4th Chapter

112 13 2
                                    


Gab

Kababalik ko lang mula sa restroom nang makita ko si Aya sa gitna.

Everybody gasped. Pati ako nagulat.

Paano niya nagagawang pagsalitaan ng ganon ang isang campus royalty?

Hindi ba niya alam na may mga tao rito?

“What are you talking about?” tanong ni Ms. Alcantara. “Who are you?”

“Sino ako? Ako lang naman ang bestfriend ni Gabrielle Buenaventura, ang babaeng niloko ng Prince na ‘yan,” sagot ni Aya.

Oh boy. Napahilamos ako ng mukha. People were gossiping. Nag-uumpisa na ring mag-ingay ang lahat ng nasa loob ng stadium.

“I don’t know Gabrielle Buenaventura,” sabi ni Rade.

Ang buong akala ko titigil na si Aya sa narinig niya. Pero ang mga sumunod na ginawa niya ay hindi ko inaasahan…

Her right hand left a mark on Rade’s face. Sinampal niya si 2nd Prince!

“Para ‘yan sa lahat ng babaeng niloko mo!” she shrieked.

At para makumpleto ang pagiging bayani ng kaibigan ko, she kicked Rade sa parte kung saan ito pinaka masasaktan, for the finale. Halos mapaluhod si Rade habang hawak-hawak ang pantalon niya.

“Para ‘yan sa bestfriend ko,” she said.

Oh for Pete’s sake!

Parang gusto ko na lang na bumuka ang sahig na kinatatayuan ko at lamunin na ako while I watch Aya standing, feeling mighty and proud of her feat.

Nagsitayuan ang lahat ng mga estudyante. Lights were turned on. Kanya-kanya na ring kuha ng litrato ang mga press.

Hindi ba niya alam na engagement party ito ni Rade Andreux Montero? Ang Prince ng Elton Academy? At ang Prince de Jesus na tinutukoy niya, ay nasa upper box nakaupo?

Aya

“You’ll pay for this,” sabi sa akin ni Prince. “How dare you…”

Nagliwanag ang buong coliseum. Panandalian akong nasilaw habang nag-aadjust ang mga mata ko sa liwanag. Hindi nagtagal ay naging malinaw na sa paningin ko ang lahat. Kitang-kita ko na ang decorations sa stage at  ang orchestra na nasa likuran ni Prince.

“I am Prince de Jesus!”

Narinig kong may sumigaw kaya napalingon ako. Nakita ko ang isang lalaki mula sa upperbox, nag-iisang nakatayo sa halos libu-libong mga estudyanteng nakaupo at nakatingin sa amin.

Nanlambot ang mga tuhod ko at napa-atras.

Biglang may nag flash sa harapan ko at nakita ko ang isang lalaking may hawak-hawak na camera. Nakasuot siya ng ID na may nakasulat na PRESS.

Di nagtagal, sunod-sunod na ang nagsipagkuha ng litrato sa akin.

Napalunok ako at muli ay
napatingin ako sa lalaking sinampal at sinipa ko na ngayon ay nakatingin din sa akin.

Pula ang kulay ng buhok niya. Nakasuot siya ng puting V-neck long sleeve shirt, black fitting pants at combat boots.

Sino siya? Sino ang lalaking ‘to na pinahiya ko?

“This can’t be!”

Isang lalaking naka business attire ang lumapit sa harapan ng stage.

“How dare you do this to my daughter Mr. Montero," nanggigigil na sabi niya habang itinuturo ang lalaki sa likuran ko.

“Isa na naman ba ‘to sa mga palusot mo para hindi matuloy ang engagement ninyo ng anak ko?!”

Hinubad niya ang suot na salamin saka inihagis sa sahig.

“Sir-“

“No. I have had enough! Enough of your lies and excuses.” Lumapit siya sa amin saka hinila ang babaeng nasa tabi ni Prince.

“We’re leaving. This is a disgrace! Wait ‘til your father hears about this.”

Anong ba 'tong ang pinasok ko?

“Oh my gosh! Did you see what that stupid girl just did to our Prince?”

Napatingin naman ako sa may bandang kanan sa may itaas.

“She ruined Prince Rade’s Royal Engagement. Kill her!”

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaki sa likuran ko.

“Hi-hindi ikaw si Prince de Jesus?” Napatakip ako ng bibig.
"Hindi ko sinasadya."

Nagmamadali akong bumaba ng stage ngunit may mga estudyante nang nakaharang sa daraanan ko. Lahat sila may hawak ng itlog  na handang ibato sa akin.

Ipantatakip ko na sana ang sling bag ko nang biglang may sumigaw.

“Wait!” Nahinto naman kaming lahat.

“Is that Taylor Swift ?” tanong niya sabay turo sa kabilang dulo ng stadium. Pati ako napalingon din.

Nararamdaman ko na lang ang paghila sa braso ko palabas ng coliseum hanggang sa makarating kami sa car park.

“Aya, alam mo ba kung anong ginawa mo?” tanong sa akin ni Gab habang nagmamadali siyang magsuot ng seat belt.

“Ayokong marinig!” sagot ko sa kanya. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko.

“Ibang tao ang sinampal mo. That's the truth!” 

Inuntog ko ang ulo ko sa may dashboard. Ngayong narinig ko na mismo sa kaibigan ko ang totoo, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa ulo. Ayokong paniwalaan ang mga nangyari.

Hinampas-hampas ko siya sa braso. “Bakit di mo kaagad sinabi sa akin?” Napahilamos ako ng mukha. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, ang nakikita ko ay ang mga ginawa ko kanina.

“Baliw ka kasi. Kung hindi dahil sa’yo edi sana natuloy ang engagement party ni Rade,” sagot niya sa akin.

“So totoo nga?”  Totoo? At sinira ko. Sinira ko ang lahat. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko ‘yun?

“Pa’no na’to? Anong gagawin ko, Gab?” natatarantang tanong ko sa kaibigan ko.

“Wait.” Huminto siya sa pagmamaneho at may pinindot sa cellphone niya.

“Oh my gosh, Aya. Nasa Youtube na ang ginawa mo kanina...”

The Campus Royalties and Me Where stories live. Discover now