CHAPTER NINE

30 0 0
                                    

Mabuti naman at back to normal nanaman tong tibok ng puso ko, eh halos ilang linggo ang lumipas eh napaka abnormal neto. saturday ngayon kaya kasama ko ang Squad. Ako, si sissy, si vince, si mikee , at si kurt. Lima kame sa tropa. tatlong nag gagandahang babae at dalawang nag popogiang lalaki. Magkakaibigan simula ng highschool hanggang ngayon. In fact mag kakaaway pa kame nyan nung highschool, si vince at kurt palagi kaming pinag t'tripan ni sissy. Seatmate ko kase tapos kming dalawa ni sissy ang napapagitnaan nila. Pero once na may umaaway saamin o kaya nambabastos na lalaki sila resbak namin dahil sila lang daw na dalawa ang may karapatan na gawin yung mga yun saamin, Si Mikee naman dakilang bully sa room. Mapanglait pero mabait. kameng dalawa ni mikee ang palaging nagbabangayan sa room, pero kapag pinapalabas kame eh magkasundong magkasundo. Hindi rin naman kame nag pa'plastikan kase binabatukan pa namin ang isa't isa tapos nagbibitaw ng masasakit na salita sa isa't isa tapos sabay tatawa. Same din kay Sissy, she was may bestfriend since elementary, di nga kame nyan mapag hiwalay dati eh, Pakners in crime kame furevs, swerte ko sa mga kaibigan ko, kaya nga WALANG WALANG WALA akong balak na mag Boyfriend ULIT. Nagmumukha lang naman akong tanga eh, Umaasa palagi sa Wala. Tangengot nalang ang mga nagmamahal ngayon, Kase wala namang permanente sa buhay iiwanan lang din naman sila ng jowa nila. Hindi naman ako bitter sinasabe ko lang ang totoo.

*BACK TO REALITY, andito kame ngayon sa arcade at nag lalaro ng dance evolution. Mukha na nga kameng baliw eh. Para kameng losyang habang sumasayaw wala kame ngayon sa katinuan, Namiss ko kaya sila. ilang weeks kameng hindi magkakasama dahil busy sa collage life. lumipat naman kame sa shooting game. Para kaming bata sa pag aagawan ng bola. Theeeeen *bogsh!* may natamaang bata sa ulo sa kagagawan nila vince at kurt "hala kayo vince at kurt, patahanin nyo yang umiiyak na bata!" Pag babanta naming tatlo.

"Di naman namen sinasadya eh"

"Lagot kayo basta, bigyan nyo ng peace offering, ang babaliw nyo kase" sabat ni mikee

"Huy, ikaw na bumili ng ice cream o di kaya chocolate kurt! Tutal ikaw naman nakipag agawan ng bola, bilis ! " pag uutos ni vince, kala mo naman hindi sya kasabwat sa pag paiyak nung bata.

"Tayong dalawa! mag iisipan pa ba tayo? Kasalanan natin eh. Tara na" pagyaya ni kurt ki vince at tuluyang lumayas at agad bumili ng ice cream. Ini entertain na din naming tatlo yung bata, para wag na masyadong umiyak. Pinagtitinginan na kame ng tao sa palagid sa mga pinag gagagawa ni sissy, palibhasa kung ano anong ginagawa pampatawa sa bata. Kesyo kinakantahan nya,kesyo nag m'make face sya ng nakakaloka, kesyo pinaghahampas na sya nung bata. Natakot ata. Tawa lang kami ng tawa ni mikee.

"Bakit ka naman tumatawa ha?!" Sabi na nga ba, wala sa oras lilibakin nanaman ako neto.

"Bakit masama bang tumawa?"

"Eh sa ayaw kong kasabay kitang tumawa, shooo!" Aba nyeta tong babaeng to pagtabuyan ba naman ako.

"Batok gusto mo?! pasalamat ka sinasabayan kita sa pagtawa, nagmumukha ka kaseng baliw kapag mag ikaw lang tumatawa" then i roll my eyes. Nanahimik nalang din sya tapos sabay nanaman kameng tatawa "Wahahahahahahaha! baliw! Namiss ko 'to, yung pagbabangayan natin, pero hindi ikaw!"

"Wag ka mag alala hindi naman kita namiss, yung pagbabangayan lang din natin, halika nga pasabunot ako" sabay hablot ng buhok ni mikee at kunwareng sinasabunutan. Ganun din ginawa nya saakin. Mukha na kameng nag aaway. HAHAHAHA^^v ansaya pa namin habang nagkakasakitan kame.

"Eheeeeeeeem!" Malakas na kunwaring pag ubo ni Sissy.

"Akala ko ba papatahanin natin tong bata, bakit ako lang gumagawa.?!" Hahaha nag tatampo ang beastfriend ko.

"Hahaha sorna beastyy, andyan na sina kurt oh" at saktong pag dating nina kurt , at iniabot yung ice cream at chocolate. Natahan na din yung bata at sabay tumakbo palayo. walang modo -___- jk^^v. "Tagal nyo naman, uwi na nga tayo, nakakaloka kayo kasama!" Pag iinarte ni sissy, hahaha kawawa naman ang beasty ko, pinahirapan nung batang yun. Di naman kase ako pwede dun, kase baka mas lalong matakot saakin. Hindi pa naman ako magaling sa pagtatahan sa mga bata. Pano nalang kung nag ka anak ako? edi kawawa. Hahaha but who cares? Bata ps naman ako, matututunan ko din yan :D Then a message came up

Frm. Unreg. Number

Hey babe :* One month has past sa paghihintay na makita kita, ilang months nalang, mag kikita na tayo.  I LOVE YOU TAKE CARE.

-your Fiance. 

Wtf ?!!!!!! O.O ano daw FIANCE ?!

M.U.Where stories live. Discover now