Kabanata 6

9.4K 314 6
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 6

Nakita ni Abel na paparating na si Elena. Lulugo lugo ang itsura nito.

"O! Ano?? Nakita mo ba?"  ang tanong agad ni Abel.

Tumakbo si Elena papalapit sa kanya. Hingal at pawisan pa itong naupo na lamang sa may malaking batong nakabaon sa gilid kasama ng mga halaman.

"May nakita ako Abel....baboy....wakwak ang tyan!"  ang kwento nito.

"Kita mo na! Kagagala mo! Baboy naman ngayon ang nakita mo!"  ang nang aasar pang salita ni Abel.

Mataray namang sumagot ang Elena.

"Totoo nga! Gusto mo puntahan natin eh!"

Nag aangilan pa ang dalawa ng..

"Alin ang pupuntahan nyo?"  ang biglang sulpot ni Andrea.

Nagulat si Elena. Napakamot ito sa kanyang ulo sabay tumingin kay Abel.

"Eto po si Elena,nakakita daw ng baboy sa gubat na wakwak ang tiyan."  ang sumbong ni Abel.

Pinandilatan sya ng mata ni Elena.

"Ha? Anung ginagawa mo mag isa dun Lena?"  ang simangot na tanong ni Andrea.

"Binalikan ko lang po yung aso.."  ang magalang naman na sagot nito.

"Aso? Wag kayong basta lumalapit sa mga hayop na bihira nyo lang makita sa mga liblib na lugar..masukal ang kakahuyan na yan,baka di talaga aso yun...at ngayon kamo ay nakakita ka ng baboy na wakwak ang tyan.."  ang nag aalalang salita ni Andrea.

"Opo Ate Andrea...gusto nyo pong makita?"  ang tanong ni Elena.

**********

Pinuntahan nila ang sinasabi ni Elenang baboy na wakwak ang tiyan sa gubat.

"Elena...alam kong madalas kayo ni Abel dito,pero wag na muna kayo magpupunta dito sa ngayon."  ang matalinghagang banggit ni Andrea.

"Ayun po Ate!"  ang turo ni Elena.

Naroon pa rin ang patay ng baboy,ngunit di ang mga natitirang lamang loob nito na kanina lang ay binubusisi pa ni Elena.

"Oo nga! Wakwak ang tiyan....saka wala ng laman."  ang sabi ni Abel habang binubungkal pa ng kapirasong patpat ang nakabukang tiyan nito.

Hindi na kinailangan pang lumapit ni Andrea upang makita kung ano o sino ang may gawa nito.

"Tara na...di na kayo pupunta pang muli dito...di tao o hayop ang may gawa nyan...kung'di isang halimaw..."

"May aswang dito sa ating baryo..."

Ang nakakatakot na sinabi ni Andrea.

Dali silang naglakad pabalik sa labasan.

"Kailangang masabihan ang mga tao rito...kailangan nyo ring mag ingat dalawa...di natin alam kung saan sila nagmumula.."

"Tulad na lang ng may gawa nyan...tanghaling tapat ay nakuha nyang pumaslang...anu pa kaya pag kumagat na ang dilim.."

Ang muling sabi ni Andrea.

Nagkatinginan ang dalawang bata.

"Nakakatakot naman yan Ate Andrea.."  ang sagot ni Abel.

"Sige na...umuwi na kayo..iwan nyo ako saglit rito.." 

Agad namang sumunod ang dalawa. Tumakbo na silang papauwi at iniwan si Andrea.

Muling lumingon si Andrea sa masukal na looban ng kakahuyan.

Nakatanaw na tila may hinihintay na lumabas sa mga naglalakihang matatandang puno.

"Alam kong narito ka lang! Nararamdaman kita!"

"Ang lakas ng loob nyong lusubin ang tahimik na baryo namin.."

"Alam ko ang dahilan kung bakit kayo naritong lahat."

"Dahil maliit na ang mundo nyo dun..."

Ang salita nya sa hangin.

Ngunit sa kabila ng matapang na mga kataga nya ay may konting takot na naramdaman.

Dahil naisip nya ring di kaya ng kanyang kakayahan,ang kumitil ng isang aswang.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon