Helga pov"Gareth,starts with the familiarize,yung basics lang muna,wakarimasu-ka?(understand)" sabi ni farrah at umupo muna sa isang couch katabi ni kurt
"Hai.."sagot ni gareth bago binalik ang tingin sakin
"Well,iba't ibang designs lang yan,here.."hinawakan niya ang simpleng bow kaya lumapit ako dahil parang na excite ako
"Its a recurve type,simplier and easy to use,it requires more strength to draw"ah yun pala yun..tumatango lang ako habang nakikinig..sobrang gusto ko mag focus sa mga bow.ang astig!
"and this one""wow"nasabi ko na lang nang hawakan naman ni gareth yung magandang bow,yung parang ginagamit ng mga angels sa pelikula
"Haha wow talaga.anyway ito naman ang compound bow,its more complicated but more power for less draw.so,what would you prefer to use?"
"I-i think that compound type"
*Clap**clap* "gotcha,i also personally recommend this to you,anyway we have also two types of arrow,this aluminum arrows are expensive and only recommended for hunting so wag tayo diyan,ito naman ang carbon arrow,cheap but good for practice"tapos lumapit naman siya dun sa maliliit na bagay if im not mistaken yun yung nilalagay sa dulo ng arrows.
"for practice,we prefer to use field point and use this broad head if your hunting and you want them to be....kill",saglit akong nagulat sa huli nyang sinabi,pero ng nakita ko ang tinuro nya ay kusa na lang akong lumapit at hinawakan iyon,.
"Wait,be carefull on touching it."tiningnan ko lang siya sandali at binalik ko ang tingin ko sa broad head.tama nga siya,i should be carefull because it seems really sharp,napa pitlag ako ng biglang tumayo si farrah.
"Enough" mariin nyang sabi at sinenyasan bagong dating na babae..infairness sa club nila ha..mukha silang mga goddess idagdag pa si bea morisson
"Mira,show her how to draw"sabi nya patungkol sakin,mabilis namang tumango ang huli at ngumiti sa direksyon ko tapos kumuha ng isang compound bow at bag na may lamang tatlong carbon arrow. Tumingin ako sa wristwatch ko,meron pa akong 25 minutes bago mag umpisa ang klase."Hi feigh,im sure your done in familiarizing thing" huh?pano kaya ako nakilala nito?ah siguro kasi nga updated sila sa mga students na wala pang club at dahil din siguro madalas ako sa council..hayaan na nga
"O-oo tinuro na sakin ni gareth""I see"isinukbit nya sa likod ko yung bag "dapat masanay ka na ding mag draw na may arrow quiver sa likod para hindi ka na mailang next time"so quiver pala yun.."and use this compound bow"ibinigay nya sakin ang bow bago kumuha ng arrow sa likod ko na may field point na din at binigay din sakin
"Laging field point ang gagamitin mo kung hindi ka naman mag ha hunt ha?""What the heck mira?make it fast.may klase pa tayo"nagulat ako sa pag sigaw ni kurtney pero hindi ko na lang pinahalata..aba hindi ako magpapasindak sa kanila noh.
"Ok.ito na nga oh?"hinila nya ang wrist ko at tumapat kami sa target na may nakalagay na 40m
"Mira sa kabila,wag jan" nadinig ko pang sabi ni kurt at hindi nakatakas sa paningin ko ang pag ngisi ni farrah.hindi ko na lang pinansin at nagkusa na akong tumapat sa target na may 60m na nakalagay para lang matapos na agad.
"Are you hell serious kurt?" Naguguluhang sabi ni mira
"The hell i am,kaya bilisan mo na ma le-late na tayo"sigaw pa ni kurt..napakamot na lang sa ulo si mira bago lumapit sakin
