CHAPTER TWO:

97 2 0
                                    

Andito ako ngayon sa mall since pinalabas kami kaya dito muna ako tatambay. 'Ma text nga yung tropa' sabay kuha ng baby ko which is my Iphone. After 30minutes ng pag hihintay. Anjan na sila. Walang labis, walang kulang. Wahahaha. "Tara sa bar guys?" Pag yaya ni Vince. Isa sa friends ko. Lima lang kameng magkakaibigan at 'S4p4Th N4 p0e yUn' Nandito din si Sissy na tumakas sa campus dahil sa pagka bagot. Eh sa wala ako dun eh. Isa pa isang subject nalang din at uwian an.

*BAR

Pagpasok na pagpasok namin. Mejo madami ang tao, agad agad. Sabagay 6:30 na ng gabi ng makarating kami dito. But its okay mas enjoy to. Then we start partying so hard like a wild animals. We get drunk, We dance like there's no tommorrow. 'TUGS, TUGS, TUGS, TUGS!' As the dancefloor are getting much wild. "Pre ang Hot nya. At ang Ganda pa" pinag uusapan ako ng nagkukumpulang lalaki sa tabi. "Sus, maliit na bagay"

"hoy Ivan! Chosera ka talaga. Ano to sariling puri.?" Singit ni sissy. Narinig pala ako ng bruha. "Totoo naman sissy diba?" Tapos sabay na kameng tumawa. Then we continue dancing. As we feel the every beats of the song. My bumangang monggoloid. "ARAY KO!" I shouted. "ARAY MO?" sarcastic nya pang sagot. Habang nakatalikod pa ko eh sinimulan ko nang mag bunganga baka makawala eh. "Oo. ARAY KO, AT HINDI ARAY MO! Napaka Gaga mo naman para di ako makita. Bulag ka ba ? o Bulag ka lang talaga ?! Ano gusto mo pa check up na kta sa mata?" Sabay ng pag harap ko ang pagka gulat. "IKAAW?!" sabay naming sigaw. Wag nyo na tanungin kung sino dahil kilala nyo na sya for sure. "Sinusundan mo ba ako?!" Bakas pa sa mukha ko ang pagka gulat. "Yucks! Sino kaba para sundan? Eh di ka naman mabango at di rin naman ako aso ! " aba bakla ata to eh. "No your wrong baby. Wala ba kayong mirror sa house nyo? Mukha ka talaga kaseng aso" sabi ko sakanya. Di ako papayag na api apihin nya ako dito! " OOOOHHH! " sigaw ng mga tao sa paligid. Hala beastmode na ata 'tong lalaking to. But the hell I care. So i just give him a smirk. Buti nga sakanya. "Aray!" Sigaw ko ng bigla nyan hugutin kamay ko palabas ng bar. "Alam mo punong puno na ako sayo!" Bulyaw ng gago saakin. Nang magsasalita na rin ako at nakangnga na para rumatatatat, Eh biglang umepal yung cellphone ko. "Hello?!" Diba ambait ko. "Alam mo talagang babae ka, di ka pa rin tumitino at natututo!"panenermon ni mommy. "Bakit nanaman ba?"ako. "Don't you dare to talk to me like that Ivanna! I'm still your mother! " galit nyang sigaw. But its fine for me, lalaho din galit nyan. "Okay, just tell me what happen?"tanong ko. "Wag kang aarte Ivanna na parang wala kang alam! Tumawag sakin yung school mo Ivanna at sinabing pinalabas ka nanaman ng prof. Mo at lumabas ng Campus ng hindi pa Oras ng Uwian!"sya. Grabe halos pumutok na eardrums ko sa sigaw ni mommy.sakit lang sa tenga. Pero kailangan ko pading magpaka chill. "talaga mom? Yung school ko, nag salita at nagsumbong sayo? Wow. Just wow! Napaka Creepy naman."I answer sarcastically "Ivanna ! Starting now, wala ka nang makukuhang allowance o kahit anong sustento para sa tuition fee's mo ! And don't dare to ask help to your daddy, dahil nag usap na kame about dito at napapayag ko sya!" Halatang galit na si mom. "Your just kidding right?"ako. Kinakabahan na ako. Kahit ilang beses nya na yang sinabi saakin eh kinakabahan pa din ako. "No Ivanna. Hindi ako nagbibiro. You will live in your condo starting this night, without us and our support. At pasalamat ka at naawa pa daddy mo sayo at hinanapan ka kaagad ng trabaho. Malapit lang yun sa school mo kaya no worries. You need to be Independent Hija. Dahil hindi sa lahat ng oras andyan kami ng dad mo. At pag nagawa mo yun without us, I and your dad will be so much PROUD OF YOU. And by the way nasa condo na lahat ng gamit mo at naka arranged na. Sige bye Hija, I'm sorry for doing this but soon you'll thank us for doing the right desisyon. I LOVE YOU NAK." And the call ended. Galit na Galit ako kina mommy dahil nagawa nila akong itakwil! Pero ano ba naman magagawa ko eh disisyon na nila yan. Pero ang hirap tanggapin ganon na ba ko kasama? At dahil sa galit ako napapulot nalang ako ng malaking bato at pinaghahampas ang ferrari car na nasa tabi ko lang. "Nyetang buhay to ! Ganon ba ko kasama ?! Schucks, i really hate them ! I really really do!  " Nagdilim na ang paningin ko at tinodo ng hampas yung ferrari ! "You bitch! Ano satingin mo ginagawa mo sa ferrari ko?!" Sigaw ni Enrique na halos maka patay na sa galit ! Nahimasmasan naman ako at nagulat sa mga nagawa ko. Dahan dahan akong tumitig sa kanyang mga mata na punong puno ng galit. Nakakatakot. Hinila nya naman ang kamay ko ng mahigpit. Naluluha na ako sa sakit ng pagkakapit nya. Para bang tuko. "Aray ! Sorry, I thought it was Mine!" Takot na takot kong sambit. Kahit di ko naman talaga dala kotse ko. "You thought it was yours?! Galit nyang tanong. "Well sorry to say miss but it was not yours ! Kanina lang sa klase eh basta kanalang nang babatok ngayon naman sinira mo yung kotse ko! Ano bang klaseng sakit meron ka?!" lagot  nagliliyab na sa galit. " I said I'm sorry! Babayaran ko nalang lahat ng damage" kahit di siguradong mababayaran sya. "I have my ATM with me" pag didistract ko. Ansakit kya nung pagkakahawak nya "Sasama ako para maka siguradong mababayaran mo ko." Bruhong to! Walang tiwala saakin "Sus sa gandang to, saka kapa mawawalan ng tiwala?" Pag bibiro ko. "Sa ganda mo my konting tiwala pa ko pero sa Ugali mo kahit 1% wala". Aray sakit naman nitong magsalita, nang paalis na kami sa bar eh biglang lumiyab yung harapan nung kotse, "LAGOT" tanging nasambit ko. Galit na Galit nanaman yung lalaki at mukhang mapapasubo talaga ako dito. "Papalitan ko, magkano ba?" Lakas loob kong tanong. "Kaya mo bang palitan yan?! Nasa milyones bili ko nyan!" na inis nanaman sya. "i will" I said with full of confidence. Nang nakarating na kami sa *tooooooooot* bank. "Doon ka muna sa dulo" pagtataboy ko sakanya. Umatras naman sya. Nang kasalukuyan ko nang tinayp ang amout na maari kong i widthdraw "sh*t !" Mura ko. "Pano to nangyari ?! Ang alam ko eh naghulog palang dito sina mommy!"bulong ko sa sarili ko. Di ko naman inaasahan na di pala nila tinuloy ang pag hulog ng pera sa account ko! At ang masklap 40,000 lang tinira saakin! kailangan ko din ng pera for my needs and for my everyday food, So di ko basta basta nalang isasakripisyo to para lang mabayaran sya. Maybe we can talk panaman. "Hey" hiya kong tawag sakanya. "Wow may pahiya hiya ka pang nalalaman. Kanina lang eh wala kang hiya para sirain kotse ko" sya na halatang galit pa din. I really hate this guy! He's getting on my nerves! Pero may kasalan din naman ako, kaya ivanna babaan mo pride mo for your own sake. "Shempre may hiya pa ako, dahil di naman ako katulad mo na makapal ang mukha."

He changed the topic at nag tanong about sa bayad ko. "Uhm uhm. Eeh." Utal utal kong sagot. "Ano? Wala ka bang pambayad?"lakas makahula neto ah ! . Pakapalan na to ng mukha kaya ayun. "Oo! Wala nga akong pambayad dahil 40,000 nalang pera ko at pinalayas pa ko ng nanay ko dahil masyado na daw akong na mumuro!" sigaw ko na namumula na sa galit. Naalala ko nanaman kse yung sabi ni mom "AHHHHH" yun lang  ang tanging reaksyon nya. Ansaya dibaaaa?! Sarap sapukin nitong mokong nato . "Ang bait mo talaga" sabay irap ko  "Oo. At dahil mabait ako, di mo na babayaran ang sinira mong kotse." Sya sabay ngiti. Napakasaya ko ng sinabi nya yun. Mabait naman pala sya eh. "Thaanks! I guess tapos na tong issue na to. So aalis na ko. Byeee"ako na nagmamadaling makauwi dahil antok na ko. "HEP!HEP!HEP, tandaan mo sinira mo kotse ko at di mo naman mabayaran dahil wala kang pera!"sya sabay smirk. Nalilito ako sa mga pinagsasasabi nitong baliw na to. "Since wala kang pambayad napag isip isip ko na gawin kang ka M.U. ko, magkakaroon tayo ng malanding ugnayan sa ayaw man o gusto mo. Wag na ng pretend gf kasi masakit sa ulo, kaya pang M.U lang trip natin walang rules rules or whatever kasi remember M.U lang"

"M.U.? Malanding Ugnayan? ang Lantod mo boy! Wag ako please lang napaka immature naman ng laro mo"  nakakainis ha, kung kailangan nya ng kalandain wag ako at the sametime Nabawi bigla yung antok ko sa mga sinasabi nyang kabaliwan. "SHUT UP KA NALANG DIN BOY, wala ka namang pambayad sa sinira mong kotse"  tsk ano to blockmail? kung patayin ko nalang kaya sya para wala na akong atraso dito. Hahaha joke.   "whtvr ang lantod mo maharot ka pa wala ng nakakagulat dun landi mo "I said  in a sarcastic way. "Oo na. Malandi na, atleast nakakainlove kalandian ko, gwapo pa. All in One eh" sabay tawa ng nakaloloko laki ng ulo neto. Sarap paputukan ng piccolo "Bahala ka na nga dyan! Kausapin mo nalang si prof. Panot ! Baka magkaintindihan pa kayo!" , sabay umalis ng tuluyan, gabing gabi na eh. Dumiretcho na din ako sa condo unit ko.

"WHAT THE FUDGE"  bakas pa sa mukha ko ang pagkagulat.

tanga ko lang, diba nga? Sinabi na ni mom na nandito na lahat ng gamit ko.  So ano pa nakakabigla.? Eto ang nakakabigla

"Tinotoo talaga nila" ayan na malapit na tumulo laway ko joke yung luha ko pala.

Walang buhay kong binaba mga gamit ko. Sabay buntong hininga

"deserve ko ata talaga to" sabay higa at maluluha luha na.

M.U.Where stories live. Discover now