Panimula

263 17 1
                                    

Water Boy by Taong Sorbetes

Genre: Sports Fiction, Action

THIRD year highschool na nang umpisahang kahiligan ni Romeo ang larong basketball. Nagsimula ito nang mapanood niya ang three point shot ni Ray Allen sa game six ng NBA Finals noon. Miami Heat at San Antonio Spurs ang magkalaban ng taong iyon. Ito nga ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na sumali sa basketball team ng kanilang paaralan. Gusto niyang maramdaman sa sarili niya na nakakapagpapanalo siya sa pamamagitan ng tira niya. Gusto niyang makilala sa isports na ito. Gustong-gusto na niya.

Ang Canubing National High School ang nangungulelat na secondary school pagdating sa larangan ng isports, lalo na sa basketball. Dito rin pumapasok si Romeo. Dahil nga sa pagiging kulelat nila kaya madali lang siyang napili sa team. Wala siyang karanasan sa larong iyon at ni hindi pa nakakapaglaro sa totoong laro. Subalit dahil kailangan nang mabuo ang labindalawang manlalaro ng paaralan, walang mapagpilian ang coach ng team. Isa pa, walang interesadong sumali sa kanila kaya kinuha nila ang 5'2 na third year student na si Romeo, kaso hindi upang maglaro, ito'y para maging water boy ng koponan.

October 2, 2015

Water Boy by TaongSorbetes (WALA ng Karugtong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon