6th Chapter

123 10 0
                                    

Aya

Nilalamon ako ng konsensya ko. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi.

Tapos ngayon naman nandito lang ako sa loob ng cubicle ng comfort room ng L.U. 

Pati yata ang sikmura ko nasira na rin dahil sa kaba. Hindi na ako nakakain nang maayos.

Ano nang gagawin ko? Sabi ni Gab sa akin kalat na raw ang nangyari sa E.A kahapon. May video pa.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng c.r. at ang mga yabag ng pumasok. Nahinto sila sa may tapat ng cubicle kung nasaan ako.

"Girl, have you heard about what happened sa E.A kahapon?" tanong ng isa.

"Yes, I do. Yung kaklase ko nung highschool before, sya ang nagkwento sa akin."

"Oh my gosh talaga. Ang kapal ng face nung girl huh?"

Oo na. Alam ko naman na kasalanan ko talaga. Ang laking tanga ko kase.

Pero hindi ko naman sinasadya yun, e.

"Sinabi mo pa. Kung ako sa kanya, 'wag na 'wag syang lalabas ng lungga niya. For sure hahunting-in siya ng mga fans ni Prince."

Napahilamos ako ng mukha. Ano nang gagawin ko? Hindi naman ako pwedeng magtago dito sa loob nang habang buhay.

Isinuot ko ang reading glasses ko saka inilugay ang aking buhok. Nilagyan ko rin ng maliit na tuldok ng pentel pen ang kanang pisngi ko para kahit papa'no ay hindi nila ako mamukhaan.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay binuksan ko na ang pinto ng cubicle ngunit hindi inaasahang nabangga ko yung isang babae nang umikot ako.

"What the -"

"Ay sorry!" pagpapaumanhin ko. Ipinantakip ko ang hawak-hawak kong portfolio sa ilong at bibig ko saka ako nagmadaling lumabas.

"Wait!"

Napahinto ako nang magsalita ulit yung babae.

"I think I've seen you before."

Naku naman. Nakapikit kong ipinagdarasal na sana ay hindi niya ako nakikilala. Dahan-dahan akong umikot upang harapin siya.

Pinagmasdan ako ng kasama niya mula ulo hanggang paa.

"Saan girl?"

"I don't know. But she looks familiar. Lalo na ang sling bag niya."

Yung sling bag ko. Itong sling bag ko ang gamit ko kahapon sa E.A.

Pinasadahan niya ulit ako ng tingin.

"Wag na nga lang. Impossible namang ikaw yung nasa E.A kahapon. I mean look at you," sabi niya sa akin habang tinitignan ako ng may halong panghahamak. "Imposibleng papasukin ka sa E.A."

" Si-sige. Mauna na ako." Kaagad akong lumabas ng comfort room at dumiretso sa may canteen kung saan naghihintay si Gab.

May gusto raw kase syang sabihin.

"Don't tell me kaya mo ako pinaghintay ng almost two hours dito sa canteen ay dahil dyan sa itsura mo," bungad niya sa akin nang makaupo na ako sa tapat niya. "I mean, nag-ayos ka ba talaga?"

"Hindi no. Pasensya ka na. Ang sama kase ng tiyan ko. Tapos nag disguise pa ako para hindi ko mamukhaan."

"Whatever. Anyway, I don't understand."

"Ang alin?"

"I can't find it. Kahapon lang kalat sa YouTube ang video mo. You're all over facebook nga, e. Pero ngayon biglang nawala. Nag disappear," sabi sa akin ni Gab habang kinakalikot ang cellphone niya. "Na magic before the whole world would even know your name."

"Talaga?"

"Yes. At isang beses lang naipakita ang video mo sa t.v. Paano nangyari yun?"

"Yes!" Pinagdaop ko ang mga palad ko saka ako tumingin sa taas. "Thank you Lord. Alam kong hindi niyo ako pinababayaan."

"Pre, nawala eh," sabi nung isang lalaking dumaan sa gilid ng table namin. May kausap sya sa cellphone niya. "Hinanap ko sa lahat ng search engine pero wala talaga yung video."

"This means wala na silang way to know kung sino ang girl na nanapak kay Rade kahapon. You're lucky, Aya," saad ni Gab.

"Pero pano kaya nangyari 'yun?" tanong ko sa kanya.

"This is not a divine intervention. Hindi naawa si Lord sa'yo. In fact, ako ang kinakabahan sa nangyayaring ito ngayon," sagot niya sa akin habang ang mga daliri niya ay nag tatap sa lamesa na para bang may iniisip.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I have a feeling na kagagawan 'to ni Rade."

"Edi salamat. Baka pinatawad na niya ako," untag ko. Mabait naman pala yun. Makapag sorry nga.

"That easy? Sa tingin mo palalampasin niya ang ginawa mo? Hindi mo kilala si Rade, Aya."

Isinuot ni Gab ang shades niya at saka nag cross arms. "Hindi ka niya sasantuhin kahit babae ka pa."

"Gab, kung mag sorry na lang kaya ako sa kanya?" Na guiguilty kase talaga ako sa nangyari. "Nakokonsensya ako. Nang dahil -"

"Nang dahil sa'yo,hindi natuloy ang engagement party nila. Nang dahil sa'yo, nag back out ang isa nilang business partner. Nang dahil sa'yo, nasira ang image ni Rade." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Sige nga. Tell me, maibabalik ba ng sorry mo ang nawala sa kanya?"

Nanlumo ako sa narinig ko. Tama si Gab. Mag sorry man ako o hindi, hindi na mababalik ang nangyari kahapon.

Anong dapat kong gawin?

"Ano kayang ginagawa ni Rade ngayon?"

"Hindi ka ba pumasok sa E.A?"

"Hindi. You mentioned my name kaya. Who knows baka mamaya hinahunt na rin ako para malaman kung sino ka."

Biglang nagsitilian ang mga estudyanteng nasa canteen. Nagtakbuhan lahat halos ng mga kababaihan palabas.

"What's going on?"

Tumayo kami ni Gab at saka lumabas ng canteen para sundan ang mga estudyanteng panay tili at hiyawan.

Nakita ko ang dalawang mahabang kotseng pumarada sa tapat ng building ng school.

Sa likuran nito ay may nakasunod na isa pang kulay asul.

Ang kulay asul na mahabang kotse ay pumarada naman sa gitna ng dalawang nauna.

Bumaba ang isang chinitong lalaki mula rito. Sunod namang bumaba ang isang lalaking matangkad at kulay pula ang buhok.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na nang makita ko ang logo ng pintuan ng kotseng sinirado niya.

Logo ng Elton Academy.

The Campus Royalties and Me Where stories live. Discover now