Upside Chapter 7

25 2 0
                                    

Hayley's POV

Grabe yung c.r. nila Edward, parang buong sala na namin eh! Ang laki tapos may chandelier pa! Daming kaartehan ng c.r. nila!

"Good Evening everyone are we enjoying the party?" Panimula nung host. Ah eto yung ate ni Edward na pingselosan ko nung isang araw! Ang ganda niya talaga huhuhu.

"I hope we all do. As you can see kanina pa hindi lumalabas si birthday boy." Oo nga noh kanina pa kami lamon ng lamon tapos wala pa pala si Edward di ko pa nga siya nakikita eh. Nasaan kaya yun?

"It's for the very reason that we intended to hide for a game. We'll call this "Nasaan ka Edward?". I know I know we re-used the teleserye's title "Nasaan ka Elisa?". Do you have any clue about the game now? Well, here's the mechanics, you'll have to obviously find my brother Edward from our house the whole house I mean. Take note, sa loob lang ng bahay namin ha?"

"Dahil wala po siya sa garden and mas lalong wala siya sa labas ng gate ng bahay namin. As I have said nasa loob lang po talaga siya ng bahay."

Nasaan kaya yun si Edward? Kaka-excite naman itong game na ito!

"But we had a little conflict about the door but it's not too much to worry about. Btw, the prize will still be a secret!"

Ano kaya yun?

*kriiinnnggg krriiiiinnnggg*

Wait may nagtext sa akin! (Oh di ba ang ganda ng ringtone walang kasing luma -,-)

"So please remember participants to not lock every door you enter because the room's where Edward's placed now is malfunctioning. I mean, mabubuksan mo lang siya if nasa labas ka ng room but if nasa loob ka hindi kaya po si Edward ay di makalabas dun ngayon. Well we intended it!"

Ha? Ano daw? Wala akong naintindihan kasi may nagtext sa akin si Mindy. Aish gm lang pala! Ano kaya yung sinabi nung host? Siguro hindi naman importante yun di ba?

"Let the game, begin!"

Someone's POV

Nagsimula na nga ang larong nasabi. Lahat ay naghahanap talaga ng maigi kay Edward.

Si Hayley naman, dahil hindi siya nakinig sa host kanina ay patuloy niyang sinasara ang pinto ng bawat kwartong napapasukan niya. Nagtataka nga siya dahil laging nakabukas yung mga kwarto!

Pero may nangyaring di inaasahan ni Hayley,

"Edward? Andito ka ba? Yohoooooo andito ka ba Edward?"

Walang nasagot sa kanya. I mean nasa loob si Edward pero ayaw niyang mag-salita!

"Wala naman yata si Edward dito eh! Makalabas na nga!"

Pero dahil nga sa sinabi ng host na sira ang pinto ng kwartong kinaroroonan ni Edward ay hindi mabuksan ni Hayley yung pinto!

"WAAAAAH BAKIT HINDI KO MABUKSAN BAKIT LOCK!!! WAAAAAHHHH TULOOOONNNNGGGG BUKSAN NIYO PO ANG PINTOOOO HUHUHUHU AYOKO PONG MATRAP DITO TULUNGAN NIYO PO AKOOO!!!!"

Walang tigil sa pagsigaw si Hayley pero walang nakakarinig sa kanya. Soundproof din kasi yung kwarto.

Walang nagawa si Hayley kaya umupo na lang siya sa sulok. Madilim pa naman ang buong kwarto. Sinadiya kasi ng ate ni Edward na patayin ang ilaw ng kwarto.

"HUHUHUHU MOMMY TULUNGAN NIYO PO AKO PALABASIN NIYO PO AKO DITO PROMISE MAGHUHUGAS NA PO AKO NG PINGGAN TSAKA MAGWAWALIS NA RIN PO AKO HUHUHUHU MOMMY TULONG HUHUHU"

Rinding-rindi na si Edward sa sigaw ni Hayley kaya hindi niya na napigilang magsalita pa.

"Hoy tumigil ka nga diyan!"

Upside LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon