Chapter 1 - Instant Boyfriend

683 24 8
                                    

"Gurang ka na hoy, humanap ka na ng boypren!" Makagurang naman 'tong si Minzy at talagang ipinagsigawan niya pa sa mukha ko! Tumalsik pa nga 'yong laway niya pwe! Nga pala, bestfriend ko 'yang si Minzy, di nga lang halata. Parati kasi kaming nagaaway n'yan pero labs na labs ko 'yan.


"Hoy, di pa ako gurang noh! 17 lang ako!" Sigaw ko sabay binato ko siya ng unan, "At tsaka sige, hanapan mo ako ng boypren tutal atat ka eh."


Nandito kami sa sala, nanunuod ng movie. Nakatira kami sa iisang bahay. Actually, bahay nila Minzy 'to, nakitira lang ako. Wala na kasi akong mga magulang kaya malungkot don sa bahay namin kasi mag-isa na lang ako. And since, magkaibigan 'yong parents ko at parents ni Minzy, they suggested na dumito na lang ako sa kanila kesa naman mamuhay ako ng mag-isa don sa bahay namin.


Tsaka para na rin daw may kasama si Minzy everytime na kailangan nilang pumunta sa ibang bansa. Minsan kasi may business trip sila kaya madalas ding naiiwan mag-isa si Minzy, so they decided na pagsamahin na lang kami dito. Childhood friends kami ni Minzy kaya marami akong alam tungkol sa family niya. At ganon din naman siya sakin. Para na nga kaming magkapatid.


"Aba't ako pa ang paghahanapin mo eh lablayp mo yan tse!" Binato ni Minzy 'yong unan pabalik sakin, buti na lang nakailag ako. Kala niya ah! "You know what, kaya walang napatol sayo kasi manang ka! Tignan mo nga 'yang itsura mo, daig mo pang lola kung manamit. Ang haba haba ng palda mo, halos sumayad na sa lupa. Tapos 'yang damit mo masyadong tagong tago 'yong balat mo! Maglabas ka naman ng konting cleavage! Pa'no ka makaka-attract ng boys n'yan?!" Kung makapagsermon 'to kala mo nanay ko. Manang daw ako? (>_<) Kung di ko lang bestfriend 'to kanina ko pa 'to nasabunutan. Grabe makalait eh.


"Ah ganon?! Gusto mo 'yong halos kita na kaluluwa ko?! Ganon ba ha?! Ganon ba?!" Sigaw ko kay Minzy. Sigawan kami ng sigawan pero isang dangkal lang ang layo namin. XD


"Oo ganon nga! Ganon nga! Kung gusto mong magkaboypren, magsuot ka ng sexy! Kung kina-kailangang lumabas ka ng naka bra't panty lang, gawin mo! Alam mo naman ang mga lalake ngayon malilibog! Pag nagsuot ka ng ganon, wala pang isang minuto, tiyak na may papansin agad sayo!" Jongina ng mga suggestions ng bruha na 'to, laking tulong. -___- Mahampas nga ng unan 'to.



*WAPAK!*



"Aray ko punyeta ka Aika!" Daing niya habang nakahawak sa ulo. XD


"Gaga ka! Hindi ako desperadang magkaboypren para gawin 'yon! Kung ganon din lang, wag na oy! Di bale nang NBSB ako forever!"


"Walang forever friend."


"Ang bitter neto!"


"Eh wala nga kase!" Sabay tayo ni Minzy.


"Saan ka punta?" Tanong ko.


"Matutulog na. Ikaw hindi pa?"


"Uhh..." Tumingin ako sa wall clock, 10pm na pala. Ayaw ko pa sanang matulog kaso naalala ko, may pasok pala bukas. Kailangan kong gumising ng maaga, bawal akong ma-late kasi first day of school pa naman 'yon, "Matutulog na din ako," Pinatay ko na 'yong tv at naglakad na ako papunta sa kwarto ko, "Goodnight Minz! Sweetdreams."

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon