10th Chapter

146 9 4
                                    


Aya

Sit in on my class.
Make my projects.
Create my reports.
Clear my schedules & business appointments every Friday of the week.
Prepare my wardrobes and outfits for my photoshoot.
Fill my closets with new clothes every weekend. Note: I hate last season.
Clean my room every other day.
Etc. etc.

Ilang ulit kong pinasadahan ng tingin ang mga nakalagay sa loob ng folder bago nag sink in sa akin ang lahat.

Kung paglilinis lang, keri ko pa. Pero ang pag sit in? Gawin ang projects at reports? Alalay ata ang hinahanap nito, eh.

Ibinaba ko ang folder sa center table. "Anong tingin mo sa akin? Nanay mo?"

"I thought you want to make it up to me?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. "You have to do whatever I ask of you until I find it deem necessary to let you go."

"Pero pa'no ako? May trabaho rin ako. Nag-aaral ako sa L.U. Bibisitahin ko pa sina auntie every weekend."

"So?"

"Anong so mo dyan?" pag-uulit ko. "May pake ako sa kinabukasan ko."

Inilagay niya ang dalawang kamay sa may lamesa at bahagyang lumapit sa akin. "So am I."

Tumayo siya ngunit bago umalis ay nilingon niya muna ako.

" Unless gusto mong mag-invest sa company. Ibalik mo ang binawi nilang investment," sabi niya saka tuluyan nang pumasok sa isang kwarto.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Hindi ba kase pwedeng matagpuan ko na lang ang mga totoong magulang ko? Total isa lang naman talaga akong dakilang ulila sa storyang 'to, pwede bang ang mga tunay kong mga magulang ay kasing yaman ng lalaking nasa harapan ko?

Please Lord. Ipinagdaop ko pa ang mga palad ko.

"Ano pang hinihintay mo dyan? Pasko?"

Napatingin ako kay Rade na ngayon ay nakasuot na ng leather jacket.

"Ba-bakit?"

"May pupuntahan tayo."

Sakay ng kotse niya ay narating namin ang isang mansyon. Yung tipong parang sa fairy tales mo lang nakikita?

Bumukas ang malaking gate na may nakalagay na M. R. saka tuluyang pumasok ang sinasakyan namin.

Sa gitna ng daan papasok ay may isang malaking fountain na sasalubong. Kapansin-pansin din ang napakalinis na paligid. Wala kase akong nakitang kahit na anong dumi at kalat.

Pati ang mga berdeng damo at mga puno ay tila tinuruan ng good manners at right conduct. Maayos din ang pagkaka trim ng bawat halamang nadaraanan namin. Ramdam ko rin ang sariwang hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana.

May lugar pa palang gan'to sa siyudad? Yung parang hindi naaabot ng polusyon?

Huminto kami sa mismong tapat ng mansyon kung saan nakatayo na nag-aabang ang mga katulong, chef, hardinero, at isang lalaking naka suit.

Wow.

Ito ba? Ito ba ang bahay ni Rade?

Nang mabuksan ang pintuan ng sasakyan at makababa si Rade ay sabay-sabay silang yumuko.

Kung di pa ako kinatok ng lalaking naka suit sa bintana ko ay hindi ko matatantong kanina pa pala nakabuka ang bibig ko.

Bumaba na rin ako at saka patakbong sinundan si Rade na noo'y umaakyat na ng hagdanan patungo sa nakabukas na double doors.

Habang tumatakbo ako ay panay ang lingon ko sa mga tauhan nila kaya hindi ko namalayan ang bigla niyang pag hinto.

"Aray." Nasubsob lang naman ako sa likuran niya.

Nilingon niya ako at saka tinignan.

Hinawakan ko ang ilong kong napuruhan sa pagtama.

Ikiniling niya ang ulo sa kaliwa saka nagsalita,"May nakalimutan ka."

Nakalimutan?

Anong nakalimutan ko?

Kailangan ba ng birth certificate bago pumasok sa bahay nila? NBI? Police Clearance?

"Ano?" tanong ko.

Pinanliitan niya ako ng mga mata pagkatapos ay ngumuso siya.

Anong ibig niyang sabihin?

Teka... Ano bang nakain nito?

Nanlaki ang mga mata ko saka napatakip ako ng bibig.

Napaatras din ako nang bahagya.

"Hi-hindi ba parang napakabilis naman yata?" nahihiya kong tanong sa kanya. "Hindi pa natin kilala ang isa't isa."

"Idiot." Inirapan niya ako. "I was referring to my bag na nasa loob ng kotse. Kunin mo. It's too heavy."

Pagkatapos ay tumalikod na sya at nagtuloy-tuloy na sa loob.

Habang naglalakad pabalik sa kotse ay nararamdaman ko ang tingin ng lahat sa akin.

Nakakahiya.

Mabilis kong dinampot ang bag niyang simbigat ng balahibo ng manok.

Ito ba? Ito ba ang hindi niya magawang dalhin dahil sa bigat?

Pahamak 'tong bag na 'to, eh.

- - -


"Talaga bang mag-isa ka lang dito?" tanong ko sa kanya habang umaakyat na naman kami ng hagdanan.

Napakalaki kase ng bahay tsaka may mga apat na kwarto akong nakita sa baba. Hindi ko pa nga naiikot ang kabuuan ng mansyon pero masasabi kong sobra-sobra ito para sa iisang tao lamang.

"This is the house of Prince Rade's family."

Nagulat pa ako ng may magsalita bigla sa likuran ko. Nakita ko yung may edad ng lalaking naka suit kanina.

Binigyan niya ako ng isang ngiti. "That man," sabi niya sabay turo sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding, "-is the prince's father, Sir Logan."

Ow. Pero bakit ganun? "Wala po akong nakikitang pagkakahawig nila."

"Yes. But they have very similar atitude," sagot nito sa akin.

So sa kanya pala nagmana ang anak niya. Sa mga mata palang nung lalaki parang may pagkapilyo nga. Hindi na nakapagtataka.

"Even have the same taste with girls," dagdag pa nito na sinabayan ng mumunting halakhak. Hindi rin nakaligtas sa akin ang tingin niyang tila may pinapahiwatig.

Pinagmasdan ko si Rade habang naglalakad sa hallway.

Ibig sabihin may nagkagusto sa tamad na lalaking 'to?

Huminto kami sa tapat ng pangatlong kwarto sa 2nd floor ng bahay nila.

"This is my room."

Binuksan nung lalaki ang kwarto ni Rade at isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa amin.

The Campus Royalties and Me Where stories live. Discover now