Chapter 7

39 2 0
                                    

Chapter 7

-----

"Shutter!"

"Saw!"

"Okay Mich, Carla. Shut up please? Nakakarindi tsaka nakakahiya sa tabing unit. Please lang." Sabat ni Dave, saka nilagay yung DVD dun sa player. "Shutter muna tapos Saw okay? Para walang away. Naiintindihan niyo ba mga bata?" Sabi ni Dave tsaka ngumiti ng nakakaasar.

"Tangna mo!" Saka na bumalik si Carla sa tabi ko. Makamura talaga to. Kababaeng tao.

"Fiancee ko! Dito ka sa tabi ko" parang batang sabi ni Dave tsaka hinigit si Reon sa tabi niya sabay akbay.

"Leche ka. Ayoko diyan! Di ako nakakapanuod ng maayos." Sabi niya saka pilit na humihiwalay. Mga pakipot na tao, lilitaw at lilitaw din ang lahat. Haha.

"Panunuorin mo ba yan? Di ba di mo kaya?" Concern na tanong ni Kyle. Pfft.

"Watch and learn" mayabang na sabi ko saka lumayo ng konti. Ba't pa kasi sakin tumabi to.

Nagsimula na yung movie tapos sobrang tahimik pa. Sila Nea nilantak na yung pagkain di man lang nagalok.

Sa sobrang takot ko tinulugan ko nalang. Maya maya may yumuyugyog na sakin.

"Watch and learn pala ha" Asar ni Kyle tsaka ngumisi. Inirapan ko.

"Asan na sila? Umuwi naba?" Tanong ko nalang.

"Di pa, yung iba lang. Si Erika dumeretso sa kwarto ng kuya mo mag-uusap daw sila. Si Nea, Mich at Carla nag-paalam na. Di kana ginising. Tas si Reon at Dave baka gumagawa ng bata." Nakakalokong sabi niya. Tumango naman ako tsaka ko siya sinapok.

"Nagugutom kaba?" Tanong niya. Tumango ako ulit, di ko kayang maging madaldal eh.

"Tara sa kusina. Pinagdala ka ni Ravin." Sabay hatak niya sakin. Aray ha.

"Kain ka narin" alok ko. Take note: I'm not concern, just being nice.

"Wag na, nakakahiya naman sayo. Mukang kulang pa nga eh."

"Umuwi kana nga! Nakakabusit ka"

Tumawa naman siya tsaka sumubo sa mismong pagkain ko. Lalo na sa spoon ko. Shitbrx, indirect kiss yun ah.

"Mas masarap pala kapag sa kutsara mo ako sumubo" sabay ngisi niya.

"Get lost!"

"Sorry..." Biglang sabi niya. Tumigil naman ako sa kakanguya tsaka tinitigan siya.

"Sorry kasi iniwan kita dati. Sorry kasi nasaktan kita. Someday you'll understand everything. But now that I have the chance to be with you again, I'll grab it and never think of wasting it" I felt my eye teared up, I look down and drink some water.

"W..why not now?" I'm too eager to know everything. Simula nung linayasan niyako dito, wala akong narinig na explanation or what. Basta pag gising ko nalang umalis na siya.

Tumawa naman siya tsaka ginulo yung buhok ko. "It's too complicated tsaka I'm not sure of some things."

"Ahem... Uuwi na kami. Sensya na sa istorbo." Biglang sulpot nitong Dave na 'to. "Oras na rin eh. Tsaka nakakatakot dumaan sa kanto namin, yung pesteng malaking bahay kasi parang andaming aswang."

"Nagpapaalam ka lang andami mong kinatak." Sabi ni Kyle na sobrang annoyed.

Tumawa nalang ako tsaka nakita kong ngumisi si Dave sakin. "Bye, ginoo at binibini. Heart to heart talk ata yan, sensya na."

"Umalis kana nga!" Sigaw netong katabi ko.

