3rd Chapter

163 16 3
                                    

  Aya 

Biglang may sumulpot na motorbike sa kanan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa may daanan.

Hindi ako makagalaw.

Ang tanging nagawa ko lang ay ipikit ang aking mga mata at ikiling ang aking ulo. Nung mga oras na iyon, pakiramdam ko ay malapit nang lumabas ang puso ko mula as circulatory system ko dahil sa kaba at takot.

Patay na ba ako? Nakapikit na hinawakan ko ang dibdib kong kay bilis pa rin ng tibok hanggang ngayon. 

"Will you watch while you walk?" Narinig kong sabi ng isang boses.

Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata at nakita ko ang rider ng motorbike na muntik nang makasagasa sa akin. Hawak-hawak niya ang visor ng helmet niya at nakatukod ang isang paa sa daan.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay kaagad akong tumayo.

 "Excuse me? Ikaw na nga 'tong muntik na makasagasa sa akin ikaw pa ang may ganang magalit?"

Tinignan niya lang ako at hindi umimik.

Pagkatapos ay nag kick start siya bigla.

"Tabi dyan," utos niya sa akin. 

 Aba! "So ganon lang? Hindi ka mag sosorry?!" Ang yabang naman ng lalaking 'to. 

 "I said get out of my way. Nagmamadali ako!" 

Biglang may umalingawngaw na sirena ng pulisya. Dumilim din bigla ang kinatatayuan namin. Napatingin ako sa taas at may isang chopper akong nakita. 

"Shit."

Napalingon ako sa lalaking nasa harapan ko. Teka, magnanakaw ba siya? Kriminal? Takas sa preso? Pinaharurot niya ang motorbike.

Sa sobrang bilis halos liparin pa ang palda ng suot-suot kong uniporme. Dinaanan din ako ng hindi mabilang na mga police mobile sa magkabilang gilid.

Ilang minuto din ang tinagal ko sa gitna ng pedestrian lane bago nakatawid. Kung hindi siguro dahil sa rider na 'yun malamang nakaabot pa ako sa first period.

                            ~*~ 

"Oh my gosh! Look oh! I saw this photo from Instagram."

Nagkumpulan ang mga kaklase kong babae sa harapan. May pinagkakaguluhan silang litrato sa cellphone ng isa ko pang kaklase. 

"Ang hot talaga ni Prince," sabi nung isa.

 "Oo nga!"

"How I wish sa Elton Academy din ako nag-aaral," sabi ni Trish na parang nangangarap. "Ang swerte ng mga estudyante. Nakikita nila si Prince."

Prince? Teka, siya kaya ang manliligaw ni Gab? Kung ganon talaga ngang heartthrob siya ng school. Kahit mga kaklase ko pinagpapantasyahan siya,e.

                                                                                      ~ * ~

The number you have dialed cannot be reached. Please try your call later.  

Na naman? Ilang beses ko nang tinatawagan si Gab pero hanggang ngayon hindi pa siya sumasagot.

Paano ko siya hahanapin ngayon?

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng E.A. Nasa labas ako ngayon ng nakabukas na gate. Nakakalula ang lawak ng paaralang ito, walang sinabi ang L.U.  

Sinubukan ko ulit i-dial ang number ni Gab. Gumawa na rin ako ng text message para sa kanya pero nahihirapaang sumagap ng signal ang Nokia 3210 ko. Tatlong beses ko na ngang pinukpok sa pader pero walang nangyayari.

The Campus Royalties and Me Where stories live. Discover now