Chapter 8
--------
Jasey's POV
Kahit ipikit ko pa ng isang oras yung mata ko di ako makatulog. Binilang ko na yung 100 na tupa wala parin. Sinilip ko yung katabi ko, nakaawang na yung bibig sa sobrang pagod siguro. Hay! Buti pa siya. Teka nga, siya may kasalanan kung bakit di ako makatulog eh. -.-
Flashback....
"Sana di na bilhin to no? Badtrip naman kasi, ang ganda kaya dito" sabi ni Kyle habang nag-stretch ng katawan. Nasa may Lake Shizzles kami, ako nagpangalan niyan. Sa kaibigan naming bakla tong lugar nato. Actually sa parents niya pero pinagbibili na. Dito kaya kami lumaki, daming memories dito. Wala silang karapatan. -.-
Pinitik niyako sa noo. "Wag mo nga akong isipin. Nasa tabi mo na nga ako eh." pagmamayabang ni Kyle. Tss, yabang neto. Sarap ingudngod.
Sinapok ko naman siya tsaka siya humagalpak sa tawa. "Tara swimming? Dali na, wag kang kj! Madali lang naman."
"Luuuh! Sinisipon nga ko diba? Di pwede! Papatayin ako ni kuya pag umuwi akong condo niyang sisinghotsinghot."
"K. Ang kj talaga! Dun nalang tayo. Magkwento ka nalang." Sabi niya, tsaka nagpadyakpadyak papunta dun sa nagiisang puno.
"Masyado kang higante para gumanyan. Isip bata much. Mahiya ka nga!" Asar ko sakanya.
"Sus wala akong hiya. Di uso humble sakin." Sagot niya. Yan ang gusto ko dito, straight forward pero siraulo.
"Wag moko iiwan aftercollege ah? 2nd yr na tayo! Baka after 2 years dinadaan daanan nalang kita." Sabi ko saka umusog ng konti sakanya.
"Di yan! Kapag iniwan kita, tapos kapag naisipan mong makipagbati sakin nun, punch my jaw, kick my ass and pinch both of my hips, kay?" Taas baba pa ng kilay.
"Tapang mo! Gagawin ko yun." Mayabang na sabi ko.
"Tara na nga! 6pm na oh. Papatayin ako ng kuya mo pag di kita binalik dun." Sabi niya sabay higit sakin saka lumakad papunta sa kotse niya. Aray ha, hilig mang-higit neto. Sa laki ba naman niya kala niya di masaket. -.-
End of flashback...
I smiled bitterly. Siguro kung di niya ako iniwan, ganito parin kaya kami?
"Di kapa ba inaantok?" Napatalon naman ako sa gulat tsaka tumingin sa katabi ko na super wide awake. Kala ko ba tulog na 'to.
"Wtf! Wag ka ngang manggulat sa susunod. 3am na no! Marami ng umaaligid na maligno dito." Asar na sabi ko.
Pinitik naman niya ako. "Don't cuss!"
"Eh sa nanggulat ka eh! Anong oras na di kapa matulog. Inaantok na kaya ako bigla ka lang umepal." Sigaw ko sakanya
"Dinaig mo pa yung manok ng 6am. Good night na" Sabi nya tsaka humalik sa pisngi ko.
My gosh! My cheeks! Makopa na. Ano ba kasing nangyari sa mundo. Dapat I'm mad at him, di nakikiride sa kalandian neto saken. Geez. Good night, I'm sleepy.
Kinabukasan...
"Jaseeeeeeeeeyyyyyyyyy! Gising naaaaaa!" Napamulat ako at niyakap ng mahigpit yug unan ko. Keaga aga may nambubulabog sa pintuan ko. Nilingon ko naman yung kabilang side ko, wala na si Kyle. Ibig sabihin tinupad niya yung promise niya na aalis siya before dawn.
BINABASA MO ANG
Elf Series: For You I Will
JugendliteraturLove is not a simple feeling a man can hold. Para sa isang bitter sa love na si Jasey, akala niya madali lang makalimot ng isang taong naging parte na ng buhay mo. Si Kyle Fontessa, the guy that stole Jasey's innocence in the world of single ladies...