(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 12
Si Sonia.
Masinsinang nag uusap ang ama at ang dalagitang Ate ni Sonia. Mula sa labas ng bahay ay rinig nya ang pagsusumbong ng kanyang Ate Diana.
Nakatingin lamang si Sonia sa mga batang kapitbahay nila.
"Ikaw..ikaw..ikaw.." ang turo ni Sonia sa mga ilang batang naroon.
Hinawakan nya ang kanyang kaliwang bulag na mata.
"Mainit....tumitibok na naman sya.." ang bulong nito.
"Sino kaya sa inyo ang mauunang biktima?" ang muling pagbulong nya.
Biglang napangiti si Sonia na tila may naalala. At..
"Kamusta na kaya sya?" ang ngiti nya.
Sumilip sya sa mula sa labas ng kanilang bintanang maliit. Nakita nyang masinsinan pa rin ang pag uusap ng mag ama. Marahan syang umatras papalayo sa bintana. At biglang kumaripas ng takbo. Pupuntahan nya si Elena sa paaralan,at yun ang dahilan kung bakit napangiti syang bigla.
Binilisan nya pang lalo ang pagtakbo ng makalampas na ito sa kanilang bahay.
*********
Pagdating nya sa eskwelahan ay eksaktong recess ng mga estudyante at nasa labas ang karamihan ng mga bata at kumakain.
"Asan kaya sya?" ang sabi ng palinga lingang si Sonia habang iniipit pa ang kanyang mukha sa maliliit na pagitan ng bakal na bakod.
Di naman ganun kalakihan ang paaralan at halos anim lamang ang silid dito na nakahilera kung kaya at madaling makikita ang lahat ng bata. At sa masigasig na paghahanap ng kanyang masipag na isang mata ay nakita nya si Elena sa duyan. Gumuhit ang malaking ngiti sa maliliit nyang bibig at..
"Elenaaa!!" ang sigaw nito.
Animo isang antena na malakas ang sagap ni Elena na narinig agad ang sigaw ni Sonia.
Napalaki pa ang mga mata ni Elena ng makita ang nakaipit na mukha ni Sonia sa pagitan ng bakal na bakod ng eskwelahan. Agad itong kumalas sa duyan at nagtatakbo patungo sa bakod.
"Anung ginagawa mo dyan? Haha!" ang masayang tanong ni Elena.
"Pinuntahan lang kita! Laro tayo?" ang salitang pagyaya ni Sonia.
"May pasok pa kami eh...saka di ako makakalabas." ang tugon naman ni Elena.
"Hintayin na lang kita para mamaya pag uwi mo...sama ka sa bahay namin.." ang sagot naman ng Sonia.
"Sige sige!! Hanapin kita mamaya ha? Wag kang aalis!" ang masayang sagot nito sabay muli ng bumalik sa kanyang silid aralan.
Inialis na ni Sonia ang pagkaka ipit ng mukha sa bakal na bakod. Tumingin sya sa paligid upang makahanap ng puwestong mapaghihintayan. Mainit ang araw at ayaw nyang lumantad dahil may mga taong nakatingin sa kanya na animo isang kriminal sya. Ngunit alam nya kung bakit ganoon ang kanilang mga tingin. Yun ay dahil sa kanyang kakatwang bulag na mata. Kulay pula kasi ang mata nyang yun.
"Tingnan mo yung bata...ang pula ng isang mata.." ang tsismis ng isang ale sa kanyang katabi.
"Eh isa yata yan sa mga bagong dating dito..taga ron din yan sa mga aswang.." ang tsismis naman din ng isa.
Alam at naririnig ni Sonia ang lahat ng pangungutya sa kanya ngunit di nya ito pansin. Nagkawaling tenga lamang ito at ng makakita ng masisilungan ay agad na kumubli. Naupo sya sa tabi ng postemg kahoy. Ngunit kahit na nakakubli na ay sadyang kita pa rin ng mga mapang usig na mata. May isang bata pa ngang lumapit sa kanya.
"Taga saan ka bata?" ang tanong nito.
Iniangat ni Sonia ang kanyang mukha sa pagkakayuko. Sinipat nya ang batang nakatayo sa harap nya.
May naramdaman sya. Hinawakan nya ang kaliwang bulag na mata. At..
"Umiinit...tumitibok..." ang bulong ni Sonia.
Paghawi nya sa kanyang buhok na nakatakip sa kanyang kaliwang bulag na mata ay nakitang muli ang kanyang bisita. Ito ay nakatayo sa likuran ng batang nagtatanong sa kanya.
Ang itim na aninong nakatalukbong. Walang iba kundi ang imahe ni kamatayan.
Ang kanyang bulag na mata pala ay kakaiba. Dito pala ay nakikita nya ang bisita.
"Nariyan na ang iyong sundo.." ang turo nya sa likuran ng bata.
"Huh? Sundo? Taga rito ako!" ang maangas na pagkakasambit ng bata.
Sundo pala ang tawag ni Sonia sa kanyang bisitang madalas ay ang kaliwang bulag na mata lamang ang nakakakita.
"Ang sundo mo...si kamatayan." ang muling banggit ni Sonia.
Tila nairita ang bata at sumigaw itong bigla.
"Mamaaa!!!" ang tawag sa kanyang ina.
Nagtatakbo ang batang natakot sa sinabi ni Sonia. At maya maya lang ay lumalakad na itong pabalik at kasama ang inang ubod ng taba at mukhang butangera.
Malayo pa lang ay bumubuga na ang kanyang maingay na bunganga.
"Asan yang bata na yan!" ang hanap ng aleng mataba.
"Ayun sya!!" ang turo ng bata.
Nakita na sila ni Sonia malayo pa lang. At alam nyang may di magandang mangyayari sa kanya,ngunit di man lang sya naalarma.
(June_Thirteen)
BINABASA MO ANG
LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)
HorreurHindi sila nag- iisa sa kanilang laban ngayon. Samahan nating muli sina Andrea at ang kanyang mga kasama na magtutulong-tulong sa pagbalik ng katahimikan sa kanilang munting.. Baryo Tiktikan. Aswang sa kapwa aswang at pagsasakripisyo ng isang nilala...