"You're rude" tsaka ko siya pinandilatan.

"Umiiyak kana kanina eh, konti nalang. Panira talaga yung lalakeng yun kahit kelan." Maktol niya.

"Diyan ka na nga! Aakyat nako" tumayo nako tsaka naglakad papunta sa hagdan.

"Tara, samahan nakita" no choice na ko kesa pilitin pako neto. Bahala siya dyan.

"Same old room huh" sabi niya habang nililibot yung buong kwarto ko. Yep, di ko pa binago yung style. All white and baby pink kasi. Feeling ko calm and parang masaya siya. Ayoko ng medyo dull.

"Yun nga lang wala na yung picture natin sa side table" sinipatan niya ng tingin yung side table and nakitang kong nagtwitch yung side lips niya para mag-frown.

"Umuwi kana, pagod ako masyado. Daming paperworks" sabi ko tsaka dumeretso sa closet ko.

"Hintayin nakitang matulog" sabi niya tsaka humiga sa kama. Feel at home ah.

"Bahala ka" saka nako pumasok ng banyo bitbit bitbit yung pagligo at pamalit ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko siyang nakahiga sa kama ko, half of his body is on the bed, medyo maliit kasi pang isang tao lang tsaka paside siya humiga.

"Kyle. Oras na." Yugyog ko sakanya. He just moaned in frustration tsaka humiga ng komportable sa kama ko at di nagbubukas ng mata.

"Oras na huy!"

Hinila naman niya ako pahiga saka sumiksik sakin. "Gabi na, 11pm na oh. Delikado sa daan."

"Hindi nga pwede. Magagalit si kuya satin niyan eh. Dun kana." Saka ko pa siya niyugyog. "Huy!"

Nagmulat naman siya tiyaka tinignan ako. "Matulog kana." sabi niya sabay sara sa mata ko using his palms. "I'll go before dawn, masakit lang talaga ulo ko. Di kita tatabihan, sa study table mo nalang ako."

"Diyan ka nalang" inabutan ko siya ng blanket. "Malakas aircon ko dito baka lamigin ka. Tsaka baka mahirapan kapa."

Ngumiti siya ng napakalapad tsaka humiga sa kabilang side ng kama ko. "Thank you. Matutulog lang ako, promise." Matulog ka na rin. Mukang puyat na puyat ka eh.

Ewan ko ba. I know we haven't sort things out. Alam ko naman there's nothing going on between us kasi we're talking casually.

"Lilipat na pala ako sa school niyo" bigla niyang sabi.

Napatingin naman ako sakanya. "Bakit? I mean buti?"

"Dad's order. Malay ko ba, gagraduate nalang, last sem na 'to. Hirap kaya nun. Buti nalang halos parehas lang units ng samin sainyo" reklamo niya. Sa pagkakaalam ko he's taking up Architecture ata? Or Engineering. Ewan ko, basta isa sa mga dun.

"Keri yan! Fighting!" Nag fighting sign pako. "Tulog na nga." Tsaka nako tumagilid and close my eyes.

"Hooooy" yugyog niya sakin. "Wag muna! Di pako inaantok eh" Bahal siya diyan. Ayoko matulog ng late no. Di ko keri yang pagpupuyat. Di ko ma rin keri ng magbuhat ng bag sa ilalim ng mata ko. Bahala siyang yumugyog diyan.

"Bahala ka.. Malay mo mamaya may katabi ka napala. And worst is di pala sa kama. Bonus sa package yung nakalutang siya sa tabi mo" Kahit nakatalikod ako alam ko naka ngisi to. Pero dahil tanga at utouto ako, naniwala ako. Takot ko nalang.

"Igu-good night kiss ka lang. Tsk." Sabi niya tsaka kiniss yung cheeks ko. I felt my cheeks burned. Tumalikod na siya tsaka hinila yung kumot.

Elf Series: For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon