IV

2 1 0
                                    

Panay ang titig ni Kylie kay Arkin habang pinapapak niya ang sandwich. Para siyang leon na naghihintay lamang ng tamang tiyempo para sakmalin ang kanyang huhulihin.

"Taga-saan ka?" Ala-imbestigador na usisa ni Kylie.

"Mourville Suites." Pasimpleng sagot ni Arkin.

Nanlaki ang mga mata ni Kylie. Natameme siya sa sagot ni Arkin.

"A-ano nga ulit ang name mo?"

"Arkin John Mellarck."

"Sa Mourville ka nakatira? Eh di mayaman ka pala?" Nakangangang sinabi ni Kylie.

Arkin just chuckled. Kylie talaga.

"Kylie, umayos ka."

"Ayos lang, Kenna. Naiintindihan ko si Kylie." Ngumiti siya.

Umuwi din si Arkin pagsapit ng dilim. Hindi parin ako makapaniwapa sa mga nangyari ngayon. Buti na lang talaga at hindi kami nahuli ni Kylie na naghahalikan.

"Ate, hindi ko sasabihin kay mama na may bisita kang lalaki. Sa isang kundisyon." Pagbabanta ni Kylie.

"Ano naman yun?" Kesa naman malagot ako kay mama.

"Tuturuan mo ako ng Basic Algebra for 2 weeks."

Yun lang ba? Very easy. Hah!

"Okay. Kung yan ang gusto mo." I agreed with a smile.

"Seryoso ate? Diba malapit na ang palakasan sa university?" Her face was full of delight.

"Wala rin naman akong sasalihang event. So ayos lang."

"Good ate! Thank you! Your secret is safe." Sabay yakap niya sa'kin.

"Okay na. Walang problema." I giggled. Ang sweet din naman kasi ni Kylie.

So I spent the rest of the night in my room. Since weekend naman bukas, yayayain ko na lang si Karla at Robbie na gumala. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagbobonding. I need their help too. I feel bothered about what Arkin did.

Damang-dama ko parin ang init na iniwan ni Arkin sa labi ko kaya napapikit ulit ako. Tumindig ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. I'm so confused... And afraid. May gusto bang ipahiwatig sa'kin si Arkin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon