III

5 1 0
                                    

"Of course! I'll be meeting new people. Baka nga dun ko makilala ang forever ko. Makakasama ko si Cara Michelle Rodriguez. Anak siya ng may-ari ng La Vintage Resto."

"She seems familiar." Nanliit ang mga mata ko sa kanya.

"Of course she is! Sikat kaya yan. Habulin." Proud niyang sinabi.

"Pati ikaw naghahabol?" Nagtaas ako ng kilay. Kasi naman eh!

"What I am really after is the benefit of our partnership in business. But I gotta admit. Napaka-attractive niya." He shrugged.

Ouch.

"Okay. Well, I hope you'll enjoy your trip. Nakapagfile ka na ba ng leave of absence?"

"Yup. Actually last month pa."

Aba. Pinaghandaan talaga ah?

"I see. As expected from a responsible man." I smiled. Kahit kumikirot na ang dibdib ko.

Nanliit ang mga mata niya. "You okay? You look saturnine. May problema ba?"

Napansin pala niya? Ganun ba ako kahalata?

"Ayos lang ako. Uuwi na ako." I chuckled then smiled.

"Hatid na kita?" Pag-aalala niya.

"No. Wag na. Ayos lang ako." Ngumiti ako para di niya ako mahalata.

"Wag kang stubborn. Halika na." Hinila niya ako papunta sa Mercedes Benz niya.

"Fine." I sighed.

Hindi kami nag-usap habang bumibyahe. Wala akong maisip na topic kaya hinayaan ko na lang.

"You sure you okay?" Biglang basag niya sa katahimikan.

"Dad left for America this morning." I smiled.

"Oh... Bakit?" I see the worrying in his eyes. Ang cute niya!

"Needed siya ng USA branch ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya."

"What company?"

"Arc Nielsen Industries."

Umigting ang panga niya nang narining niya ang pangalan.

"A-anong position niya doon?" Bigla siyang naging seryoso.

"Manager."

"I see."

Naghari ulit ang katahimikan hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Naka-padlock ang bahay pagdating namin. Baka umalis si Mama tapos nasa school pa si Kylie. Buti na lang may dala akong susi.

"Pasok ka! Anong gusto mo? Coffee or juice?" Jolly kong sambit.

"Coffee please." Ningitian niya ako. Nakaramdam ako ng something sa sistema ko. Paano ba. Ang charming niya, lalo na pag ngumingiti siya.

"Okay. Wait ka lang. Magbibihis lang ako. Pinagpapawisan na ako eh." I smiled bago ako umakyat sa kwarto ko.

Bumaba ako na naka-loose shirt na kulay pink at naka-shorts na acid wash. Nilugay ko ang buhok ko at sinuklayan.

"Ikaw nag-paint ng mga 'to?" He asked with amusement.

"Oo. Mahilig kasi akong magpinta." I smiled.

Nilingon niya ako at tinignan niya ako, head-to-foot.

"Kuha lang ako ng coffee ah."

"Okay."

Di pa ako nakakapagtapos sa pagtitimpla ay sinundan na ako ni Arkin sa kusina. Nabigla na lang ako nang niyakap niya ako sa likod.

We stood like that for how many seconds.

"Arkin..." Bulong ko. Kakaibang init ang nararamdaman ko habang nakayakap siya sa'kin. Hinarap ko siya at tinitigan. His... His brown eyes... Bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa dibdib habang nagtititigan kami. Mas nagulat ako nang... Hinalikan niya ako sa noo.

His forehead kiss was very passionate. Napapikit ako habang dinadama ko ang labi niyang nakasampa sa noo ko. Dahan-dahan niyang binaba ang labi niya hanggang sa kaharap na nito ang labi ko.

I opened my eyes and met his. Please, Arkin! Own my lips! Make me feel your authority!

Slowly, his hands caressed my arm. Then... His lips met mine. That was my first kiss.

Biglang may kumatok sa pinto. Dali-dali siyang kumalas sa pagkakayakap at marahan akong tumakbo sa pinto para buksan.

"Hi ate!" Si Kylie. Nakauwi na galing sa school.

"Hi! Kumusta ang pasok mo?" Sabay yakap sa kanya.

"Okay lang. Malalaki ang mga kuha ko sa periodical exams namin." Proud niyang sinabi sa'kin. I'm so happy for her.

"Congratulations!"

"Thanks ate!"

Biglang kumalas si Kylie sa yakap.

"Ate? Sino siya?" Pagulat niyang tanong.

Lumingon ako. Oh my god! Nakalimutan kong nasa likod ko pala si Arkin!

"Hi. I'm Arkin. Kenna's bestfriend." Pormal na pagpapakilala ni Arkin sa nakanguso kong kapatid.

Nanliit ang mga mata ni Kylie.

"Bestfriend? O boyfriend?" Kylie naman. Alam mo namang bawal pa ako diyan!

"Bestfriends lang Kylie. Alam mo namang bawal pa tayo diyan. Wag mo na kami lagyan ng malisya." Seryoso kong sinabi.

"Fine, ate. Akyat lang ako sa taas. Magbibihis lang. Anong meryenda natin?"

"Gagawa ako ng sandwiches."

Panay ang tutok ni Kylie habang papaakyat na siya sa taas. Nilingon ko si Arkin na parang nakaramdam ng awkwardness.

"I'm sorry Arkin." Sincere apology ko. Nakakahiya kaya!

"Ayos lang." Ngumiti siya.

UnconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon