Ivanna's POV
Isang araw nalang pasukan nanaman. Haayyyzzz ! Sissy and mikee told me na wag muna ako mag alala kung anong mangyayare sa pasukan instead pagtuunan ko muna daw yung FIANCE ISSUE ko. Kaya eto ako ngayon naghihintay ng taxi papunta sa bahay nila mommy, kinakabahan ako, kase baka ipagtabuyan nila ako. O kaya naman baka wala silang balak kausapin ako. Nagdadalawang Isip tuloy ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero hindi I need to face my fear, Isa pa masyado akong curious about dun sa Fiance thingy, kaya kailangan kong i-confront sina mommy kung may kinalaman ba sila. Kase di lang naman ito yung first time. Kase pinipilit nila ako na makipag date sa mga bussines partners nila at kapag hindi ako pumayag sa gusto nila bawas allowance at grounded for five days. Naalala ko pa noon nung pinilit nila akong makipag date dun sa Nerdy son ng mga Valencio. napaka creepy kaya nun. Kaya tinanggihan ko alok nila, kaya 3k lang allowance ko noon at na grounded pa ko. Halos naisip ko nga na maglayas nalang kase ikaw ba naman ikulong sa loob ng bahay. Ewan ko nalang kung hindi ka mabaliw. lalo na sa mga uma-ala DORA THE EXPLORER katulad ko. Nako mabuti nalang at binibisita pa ako noon nina Sissy. Okay end of flashback, naka para na ako ng taxi at agad na tinuro ang address.
"Miss andito na po tayo" sabi ng driver.
"Ay kalabaw! ayy Eh--sorry po kuya. Eto na po bayad, hehe" Sus, halos atakihin ako sa puso, hindi naman ako tulog but I'm spacing out. Ang layo ng nilalakbay ng isip ko ngayon. Bumaba na din ako agad at naglakad palapit sa gate. Wew, sana an dito sila hilig din kase nila mag-ala DORA, may kunting pagka excite at kaba ang nararamdaman ko. Sana andyan sila. *DING DONG* *DING DONG* *DING DONG* hahaha namiss ko tuloy kung gaano ako kapilya sa mga maids dito. Sarap nila pag tripan. Na miss ko tuloy itong bahay na 'to. biglang may sumigaw na maid *Wait lang po!* aba sinisigawan ba nila ako ?! pag bukas niya ng gate salubong na kilay ko ang naabutan nya. Pano ba naman pinaghintay ako sa mainit.
"Ayy, long time no see po ma'am Ivan"
"Salamat sa pagbilad saakin sa araw."
"Ah-Eh sorry po ma'am, may ginagawa po kase ako sa kitchen"
"I don't need your explinations, pwede na ba pumasok ?! damang dama ko na init sa katawan ko !"
"Sorry po ulit" saka sya nag give way at nag bow pa. Eto namiss ko, yung tinatrato nila akong parang prinsesa. Wahaha hindi ko tuloy maiwasang ngumiti. At shempre pumasok na ko, ang init talaga eh.
"Nasan sina Mommy?" Tanong ko ng pag pasok ko sa pintuan.
"Nasa taas po ma'am, nag iimpake. mamaya po kaseng gabi may flight sila papuntang France, may bibisitahin daw na bussines partner" sagot ng isang maid.
"Bakit mo alam? Tinatanong ko lang naman kung nasaan, hindi ko naman tinatanong kung saan ang punta" sarcastic kong sagot. Yumuko nalang din sila, kaya umakyat na din muna ako. Duhh! I don't want to waste my time on those stupid maids.
Nang makarating na ko sa pinto nila mom, hindi ko alam gagawin ko kaya bumaba nalang ako at umupo sa sofa, ang baliw ko no? nasa harap ko na yung pinto at maghihintay na kumatok eh hindi ko pa magawa ! Tsss. Umakyat uli ako at kung ano anong thoughts ang pumapasok sa utak ko. Kesyo minumura na ko ng pinto at sinasabeng *tanga! Ano to ? Pina paasa mo ko na kakatok ka sa pinto ko. Tapos tatakbuhan mo din pala ako? Nako kung may kamay lang ako siguradong naupakan na kita. Nako Ivanna DON'T ME! kung pinag hihintay mo lang ako sa wala. Umalis kana nalang.* hala ?! Tae ! Saan galing yung nagsasalintang pinto. Sa sobrang pag panic ko kung saan galing ang nagsasalitang pinto eh aksidente kong nahampas yung pinto. Halatang nagulat yung mga tao sa loob. Sino ba naman ang hindi ? Tanga ! agad namang nag bukas yung pinto at
O.O (mom&dad) Na speechless lang din ako, at hindi ko alam kung pano mag react. Kase baka sabihin nila na wala akong modo kumatok ng pinto, tsss -____- hindi tuloy ako mapakali, nakakabingi kaseng katahimikan ang umiiral. Still naka tayo padin kame sa pinto.
YOU ARE READING
M.U.
RandomGuys, sorry sa mga errors and typo's na mababasa nyo sa every chapter. Since this is my first story I hope na magugustuhan nyo 'to. and please don't forget to comment and vote. thankyy mga bheeb .