Part 5- Friends?

210 6 2
                                    

~skyler's POV.~

Lunch na at wala ako sa cafeteria, because ayoko sa crowded na places masyadong..ughh nevermind kaso--- I want to go to the cr but..walang girls cr dito kundi boy's cr lang. Wtf? right?

Pumunta na ako sa boy's cr..the hell? Ang daming lalaki! Paano na nyan?

Pumunta ako sa boy's cubicle at natapos din naman ako pero something happened.

"Binabangga mo ba ako?" Tanong nung matangkad na lalaki at halatang galit na galit..I'm pretty as dead.

"Ahh? Eh- kasi-"

"Excuses? Di gagana yan sa akin!"

"Hindi ko naman sinasadya eh..galit agad?"

"Are you saying something?"

"Wala haha *fake laugh*"

Sinuntok nya ako bigla and pumutok ang labi ko! Ang sakit! Bloody day?

"Bakit mo ako sinapak?!!" I asked him and he just answered me with a damn smile.

"Ooopss nagagalit na ata ang newbie" pangaasar nya.

Sasapakin na nya sana ulit ako ng biglang may humawak sa kamay nya..

"Chilax bro, wag mo patulan ang newbie..maybe next time?"

That voice..si kyle

Agad namang nagwalk-out yung lalaki at tumkngin sa akin si kyle at hinawakan ang labi ko di pa rin tumitigil ang paglabas ng dugo..ang sakit masyado. Kung alam lang nya na babae ako hindi nya magagawa yun.

"Dalhin kita sa clinic para matapos na ang pagdudugo" halata sa mukha nya ang pagaalala.

"I'm fine, di ko na kailangan pumunta dun" i replied.

"Ok, edi ako ang gagamot"

"Di tayo C-L-O-S-E close!!!"

"Okay, bahala ka dyan" sabay irap nya sa akin. Grave lang lalaki nangiirap pala di ko alam yun.

"Hahaha joke lang yun, tampo ka agad?"

"Never"

"Ilibot mo ako sa buong campus" pagyaya ko sa kanya at tumango naman sya.

"May 3 dorms dito, sports, talents and the nerd dorm. Choose, kung saan mo gusto"

Kung saan sya dun na rin ako..mas ok na may kakilala ako (kahit ngayon ko lang nakilala o baka nung nakaraan?) Edi mas ok, baka lapitan pa ako nung lalaki kanina.

"Nakapili ka na?" He asked.

"Ano ba ang dorm mo?" Tanong ko sa kanya at tumahimik muna sya bago sumagot.

"Sports" maikling sabi nya at dahil sa sinabi nya halos magulat na ako..hindi naman kasi ako sporty!

"Wtf? Ehh wala akong alam sa sports?"

"Edi sa talents or nerds"

"Wala akong talent, at hindi ako nerd, ok? Lagi kayang bagsak ako sa mga exams" totoo lagi akong bagsak.

"Eh? Ahahahaha edi sa sports ka na lang..tuturuan kita mag soccer or badminton pwede rin na track and field" suggest nya sa akin pero soccer? Badminton? Track and field?!!!

"Oo na turuan mo na lang ako..so sports na ako? Hihi excited na ako"

"Nagmumukha kang babae..mga bagahe mo? Samahan na kita sa magiging room mo"

"Okay!" Sabay abot ko sa kanya ng mga bagahe ko

Nasa loob na kami..ang laki sobra! May canteen sila, sala, game room, movie room at music room! Ang tindi parang mansion lang at ito ang mansion na madaming room!

"Luh? Oa mo! Sundan mo ako at magpahinga ka muna sa room mo" naglakad na sya at sinundan ko naman baka maligaw pa ako eh.

"Hmmm..isa na lang ang vacant room, pero may makakasama ka doon, ang top player sa school" nanlamig ako..may makakasama ako sa room? May makakasama ako?

Nasa tapat na kami ng room na sinasabi nya. Kumatok na si kyle at binuksan ito nang isang masungit ata na lalaki pero grave..ang gwapo, may magandang katawan at matalino ata.

"Sino sya kyle?" Sabay turo sa akin nung lalaki na kakatapos lang ata maligo.

"Sya ang transferee, Ray Miller" pagpapakilala sa akin ni kyle.

"At? Dito sya sa kwarto ko?" Galit na tanong nya, lagot ako dito.

"Oo, ang kuwarto mo lang kasi ang pinaka malaki at ikaw lang naman ang nandito"

"I won't accept him" and he slammed the door.

"Kyle, pwede ba na sa ibang kuwarto na lang, baka meron pang iba"

"Eto lang ang isang kuwarto na pwede sayo, sa loob kasi ng kuwarto niya ay complete appliances na, may game room din."

Natahimik ako dahil sa sobrang pagkamangha.. ganun kalaki? Weh?

"Dwaine, buksan mo o mapapaalis ka sa school na 'to" Pananakot ni kyle pero bakit naman sya matatakot?

"So..blackmail?" Cool na tanong ni dwaine, ang ano ng pangalan nya.

"Oo, papasukin mo na sya"

Binuksan naman nya ang pinto, at tinignan nya ako simula ulo hanggang paa.

"Pumasok ka na" sabi nya at halata na masungit ang makakasama ko.














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One of the Cool BOYS!!! (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon