Kabanata 15

9.3K 325 13
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 15

Agaw pansin ang itsura ng dalawang dumating. Animo'y mga sundalong sumugod sa giyera na walang ibang dala kung'di ang lakas ng loob lamang.

Agad silang inangilan ni Concha.

"At sino ka namang mapangahas na basta basta na lamang pumapasok sa aming munting paraiso?"

Hindi kumibo si Andrea.

"Ikaw ba ang may ari ng mapangahas ding bubwit na'to?"  ang muling tanong ni Concha,kasabay ang paghatak sa damit ng naka luhod pa ring si Elena.

Napangiti nya si Andrea sa kanyang tinuran. At..

"Hindi nyo alam kung anung maaring gawin sa inyong lahat ng bubwit na yan!"  mariing pagsasalita nito.

Marahang lumapit si Andrea kung saan nakaluhod pa rin si Elena.

Nagkamalapitan ang dalawa. Nagkatitigan na tila magsasabunutan.

Hawak hawak pa rin ni Concha ang manggas ng uniporme ni Elena. Ng biglang..

"Wag mong hawakan ang bubwit na yan! (sabay tapik nito sa kamay ni Concha) Baka di ka na masilayan ng araw bukas kapag ipinagpatuloy mo pa iyan!"  ang matatas na sambit ni Andrea.

"Hmm!"  may pagkainsultong hinga ni Concha.

Itinayo na ni Andrea si Elena at tinalikuran na nila si Concha.

Nagtitinginan ang mga taong di tao na nakapaligid sa kanila. Tila naghihintay lamang ng senyas mula kay Concha kung lulundagin na ang kanilang mga meryenda.

Ngunit umiling lamang si Concha.

Tuloy lamang sa paglakad sina Andrea. Ginagantihan rin ng tingin ang mga matatalim na matang nakamasid sa paglisan nila. Akap akap ni Andrea ang takot pa ring si Elena na panay ang linga dahil may gustong makita.

Ito ay ang kaibigang bulag na si Sonia.

Ngunit wala na ito sa paligid.

Unti unti ng nakakalayo ang tatlo.

"Magkikita pa tayo bubwit...at sa susunod...ay lalagyan na kita ng pain..he he he.."  ang ngising aso ni Concha.

**********

Nakahinga na ng malalim si Andrea ng lingunin na nakalabas na sila sa loobang kalsada na patungo sa bundok. Naka akap pa rin ang takot na si Elena.

Konting liko na lang at pamilihan na. Di nila inaasahang sa kanilang paglalakad ay makakasalubong na naman nila ang isa sa mga aurang madalas nyang maramdaman sa kakahuyan.

Si Carlito.

Malayo pa lamang ay bakas na ang pagtataka sa mukha nya,hanggang sa makalapit na sya sa tatlo.

"Sa---saan kayo galing?!"  may pag aalala sa tono ng boses nito.

Ngunit tila walang nakita at narinig ang mga ito at sandaling huminto,tumingin at agad din syang nilampasan.

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon