sa hindi man lang ito nagpakilala. Gwapo nga hambog naman, isip ni Victoria.
"Tara na, alis na tayo" tumayo ang lalaki at lumakad palayo. Sumunod naman si Victoria.
Pumasok na ang lalaki sa sasakyan niya habang si Victoria naiwan sa labas na nakatanga.
"Hoy ano pang hinihintay mo dyan? Pasko? Hopped in" ang sungit naman tapos ang hambog pa kainis ang lalaking to.
Pumasok na si Victoria at nagdrive na ang lalaki palayo sa bar.
-------------------
All Rights Reserved 2013
©MaryleWales
※―STEAL MY WORKS. I'LL BITE YOUR HEAD OFF―※
BINABASA MO ANG
Dark and Twisted
Roman d'amourSi Victoria Javier ay kilala dahil sa kanyang kagandahan,kaakit-akit at kahalina-halina niyang pagkatao. Pero sa likod ng kagandahan nito nagtatago ang isang madilim na sekreto. Anong sekreto? ©MaryleWales ※―STEAL MY WORKS. I'LL BITE YOUR HEAD OFF―※