(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 8
Pagdating nila sa bahay ay di pa muna nagpalit ng kanilang damit pangsimba at agad na inilabas ni Elena at Abel ang kanilang mga pangdekorasyong binili. Sari saring mga palawit na may kasama pang mga kulay pulang christmas light. Ikot don ikot dito ang ginawa ng dalawa sa mga christmas light,ipinalupot nila ito sa maliit na christmas tree na ginawa lamang nila Abel mula sa mga natuyong sanga.
Tuwang tuwa ang dalawang bata sa kanilang ginagawa. Gayundin naman si Andrea,ito rin kasi ang unang paskong may makakasama sya mula ng mawala ang kanyang lola. Hindi rin sya nangangamba kahit paano sa kanilang mga gastusin. Marami rami pa rin naman ang naipon nya na mula pa sa dating mga tinulungan nya. Maging ang cellphone na ibinigay sa kanya ni Yuki ay nakatago pa rin. Paminsan minsan kasi ay nangangamusta pa rin ang mga taga Maynila. At ang sabi pa nila ay may balak daw silang magpasko sa piling nila Andrea.
Nagpunta muna si Andrea sa kanilang gatungan sa likod bahay at sandaling iniwan ang dalawang tuwang tuwa pa rin sa pagsasabit ng kanilang mga dekorasyon. Mag aayos na muna sya ng kanilang pagkain. Ipagluluto nya kasi ang dalawang bata ng sinigang na baboy na kanilang naging paborito.
Malamig ang simoy ng hangin ng mga oras na yun. Makikitang masayang sumasayaw ang mga damo. Saglit syang napatingin sa mga ito at napangiti ng bahagya.
Naalala nya kasi ang kanyang lola. Ilang taon na rin ng nawala sya ngunit kahit kailan naman nya naising makausap ito ay nagagawa nya. Maging ang mga magulang nya ay ganundin. Minsan ay nalulungkot rin sya dahil sa tumatanda na sya at di pa nakakakita ng pag ibig.
Pag ibig.
Biglang pumasok sa isip nya ang lalaking nakita nya kanina sa bayan. Hindi nya alam kung bakit parang naging interesado sya dito,ngunit alam nya rin naman na may kakaiba sa taong ito. Naalala nyang dapuan ng tingin ang di kalayuang kakahuyan na kanilang pinuntahan kahapon. At alam nya na ang aura na yon ang kanya ring nalasahan kahapon. Medyo may hindi kabutihan ang taong yon,ang sigaw ng isip nya.
Dumampot na muna sya ng kapirasong kahoy at nag umpisa ng magparingas.
**********
Ang Estranghero
Napakatapang ng mga tingin ng babaeng yon. Bukod sa may kagandahan sya ay mukhang di sya madaling kausap. Naalala ko pa ang araw na tila nakikita at nararamdaman nya ako kahit na ilang milya ang layo ko sa kanya.
Ano kayang klase ang katauhan nya. Interesado akong malaman yon. Di ko rin alam kung bakit kahit ng una ko syang makitang nakatayo at nakamasid sa aking mga kaanak ay parang matagal ko na syang kilala. Napaka gaan ng loob ko sa kanya.
Paano ko kaya sya malalapitan at makikilala?
Ang tanong ko sa aking sarili.
(June_Thirteen)
BINABASA MO ANG
LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)
TerrorHindi sila nag- iisa sa kanilang laban ngayon. Samahan nating muli sina Andrea at ang kanyang mga kasama na magtutulong-tulong sa pagbalik ng katahimikan sa kanilang munting.. Baryo Tiktikan. Aswang sa kapwa aswang at pagsasakripisyo ng isang nilala...