Chapter 6

34 0 0
                                    

Chapter 6

------------------------------

"Tara, sa bahay niyo nalang Jasey tayo pumunta." Yaya ni Mich saming tatlo.

"Kay kuya kasi ako matutulog ngayon eh since busy siya masyado sa pagwiwin back kay ate Erika eh halos kila Dave na siya matulog."

"Ahhh ganun ba? Eh bobo kasi kuya mo eh. May pahughug pa sa ex niya. Tsk! Ngayon siya naghahabol." Sabi ni Carla. Oo, nakita naman yun nung hinug niya si Nicole, yung malditang ex ng kuya ko. Sakto papunta kami sa Engineering building kasi bibili kami ng graphing paper para sa project namin sa Math. Eh sakto sa harap sila nung business center nakaupo. Isa rin yun sa may kasalanan kung bakit nag bond paper nalang kami at na minus pa kami sa grade namin.

"Edi sa condo tayo ng kuya mo para walang problema." Sabi ni Carla saka na naglakad

"Okay," sang ayon ko. Wala narin akong magagawa. They are all welcome there.

"Mag-order nalang tayo ng kakainin natin then we can start reviewing." Suhestiyon ko.

"Tropical chicken nalang sa Toll House, sagot ko." Nea said and smiled.

"Wuy! Wag ng tumanggi sa grasya! Minsan lang yan." Biro ni Mich. "Tara na sa condo ni Ravin."

"Weh? Close kayo?" Biro ni Carla. "Maka Ravin di na ginalang."

"Parang kanina gusto mo na murahin yun ah! Tas ngayon pinagttanggol mo? Labo mo rin." Biro ko saka na sumakay sa kotse ni Nea. Ohh yup, she's driving.... Without license. Wapakels yan kung mahuli man. Pero thank you Lord, di pa naman.

Carla's POV

Simula nung nabanggit yung Kyle Fontessa na---- okay sarado muna ang bibig ko, wala ng gana kumausap si Jasey babe ko. Alam ko kasi buong storya niya eh. Di nga lang mapagopen sa mga seryosong bagay. Pero halos maglupasay ako para malaman yung totoong dahilan. She's really sensitive when it comes to her own problems. She doesn't want anyone to worry about her. Ayaw na ayaw niya yun. She easily gets irritated daw, kasi parang binebaby na daw siya. Pero may benefit yung pagigising desperate ko para malaman yung totoo, kasi sa condo siya ng kuya niya nakatira eh crush na crush ko pa naman yung kaibigan niyang si Paolo, halos dun yun pag weekend eh. Ah basta!

"Daan muna tayong Toll House tapos sa condo na." Sabi ni Nea saka na nagdrive papunta don.

As we reached Toll House, pumasok na kami tsaka kumuha ng upuan. Napagkasunduan na rin na dun na kumain para di na magkalat pa sa condo.

"Uy, Jasey!" Rinig kong sigaw nung nasa kabilang table namin.

"Hi, ate!" Nagbeso sila. "What brought you here?" Ngiting tanong ni Erika. Sakanila kasi tong restaurant na 'to kaya siya rin minsan nagmamanage.

"We decided na kumain ng tropical chicken and lasagna eh. Pupunta kasi kami sa condo ni kuya kaso gutom nakami. Kamusta na pala kayo?" Tanong niya. Tignan mo tong bruha na 'to. What a question? Awkward tuloy.

"Ah hehehe, t-teka lang. Mamaya na yang pagi-interrogate mo, yung order niyo muna para di na pumila pa dun yung kaibigan mo." She's stammering. Meaning di pa sila nagbati. Aww. Sa totoo lang, ex din ng ex ko yung Nicole na yun. And speaking of my ex...

"Hi, Jasey, Nea, Mich and.... Carla!" Bati niya samin. Tinanguan ko lang siya. Bati na kami neto eh. Siguro trip lang namin pareho maging mag bf and gf.

Siniko ako ni Jasey. "Behave..." Bulong niya. Inirapan ko siya tsaka umupo sa place na napili namin.

"Pinsaaaaaaaannnn!!" Rinig ko. Kilala ko boses na yun ah.

Elf Series: For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon